Andrew
Hi ulit! Hindi pa pala ako nakakapagpakilala, noh. Sige. Ako si Andrew Villova, 17 na ko. Yun lang yun.
"Sino na kaya yung panibago kong target?" Tanong ko sa dalawang unggoy
"Malay ko sayo" banat ni Jade
"Kung sino na lang unang dumaan" Suhestiyon naman ni Den
"Gege" ako
Naghintay kami ng bagong dadaan. Nasa corridor 2 kami kaya madalang lang ang tao dito. Kadalasan mga introvert lang nandito. Hahaha! Kaya lagot samin yung bawat dadaan dito.
Makalipas ang sampung segundo ng paghihintay ay sa wakas may dumaan na. Babae siya. Wahahahahha! Babae pa talaga tsaka... Maganda.. Pero matapang yung mata. Yung tipong nasa isip ka pa lang niya pinapatay ka na. Napakatapang ng mata. Di ata to papahuli ng buhay.
Inabangan lang namin siya makadaan dito at nang malapit na siya'y pinana ko siya. Yung pangbata. Oo meron akp nun! Pero di ako isip-bata, ah. Pangtarget ko lang yun sa mga target. Hahaha! Nag-iisa lang siya kaya wala talaga tong laban samin. Tatlo kami tapos isa lang siya. Aww, kawawa.
Maya-maya pa'y tumingin siya sa amin ng matalim at sa pagtingin niyang yun, nakaramdam ako ng takot. Pero siyempre di ko yun pinahalata. Babae lang yan. Kayang-kaya yan.
Nang paalis na siya'y hinarang ko siya pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Tinabig niya lang ako. Yung effortless ba. Lintek na yan! Ang lakas naman nun.
Nang makalagpas siya sa ami'y halos magiba ang buong campus sa lakas ng tawanan nung mga unggoy. Humarao ako sa kanila at sinenyasang tumigil na pero wala pa rin talaga. Ang lalakas pa rin tumawa. Hay naku! Bala kayo jan!
Iniwan ko lang sila dun at naglakad na papuntang classroom. Nakakainis! Ngayon lang may gumanon sakin. Tapos babae pa.
Sayang. Maganda pa naman, tapos maganda pa yung balat, matangkad pa pero mas matangkad ako, basta dream girl ko pero nakakalalaki yung ginawa niya. Tomboy ba siya? Hindi ba niya ako kilala?
Allison
"Jadequelle Andrew Guillermo Villova, ang numero unong bully sa Sta. Monica Academy, oh sa tingin mo magbibigay daan ako sa kanya? Ano siya? Hari para igalang? Eh ang lakas nga ng loob niyang panain ako, eh. Kahit ba naman sabihin nating... Pogi siya, pero di naman yun basehan para di na niya igalang yung mga tao. Ughhh!" Inis kong paliwanag kay Sy habang kumakain kami.
"Hay naku! Kahit kailan ka talaga Allison. Hindi mo ba alam na siya yung pinakasikat dito sa campus? Eh entrance pa lang pinagkakaguluhan na siya ng mga babae at mga binabae." Depensa naman niya. Sus! Sabihin mo lang kasi na crush mo yung Andrew na yun.
Ibang-iba sila ni Kuya Andrew na kasama namin sa Dark Side. Kasi si kuya napakabait niya tapos maaalalahanin pa. Eh siya? Sino ba siya para gawin yun? Papansin siya, e.
And speaking of papansin, nanjan nanaman siya at ang mga backup niyang unggoy.
"Uy kawawa naman sila, wala silang maupuan oh. Puno na kasi yung canteen." Tugon ni Sy. Sus kala mo naman.
"Yaan mo sila jan"
"Uy grabe ka naman. Uyy boys!" Tawag niya sa tatlong unggoy na ikinagulat ko.
"Dito kayo, oh!" Sambit niya sabay turo sa tatlong bakanteng upuan sa tabi namin.
Lumingon naman sila sa amin at tumango at....
"Oh, ikaw ulit? Huh! What a destiny!" Mr. Unggoy said with matching Cleopatra hand gestures pa. Jusme! Ang hangin! Tapos anong destiny destiny?!
Dinedma ko na lang siya at binilisan na ang pagkain at nang matapos na ako'y nagpaalam na ako kay Sy.
"Sy, una na ako. May gagawin pa ako."
Akmang aalis na sana ako nang pigilan niya ako.
"Uy saglit lang, kumakain pa kami." Sagot niya.
Tss. Aywan ko sayo. Crush mo lang yang mga yan, eh.
"May gagawin pa kasi ako. Project." Paliwanag ko at tumakbo na palayo sa kanila.
Bahala sila jan.
---
Gabi na nang makauwi ako. Kinausap pa kasi ako ni Miss Linda kasama nung mga nakapasa sa try out. Sabi niya sa amin na moved na daw ang Semis sa Friday kaya makakapaghanda pa kami.
Habang ako'y naglalakad, may mga lasenggerong humarang sa daan ko at hindi lang sila isa, dalawa, tatlo, o apat, dahil pito sila. Diba! Solid BTS pero ang lalayo siyempre ng mga mukha nila sa mga bibi ko.
"Hi miss, mag-isa ka lang?" Sabi nung isa.
Sus! Di ba halata?
"Miss sama ka samin" sabat nung isa.
Sama mo mukha mo.
Maya-maya lang, hinipuan ako nung isa. Aba bastos ang ipis!
Agad kong binali ang kamay nung humipo sa akin at binato mismo sa mukha niya.
"Aba palaban! Yan ang gusto namin"
Tss.
Lumapit naman sa akin yung dalawa at akmang kukunin ako nang bigla ko silang suntukin ng sabay. Oh diba! 2 in 1.
Nakita ko namang papalapit na sakin yung isang mukhang shokoy at hinawakan ako braso. Nagpumiglas ako pero malakas siya kaya naman tinusok ko yung mata niya at tinulak palayo sa akin. Tatakbo na sana ako nang biglang naglabas ng balisong yung isa at itinutok sa akin.
"Sumama ka na kasi samin, miss. Wala kang laban samin"
Tss. Edi wow.
Sakto namang may kahoy doon sa kimatatayuan ko at iyon ang kinuha ko para panlaban sa kanila.
Sabay-sabay naman silang sumugod sa akin pero pinagpapalo ko na agad sila bago pa makalapit sa akin ang mga kolokoy na shokoy. Pero ang hindi ko napansin ay ang paglapit nung isa sa likuran dahilan para mahawakan niya ako sa magkabilang braso ko.
Lakas niya sobra! Hindi ko to kaya!
My goodness! Dumami sila! Mula sa solid BTS naging solid EXO na!
Akmang ilalayo na sana niya ako pero hindi nagawa.
Napasubsob ako sa lupa sa pagbitiw niya sa akin.
Iminulat ko naman ang aking mata para tingnan ang sumunod na nangyari at laking gulat ko nang makita si unggoy na nakikipaglaban sa mga shokoy. Gosh lupet! What? Remember! Pinana ka niya kanina!
Agad akong tumayo at nakipaglaban sa kanila. Sakto namang nagkadikit kami kaya napatingin kami sa isa't isa. Ganda ng mata niya. Hep! Tumahimik ka!
"Kaya mo ba?" Tanong niya habang nakatutok ang kahoy na hawak niya sa kanila.
Tumango naman ako sa kanya. "Tag-anim tayo" sambit ko
"Kaya mo ba?"
"Oo nga" sambit ko at pinalo na yung isa sa sintido dahilan para mahilo siya. Ganito naman ginagawa ng starter diba, hanggang palo lang.
Sinunod-sunod ko naman na yung lima dahil hiling-talilong na yung isa.
Tinandaan ko lang yung tinuro sa akin ni Miss Zendelle na kapag tatlo pataas ang kalaban mo, unahin mo yung nasa gitna para kita mo sa peripheral vision mo ang pasugod sayo. Ginawa ko nga. Inuna ko si Shokoy 1 at sinunod ko si Shokoy 2 pweo pagkita ko kay Shokoy 3 ay nakabulagta na siya sa kalsada.
Nilingon ko naman si unggoy at doon ko napagtanto na tinapos na niya yung mga kalaban ko.
"Tara na!" Anyaya niya at sumakay na sa motor niya.
Tumakbo naman ako patungo sa kanya at sumakay na rin doon. Hindi na kami naghelmet, nagmamadali na kami at baka magising pa ang EXO parody.
"Bakit kasi ikaw lang?" Tanong niya sa akin.
"Eh kasi wala akong service."
"Sus!"
"Teka sinusundan mo ba ako?"
"At ako pa ang napagkamalang stalker"
Tss.
Pero ang galing niya dun, ah.
"Magaling talaga ako"
Jusme narinig!
"Bilib ka?"
"Tss. Ang hangin naman."
"Pogi kasi ako"
"Tss. Anong konek"
"Tayo konekted."
"Tss. Korni"
"Teka asan ba yung bahay niyo?"
"Ibaba mo na lang ako sa may kanto"
"Huwag na!"
"Ibaba mo na lang kasi ako dun"
"Sasabihin mo ba sakin yung bahay mo o iuuwi kita sa bahay ko?"
Nanahimik naman ako sandali sa sinabi niyang yun. Wala naman na akong magawa kundi ituro ko kung saan yung house ko. Hindi ko tinuro yung headquarters namin dahil siyempre madami kami dun.
"Hatid na kita sa unit mo"
"Wag na"
"Baka may mambastos sayo sa elevator."
"Concern ka?"
"Hindi"
Bahagya naman akong natawa sa sinabi niyang iyon.
Pumasok naman na ako sa building at binuksan ang elevator. Ten seconds bago nagbukas yun.
Dire-diretso naman akong pumasok doon at pinindot ang 12. Nang bumukas naman na ito'y saka lang nagsink-in sa utak ko na kasama ko pala tong unggoy na to na pumasok sa elevator. Jusme!
Dali-dali akong naglakad patungong unit ko at pumasok doon. Nakita ko naman siyang nakatayo sa di kalayuan at nagwave sa akin hudyat na aalis na siya. Hindi ko naman alam pero kusang gumalaw ang kamay ko at nagwave din sa kanya. Jusme! Anong nangyari?
Sinara ko naman na ang pintuan at agad nang tinawagan si Miss Zendelle. Sinabi ko sa kanyang hindi ako makakauwi sa headquarters namin dahil may nangyari at pumayag naman siya. Hindi oa ang reaction niya. Ganun lang kami.
Habang nasa higaan naman ako at umiinom ng kape, biglang pumasok sa isip ko si Andrew. An g galing naman niyang makipaglaban. Parang mas magaling pa siya kaysa sa aming lahat.
Bahagya akong napangiti sa naisip ko.
"Tss. Wala lang yun" sabi ko sa aking sarili at natulog na.