Kabanata IV

1906 Words
Andrew "Bilib ka naman?" Tanong ni Jade "Oo nga! Ang galing niyang kumilos." Sagot ko naman "Tss. Crush mo lang yun, e" sabat naman ni Den "Huh! In her dreams. Ano yun porket magaling lang siyang kumilos crush ko na? No way!" Pagdedepensa ko habang nakakrus pa ang mga braso "Tss. Pero maganda daw siya." Si Jade "Baliw 'to, oh" Kahit kailan talaga. Mga unggoy sila. Nandito nga pala kami sa corridor 2 kung saan ko unang nakita si... Ano bang pangalan nun? "Uy Drew!" Tawag sakin ni Den na nagpahimasmas sa akin. "Bakit?!" "Eto oh!" Magiliw niyang tugon at pinakita sa akin ang phone niya. "Ano ba 'to?!" Pasigaw kong tanong sabay hablot sa kanya ng phone niya. Laking tuwa ay mali, gulat ko pala nang makita ko ang sss account nung babaeng magaling sa martial arts. Allison Macquelle Santivaniez Naks naman sa pangalan, bagay sa kanya. "Ano? Nabighani ka nanaman ba?" Sabat ni Den "Ewan ko sayo! Oh ayan na!" Inihagis ko na sa kanya ang phone niya matapos kong makita yun. Wahahahhahahahahhahah! Now I know who she is. Allison "Sa Friday na raw kami makakatungtong sa Second Level." Sambit ko "Eh sino daw makakalaban mo?" Tanong ni Sy "Si Tin ang natapat sa akin." "Jusme Allison! Napakagaling nun, e! Naku practice ka pa para tumagal laban niyo!" Pag-aalala naman niya Ngumiti lang ako sa kanya at nagbasa na. --- Nandito na kami sa Gym 2 at hinihintay namin si Miss Linda. Makalipas lamang ang ilang minuto'y dumating na siya. Sabay-sabay naman kaming tumayo at nagbigay pugay sa pagdating niya. "One!" Humarap kami sa mga kalaban namin "Two!" Nagpugay kami sa kanila "Three!" Humarap kami sa kanya at sabay-sabay nang umupo. "Pair 1!" "Pair 2!" "Pair 3!" "Pair 4!" At "Pair 5!" Tumayo na kami ni Tin at pumunta na sa harapan. "One!" Nagready na kami. "Two!" Nagbigay pugay na kami sa isa't isa "Three!" Nagsimula na ang laban. Siya ang unang nagstrike at binlock ko naman ito. Sinunod naman niya agad ako ng isa pang strike. Aba! Tama nga si Sy, magaling! Nang pangatlong strike naman niya'y binlock ko muli ito at tinulak gamit ang baton ko. Mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko pero wala na akong pake. Sinunud-sunod ko na siya pero gaya ng ginawa ko nung kaban namin ni Eilish, binlock niya ito gamit ang biyas niya at nilock ito saka pinaikot dahilan para mabitiwan ko. Goodness! Isa na lang ang weapon ko! No way! Nung time na itatapat na niya sa akin ang hawak niya'y agad ko iyong binlock ng baton ko. My goodness! Isa na lang siya! At sa pagblock ko naman iyo'y agad niyang binawi ang hawak niya't inistrike muli ako ngunit sa pagstrike niyang iyo'y hinarangan ko siya kasabay noon ay ang pagpapaikot ko sa baton niya't pag-ikot ko para mabitiwan niya ang weapon niya at kasunod naman noo'y agad ko nang itinapat sa kanya ang nag-iisa ko na lang na panlaban. Nashock naman siya sa ginawa kong iyon. Pero pinaikot ko na lang hawak ko sa aking likuran at sabay na kaming nagbow. Dinig ko naman ang lakas ng palakpakan nila. Ngumiti na lang ako at bumalik na sa pwesto. "Okay! Very good! Very good kayong lahat! Pero gaya nga ng sa rules, isa lang ang pipiliin at nakakatungtong sa finals." Nagtinginan naman silang lahat sa sinabing iyon ni Miss Linda. "Tapos ko na rin kayong i-judge at isa lang ang pangalang babanggitin ko at kung sino man iyon, siya na ang didiretso sa finals." Kinakabahan ako. Project namin to at kapag ako ang nakapasa, perfect na ako at makakasali na ako sa varsity team ng school. "At ang nanalo at makakatungtong na sa finals ay walanv iba kundi si..." Parang pageant lang to, ah "Allison Santivaniez!" Pumalakpak naman sila habang nakatingin sa akin. My goodness! Pasok na ako sa finals! "You may now go to your classroom, except you, Allison." Tumango naman ako at lumapit sa kanya. "Bakit po Miss?" Tanong ko "Next week na ang laban mo para sa finals. Unknown ang makakalaban mo pero siyempre siya rin ang pinakamagaling sa all other sections kaya maghanda ka." Tumango naman ako sa mga sinabi niya. "Maghahanda po ako maam!" Sambit ko. Tumango naman siya at tinapik ang balikat ko. "Good luck" sambit niya at umalis na. Yes! Pasok na ako sa finals! Dali-dali akong tumakbo papunta kay Sy at ibinalita sa kanya ang good news. "Wow naman! Congrats! Buti naman..." Bati niya. ".. Edi.. Wawa naman yung isa jan" pabulong niyang sambit "Tss. Wag ka ngang ganyan" --- "Ha!" "Yah!" "Wah!" Muli kaming naglaban ni Miss Zendelle at gaya nung nakaraan, muli ko siyang natalo. "Magaling ka na talaga." "Salamat po miss" "At dahil sa madalas mo na akong matalo, kailangan mas magaling pa kaysa sa akin ang makakalaban mo." Naghintay naman ako ng sasabihin pa niya. "Xandra!" Tawag niya at mula sa taas, bumaba dito ang isang matangkad na babaeng may balingkinitang pangangatawan. May hawak siyang dalawang mahahabang stick at tumayo sa tapat ko. Unti-unti niyang hinubad ang hood niya at doon ko napagtantong maganda pala siya. Halos magkasintangkad lang kami pero mas matapang ang mata niya kaysa sa akin. "This is Alexandra Yvilliona, the Philippines' Greatest Martial Artist. Siya ang magiging coah niyo para sa martial arts." Introduction ni Miss Zendelle. "Hello po Miss Xandra! Nice to meet you!" Bati ko Ngumiti lang siya sa akin. "Pumunta na kayo sa closed field at simulan na ang training." Nanguna naman siya sa closed field at kaming apat nina Elise, Zennaiah, at Kylie ay sumunod sa kanya. Andrew "Pa'no ka maghahanda?" Tanong ni Den Wala si Jade, may sakit. Kawawang bata. "Edi ganun pa rin" Tamad kong sagot "Dapat kumuha ka ng mas magaling na coach" suhestiyon niya "Tss. Di na kailangan." "Naku, Drew! Finals yun, siguradong magaling din ang makakalaban mo. Paano kung matalo ka? Edi pano na yung pangarap mong makasama sa varsity team?" Sus! Kung makapagsalita naman to kala mo siya yung lalaban. "Tss. Ikaw kukuha ng coach ko." Natawa naman siya sa sinabi ko. "Tss. Ulul! Bala ka na nga jan!" Tatawa-tawa niyang sambit sabay alis. Hay naku! Bahala ka sa buhay mo. Ulul! Hay naku! Sino kaya yung makakalaban ko sa finals? Magaling kaya siya? Hay naku! Makauwi na nga. Nang pauwi na ako'y nakita kong may itim na van na huminto sa mansion namin. Lumapit ako doon dahil sa kyuryosidad ko at laking gulat ko nang makita kong pinapasok doon ang kapatid ko. Naku si Zyle! "Zyle! ZZZZYYYYLLLEEEE!!!" Tawag ko Sinubukan kong habulin muli ang van pero masyado yung mabilis. Agad akong tumakbo papunta sa garahe at kinuha ang motor ko. Dali-dali ko iyong pinaandar at hinabol yun. Habang hinahabol ko iyon, may biglang humarang na letcheng truck sa dinadaanan ko. Muntik na akong mapamura dun! "Letche! Zyle! Ibalik niyo kapatid ko mga hayop kayo!" Tila ako baliw dito na nagsisisigaw kahit wala namang nakakarinig sa akin. Letcheng truck kasi yun, e. "Tara na!" Nagulat ako sa biglang nagsalita na yun. Agad ko siyanv nilingon at laking gulat ko nang may makita akong isang taong nakablack tapos nakamask siya ng black at takip ang mukha niya hood. Sino siya? "Tara!" Pagkasabi niyang iyo'y pinaandar na niya ang kanyang motor. Wala naman na akong iba pang magawa kundi ang sundan na lang siya. Kung saan-saan kami nagpalusot at nagpasikot-sikot. Madami kasing checkpoints sa mga kanto kaya todo ingat ako. Mas lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo sa motor niya kaya binilisan ko na rin ang pagpapaandar ko rito hanggang sa mapantayan ko na siya. Hinahangin ang maiksi niyang kapa. Para naman tong ninja. "Huwag ka sakin tumingin sa dinadaanan mo." Utos niya. Parang pamilyar ang boses niya. Agad siyang lumiko sa unang kanto sa kanan kaya naman napaliko na rin ako doon. Hindi ko alam kung bakit ba ako sumusunod sa kanya. Basta feel ko lang. Maya-maya pa'y unti-unti ko nang nakikita ang itim na van kung nasaan nandoon si Zyle. Mas binilisan pa namin ang pagpapatakbo hanggang sa masundan na nga namin ang van. Papalapit na sana ako sa van para i-corner yun pero agad nanaman siyang nagsalita. "Huwag kang pabigla-bigla! May mga baril yang mga yan. Mas mahihirapan kang mabawi ang kapatid mo." Nagulat nanaman ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang mga bagay na yun? Sinundan lang namin ang van hanggang sa huminto na iyon sa isang lumang warehouse. Iniliko naman niya ang sasakyan niya sa isang iskinita at ipinark iyon. Ginawa ko rin naman iyon at nilapitan siya. "Sino ka ba?" Tanong ko pero hindi lang siya sumagot. Sumilip siya ng kaunti at maya-maya pa'y tumakbo na palabas ng iskinita. Sinundan ko naman siya na ngayo'y papalapit na sa warehouse. "Aakyatin natin yan?" Muli kong tanong. Tumango lang siya. "Pero mataas yan" sambit ko "Takot ka?" Biglaan niyang tanong "Siyempre hindi. Ikaw, baka di mo kaya yan." Tugon ko. Humarap naman siya sa akin at hinuoan ang kapa niya dahilan para makita ko ang mata niya pero hindi ang buo niyang mukha. May mask kasi siya. Nang matanggal naman ang hood niya'y laking gulat ko nang mapagtanto kung sino siya. Kitang-kita ko ang matatapang niyang mata pati na ang kulay nito. "Allison?" Sinubukan ko lang sabihin ang pangalang iyon baka sakaling tama nga ako. Tumingin lang siya sa akin ng matalim. "Allison ikaw ba yan?" Tanong ko pero di lang siya sumagot. Ibinaba na niya ang kapa niya at nagsimula nang akyatin yung mataas na bakod. Kapatid kaya siya ni Allison? Para kasi siyang si Allison, pero.. Pero imposible para sa babaeng tulad niya yung mga ginagawa nung babaeng to ngayon. Sinundan ko lang siya at ginaya ang mga ginagawa niya. Grabe! Ang galing pala sa akyatan nitong babaeng to. Sino kaya siya? Nang makalampas na kami sa bakod, sunod naman naming inakyat, e yung ironbark. Unggoy ba siya? Ang galing niya sa akyatan tsaka ang smooth ng galaw niya. Napakaimposible para mahulog siya. Nagsimula na naming akyatin yun hanggang sa makarating kami sa tuktok ng warehouse. Huminto siya doon sa may bintana at sinilip iyon. Tiningnan ko naman kung ano yung sinisilip niya pero wala naman eh. "Wala namang tao jan, e" tugon ko Tumingin lang siya sa akin at nilampasan ako. Maya-maya pa'y may narinig kaming sigaw. Sigaw ni Zyle yun, ah. Dali-dali kaming tumakbo at huminto kami nang mapunta na kami sa edge ng building. "Oh pa'no ngayon yan?" Tanong ko Hindi lang siya nagsalita. Umatras siya ng kaunti at saka tumakbo papunta doon at laking gulat ko na lamang nang tumalon siya patungo sa kabilang building. Nice! Liningon naman niya ako at sinenyasang sumunod sa kanya. Umatras din naman ako gaya ng ginawa niya at tumalon din patungong kabila pero malas ko nga lang at sumayad ang paa ko sa ironbark dahilan para muntikan na akong mahulog. Buti na lang at nakakapit ako doon sa edge nung building 2. Muntik na akong sumigaw pero baka isipin nung babaeng to bakla ako kaya hindi na lang. Nilingon naman niya ako na ngayo'y hirap na hirap sa pag-ahon. Tumakbo siya patungo sa akin at hinawakan ang braso ko. Kasabay noon ay an g paghatak niya ako pataas. Limse! Napakalakas naman neto. Pero pag-angat niya sa aki'y pareho kaming naout of balance dahilan para matumba kaming pareho. Lintek ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Pero nang magkalapit ang mukha nami'y mas lalo kong nakilala ang mga mata niya. Tama siya nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD