Andrew
Si Allison nga siya.
"Allison" tawag ko sa kanya pero tinulak niya lang ako at tumayo na.
Naglakad siya ng dahan-dahan patungo doon sa bintana at doon nga namin nakita si Zyle.
"Zyle.." Agad niya tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niyang may suot na black gloves. Bakit kaya ganito ang suot nito? Mukha siyang assassin.
Muli siyang sumilip sa bintana habang ako'y naghihintay lang ng susunod na gagawin.
Maya-maya pa'y kumuha siya ng bakal at.. Garter? Siguro mga nasa limang bakal ang kinuha niya.
"Anong gagawin mo jan?"
Hindi siya sumagot at ibinigay lang sa akin yung garter.
"Ano--" hindi ko na natuloy pa ang tatanungin ko sapagkat binulungan na niya ako.
"Malilintikan ka na sa akin kapag nagsalita ka pa" nakaramdam naman ako ng takot doon.
Eh kahit ba naman sabihin nating ako yung numero unong bully sa campus, may kinatatakutan pa rin naman ako.
Tapang talaga nito.
"Oh hawakan mo to" utos niya sabay bigay sakin nung garter.
Hinawakan naman niya ang dalawa kong kamay at inilagay doon sa dalawang side ng bintana. Kinuha naman niya ang isang bakal at inilagay doon sa garter at inistretch ito. Limse! Ano to? Archery?!
"Higpitan mo" utos niya at ginawa ko naman.
Inistretch niya pa lalo ang garter gamit ang bakal at saka binitiwan at BOOM! Sapul yung isang kidnapper.
Dinambahan naman niya ako matapos noon.
"Tago-tago" bulung niya at yumuko naman kami.
Kinuha naman niya ang apat na natitirang bakal at tinulak-tulak ako papalayo doon sa bintana.
"Sino ka ba kasi?" Pagupupumilit ko pero gaya ng palagi, hindi niya ako sinagot.
Tumakbo kami ng tahimik patungo doon sa dulo ng building at saka umakyat doon sa bubong.
Galing naman nitong magparkour.
Kababaeng tao ang daming alam sa akyatan pati na rin sa archery.
Nang makarating kami sa bubong, tumawid kami patungo doon sa dulo nito. Kumapit naman siya sa bakal na nandoon at sinilip muli ang kabilang bintana. Sinenyasan naman niya ako na lumapit sa kanya.
"Oh" sambit niya at ibinigay ang isang bakal sa akin. Pero siyempre dala ko pa rin ang garter na bigay niya sa akin.
"Bababa tayo." Sambit niya at tumalon pababa at sinilip muli ang bintana.
Ganoon din naman ang ginawa ko at sinundan lamang siya. Gaya ng kanina, inistretch niya muli ang garter gamit ang bakal at agad itong binitawan dahilan para matamaan yung isa. Two down three to go.
Akmang titirahin na naman niya yung isa nang bigla nila kaming mahuli. Agad silang bumunot ng baril at pinaputok sa gawi namin. Dali-dali naman kaming tumakbo paakyat muli ng bubong at tumawid patungo doon sa pintuan.
Nagulat naman ako nang bigla niyang buksan ang pintuan. Magpapakamatay ba 'to?
"Matapang ka diba?" Tanong niya.
Tumindig naman ako at sinagot siya ng "Oo naman"
"Edi tara na"
Pumasok kami sa loob kaya naman tinutok ng tatlong shokoy sa amin ang mga baril nila. Tss. Pero itinaas ni... Allison ang dalawa niyang kamay at ganoon din ako. Binitiwan niya ang hawak noyang bakal at sinipa patungo sa kanila.
"Chill! Hindi kami lalaban" tugon niya habang papalapit sa kanila.
Dahan-dahan kaming lumapit sa kanila hanggang sa nasa mismong harapan na namin sila.
"Hindi kami lalaban sa inyo." Sambit niya.
"Pero bakit parang natatakot pa kayo?" Dagdag pa niya.
"Hindi kami natatakot!" Bulyaw nung isa
"Huh! Talaga lang ha"
Tiningnan naman niya ako at tinanguan hudyat na kailangan na naming gawin iyon.
Agad naming hinablot ang baril nung dalawa at sinipa ko naman sa tiyan yung isa. Tss. Mga weak!
Sinuntok naman niya yung isa at sinipa sa mukha yung dalawa. Wow! 2 in 1! Sabay naman naming sinipa yung dalawa hanggang sa mabitiwan nila ng tuluyan ang mga baril na hawak nila. Kasabay naman noon ay ang paggulong namin papalayo sa kanila at saka initutok sa kanila ang mga baril na hawak namin. Dalawa sa akin isa sa kanya. Napayuko naman silang tatlong shokoy at nagbigay-daan sa amin.
Kinalas ko naman ang kadenang nakapulupot sa mga braso at paa ni Zyle saka soya hinila palayo sa mga kidnappers.
Nilingon ko naman si Allison pero wala na siya. Nasan na kaya yun?
Itinakbo ko si Zyle palabas para makalayo na kami doon sa mga walanghiyang dumukot sa kanya.
Nasan na yun?
Inalalayan ko siya sa pagbaba sa warehouse pero siyempre doon muli kami dumaan sa ironbark kung saan kami umakyat ni Allison.
Nang makababa naman kami doo'y tumakbo muli kami patungong gate at umakyat para tuluyan nang makalabas doon. Tsk. Tsk. Naturuan ko tuloy tong batang to ng wala sa oras.
Nang makalayo naman na kami sa warehouse ay agad ko siyang niyakap.
"Simula ngayon huwag ka nang lalabas ng mansion" Utos ko.
Tumango naman siya habang umiiyak at muli akong niyakap.
Muli kaming tumakbo patungo doon sa iskinita at doon ko nga napagtantong wala na nga siya. Peti yung motor niya wala na din. Ganun ba siya kabilis?
Allison
"San ka naman nanggaling?" Tanong ni Kylie
"Nandun nakipagdate" Sabat ni Elise
"Tss" yun na lang ang nasagot ko
"Kaya nga namumula eh" panunuya naman ni Zennaiah.
"Tss. Edi wow" wala na akong masagot
"Oh tara na!" Anyaya ni Kylie at tumayo na dala ang kanyang baton.
Panandalian naman akong yumuko bago tumayo. Kinuha ko naman ang stick na nandun at tinapatan siya.
"One!" Sigaw ni Elise
"Two!" Si Zennaiah
"Three!" Sigaw naming dalawa at nagsimula na ang laban.
Una siyang nagstrike at sumunod ako.
Pero hindi naman sa pagmamayabang pero parang ganun na rin kasi madali naman siyang kalaban kaya madali ko siyang natalo.
"Naku, Kylie more practice pa." Si Zennaiah
"Eh sanay na sanay na yan si Allison" si Elise.
Natawa naman kaming dalawa sa mga pinagsasasabi nila.
"Dami niyong alam" sabat ko
"Eto naman siya na nga pinupuri, e" si Elise.
Bahagya akong natawa sa sinabi niyang iyon. Kahit kailan talaga.
---
Nandito ako ngayon sa condo unit ko habang nagsasanay sa archery. Hindi pa ako ganoon kabihasa kaya todo practice ako dito.
Maya-maya pa'y biglang nagvibrate ang phone ko.
Ibinaba ko muna ang pana ko at saka kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko naman iyon at nakita kong may friend request ako? Tss. Sino kaya yun?
Pinindot ko ang notif na yun at laking pagkadismaya ko nang makita kong si Andrew ang nagfriend request sakin.
Tss.
Bala siya jan.
Ibinaba ko na muli ang cellphone ko at ipinagpatuloy na ang pagsasanay. Pero sa kalagitnaan ng pagsasanay ko'y may tumawag sa akin.
Tumakbo ako patungo sa cp ko at sinagot iyon.
"Hello?" Sambit ko
"Hi" tugon niya.
"Sino po sila?" Tanong ko
"Edi sino pa ba? Edi ang pinaka--"
Hindi pa niya tapos ang sinasabi niya'y ibinaba ko na agad iyon. Tss. Paano niya nalaman ang number ko? Sinong nagsabi sa kanya?
---
Araw-araw akong nagpapractice kasama yung tatlo at siyempre si Miss Xandra. Marami rin siyang pinakalaban sa akin para mas masanay pa ako. May mga itinuro rim siyang bagong taktika para mabilis na matalo ang kalaban. Basta't araw-araw lang kaming ganoon hanggang sa dumating na nga ang araw na pinaghahandaan ko, ang Finals.
This time, naka-all black lang ako tulad ng uniform namin sa Dark Side, wala nga lang mask at kapa dahil siyempre mukha naman akong assassin nun.
Kailangan kasi hayahay ang paggalaw ko para maganda ang laban. Hay naku! Sino kaya ang makakalaban ko?
"Go Allison! Kaya mo yan! Talunin mo makakalaban mo ah" si Sy
Ngumiti naman ako dahil sa suporta niya. Binitbit ko naman na ang stick ko at dumiretso na patungong gym 3 kung saan gaganapin ang Finals.
Umupo na ako doon at hinintay ang kalaban.
Makalipas lang ang ilang minuto'y dumating na si Mr. Alfonso, ang sports coordinator ng SMA.
Agad naman kaming tumayo at nagbigay pugay sa kanya at ganoon din siya.
"Athletes!" Sigaw niya at tumayo na ako.
Dahan-dahan akong naglakad patungo doon sa gitna at ganoon din ang kalaban. Hindi ko alam kung bakit ako nakayuko habang naglalakad. Weird. Unti-unti ko namang inangat ang aking paningin at laking gulat ko nang makita kung sino ang kalaban ko.
Andrew
Siya pala. Siya pala ang kalaban ko. Pero bakit? Bakit siya? Bakit ako kinakabahan?
"One!"
Nagready na kami
"Two!"
Nagbigay pugay na kami sa isa't isa
"Three!"
Nagsimula na ang laban.
Ako ang unang nagstrike at agad naman niya itong binlock.
Habang nakikipaglaban ako sa kanya'y may kabang dumadaloy sa katawan ko. Limse! Hindi pwede! Bakit ako kinakabahan? Matatalo ako nito. Hindi ako makakasama sa varsity team.
Siya naman ang susunod na tumira pero binlock ko ito.
Kakaiba ang galaw niya. Hindi ko pa nakikita sa iba ang nga galaw na tulad ng ginagawa niya.
First time kong may makalaban na sunud-sunod ang strike na ginawa. At nang 12th strike niya'y binlock ko ito pero nagulat ako sa susunod niyang ginawa. Pinailalim niya ang baton na hawak niya sa hawak ko't kinorner niya gamit ng isa niyang kamay at saka umikot pababa at pakaliwa dahilan para mabitiwan ko ito. Inihampas naman niya sa semento ang stick at saka itinutok sa akin.
Pinaikot naman niya sa likuran niya ang baton at sabay na kaming nagbow.
Nilingon ko naman si Mr. Alfonso na ngayo'y manghang-mangha sa mga nangyari. Kahit naman ako bilib na bilib sa kanya, e. First time kong may makalaban na ganung taktika ang ginawa. Para bang sanay na sanay na siya sa labanan.
Sa laban naman na iyo'y binalot ako ng kyuryosidad patungkol sa kanya. Sino ba siya?
"Letch boi natalo ka ng babae?!" Gulat na tanong ni Den nang ikwento ko sa kanila ang mga nangyari
"Oo Den" tamad kong sagot.
Bahagya namang natawa si Jade sa sinabi ko.
"Okay lang yan Drew" sambit ni Jade habang tinatapik ang balikat ko.
Ako naman, nandito, naglalaro ng rubics cube.
"Marami pa namang chance para makapasok ka sa varsity" si Den
"Tss. Wag na." Sagot ko
"Eh kaya ka naman pala natatalo, mabilis kang mawalan ng pag-asa." Tugon ni Jade.
Hindi lang ako sumagot pero nang tingnan ko sila'y nakatulala na sila. Anong meron? Tiningnan ko naman yung bagay kung saan sila natulala at laking gulat ko nang makitang si Allison yun. Papalapit siya sa amin ngayon at doon ko na naman naramdaman ang kaba na naramdam ko kanina sa laban.
May ibinigay siya sa aking panyo.
"Naiwan mo kanina sa gym 3" sambit niya at iniwan na sa aking harapan yung panyo at umalis na.
"Wait!"
Hinabol ko siya hanggang doon sa labas ng canteen at hinila papunta doon sa corridor 2.
"Ano ba?!" Sigaw niya at pumiglas mula sa pagkakahawak ko sa kanya pero mas hinigpitan ko lang ang paghawak ko sa kanya.
"Ano ba Andrew nasasaktan ako!"
Hinila ko siya papalapit sa akin dahilan para mapatingin siya g diretso sa mga mata ko.
"Sino ka ba talaga?" Madiin kong tanong.
"Bakit ba?"
"Ikaw yung babae nung Friday diba? Ikaw yung nakasama ko doon sa warehouse"
"Hindi nga ako yun!"
Tss. Magdedeny pa siya, e kitang-kita ko naman na yung mata niya.
"Magdedeny ka pa e kitang kita ko naman yung mata mo"
"Eh ano naman sayo?"
"Edi lumabas din sa bibig mo!"
"Eh ano naman?"
"Sino ka ba kasi talaga? Ano ka ba talaga?!"
Alam kong hindi dapat ganito ang paraan ko ng pagtatanong sa kanya pero curious na curious na ako sa kanya, e.
Hindi lang siya nagsalita at kinalas ang pagkakahawak ko sa kanya.
Muli siyang tumingin ng diretso sa aking mga mata at unti-unting lumapit sa akin at may binulong.
"Ako si Allison Santivaniez at isa akong assassin."
Nanlaki nama n ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.
"Ano? Masaya ka na? Sinabi ko na sayo yung totoo. Ngayon, tigilan mo na ako." Iyon ang huli niyang sinabi sa akin bago siya umatras at naglakad palayo sa akin.
Ako naman ay naiwan ditong nag-iisa at gulat na gulat sa mga sinabi niya. Ano daw? Isa siyang assassin?