"Anong ginawa mo nung April 24?" Diretso niyang tanong
"Ano bang pakealam mo?"
"May kinalaman ka ba?"
"Maraming assassin sa mundo, Andrew!"
"Oh so may kinalaman ka nga" seryoso niyang tugon
Natahimik naman ako sa sinabi niyang iyon.
"Wala pa nga akong sinasabi pero pinangunahan mo agad ako." Dagdag pa niya.
Kung di nga rin naman ako padalus-dalos, eh.
"Sabihin mo may kinalaman ka ba?"
"Oo!" Biglaan kong sagot na ikinagulat niya
"Bakit? Paano mo nagawa?"
This time, nakaramdam na ako nang takot nang titigan niya ako ng diretso sa mata.
"Hindi naman ako ang may gawa.. " Namimilipit kong tugon
"Anong hindi ikaw ang may gawa?"
"Yung kasamahan ko ang may gawa.. Pinilit lang nila ako.. "
"At sa tingin mo ba maniniwala ako sa sinasabi mo?"
Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahwak niya sa mga kamay ko.
"Andrew.. Ang sakit.. "
Unti-unti naman niyang linuwagan ang hawak niya.
"Kailangan mong pagbayaran 'to."
Muli na naman akong nakaramdam ng takot sa sinabi niyang iyon. Bakot ngayon lang ako nakaramdam ng ganito? Handa naman akong makulong sa mga pinaggagagawa ko. Namugto naman ang mga luha ko sa mata ko nang sabihin niya iyon.
"Ipapakulong mo ko?" Nanginginig pero matapang kong tanong
Pigil na pigil ko talaga ang pagtulo ng luha ko kasi.. Kasi.. Matapang ako, e. Matapang ako. At hindi pa ako napapaiyak ninuman.
Umiling naman siya at pabiglang binitiwan ang mga kamay ko saka lumabas. Hindi ko naman na napigilan ang pagtulo ng luha ko nang makaalis na siya.
Sabi ko matapang ako, e.
Andrew
Hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin yun. Kanina, nang titigan ko siya'y nakita ko ang takot sa mga mata niya kaya naman nakaramdam ako ng awa. Ang hirap kasing paniwalaan ng sinasabi niyang hindi siya amg may gawa. Kung hindi siya, sino? Grupo ba sila..
Agad pumasok sa isipan ko ang Dark Side at Walton League.
Kanina kasi nang isandal ko siya sa pader, may napansin ako sa wrist niya. Tattoo siya na korteng agila na pinaghalong itim at pula ang kulay. Tanda ko na palatandaan iyon ng pinakasikat na assassination group sa Asia, ang Dark Side.
"Oh ano na? Confirmed?" Tanong ni Den
Isinandal ko naman ang ulo ko sa magkabilang kamay ko at mahinang sumagot ng "Oo" dahilan para maiatras niya ang upuan niya.
"Eh anong balak mo?" Tanong niya muli
Umiling lang ako.
"Hindi ko alam" sagot ko
"Ipapakulong mo ba siya?" Tanong ni Jade
"Hindi ko alam"
"Eh pano na yan?" si Den
"Assassin naman siya kaya normal na sa kanya ang pumatay ng tao" singit ni Jade
"Hindi lang ako makapaniwala sa mga nalaman ko"
"Pero atlis nalaman mo ang totoo" sambit ni Den
"Ngayon, tatanungin kita, tanggap mo pa rin ba siya?" Tanong ni Jade
Sumandal naman ako sa upuan at inilagay ang dalawa kong kamay sa mesa saka ito pinaglaruan.
Nakita ko naman ang mga mukha nilang naghihintay sa sagot ko kaya naman tiningnan ko sila at saka ako tumango.
Marian
Matagal na akong naiinis jan sa Allison na yan. Masyado siyang bida-bida. Feeling niya siya yung pinuno namin eh starter lang naman siya. Tsaka ano bang maipagmamalaki niya eh abandonado naman siya. Itinakwil ng mga magulang niya kaya dito napunta.
Siya yung pinakabata pero siya yung pinakapabida. Malakas din siya kay Killer Queen dahil siya ang paborito nito. Hindi ko nga alam dahil kami ang mas naunang ma-recruit pero siya pa itong parang mas importante sa kanya.
Matagal na akong nagtitimpi sa kanya. Nakakainis siya. Salot siya. Kaya buti na lang talaga at hindi ko hinack ng tuluyan ang 17th robot para mascan siya at malaman ng mga tao na siya ang pumatay doon sa prinsipe.
"Anong nangyari?" Tanong ni Killer Queen
"Saan po!" Inosente kong tanong
"Hindi mo nagawa yung pinagagawa ko sayo. Hindi mo nahack yung robots."
"Ginawa ko naman Killer Queen yung lahat pero hindi ko talaga.. "
"Dahil sayo scanned na ang suspects."
"Bulag naman yung robots"
"Anong bulag? Naiscan nga tapos bulag?"
"S-sorry po"
"Anong magagawa ng sorry mo? Wala na! Nascan na! Paano na yan ngayon?"
Dinuro naman niya ako bago nagsalita
"Ayusin mo yan ngayon. Ayusin mo" sambit niya sabay alis.
Allison
Nandito ako ngayon sa rest room at naghihilamos ng mukha.
"Tama pa ba tong ginagawa ko?" Tanong ko sa sarili.
Naguguluhan na kasi ako kung magpapatuloy pa ba ako o ititigil ko na ang pagiging assassin ko. Hindi ko alam, e. Kasi malaki ang utang na loob ko kay Miss Zendelle kaya naman nagpapatuloy pa ako. Pero mahirap na kasi kung marami nang makaalam sa ginagawa ko. Hindi ko naman alam kung hanggang saan umaabot yung boses ni Andrew kaya kinakabahan na rin ako sa mga susunod na mangyayari.
---
Kinuha ko na ang books ko sa locker na gagamitin para sa next lesson.
"Allison!" Tawag sa akin ni Sy pero hindi lang ako kumibo
"Anong ginawa niyo sa stock room ni Andrew?" Nakangising tanong niya
Isinara ko naman na ang aking locker matapos kong kumuha ng mga libro at naglakad na patungo sa classroom.
"Ayy di siya namamansin oh"
Nakakarindi ka kasi.
Kung anu-ano iniisip mo.
"Uy, Allison joke nga lang, e."
Tss. Edi wow
"Allison, ano nga? Oh sige hindi na." Sambit niya at tumahimik na.
Buti naman.
Sinalubong agad kami ng bida-bidang Eilish at ng mga sirenang bakulaw na backup niya.
"Hoy, Allison! Akala mo ba papalagpasin ko yung pagbabanta na ginawa mo sakin?" Mataray na sambit niya
"Pinarating ko na sa principal ang ginawa mong yun" dagdag pa niya.
Tss. Eh ano naman?
Umiling lang ako habang nakangisi at akmang lalampasan na sana siya nang bigla niyang higitin ang buhok ko.
SIOMAI SIOPAO SUMAN!
Agad ko namang hinawakan ang kamay niya at mabilis na umikot para mapilipit yung napakapangit niyang kamay.
"Ouch!" Sigaw niya
Pinanood na naman kami ng mga usisero naming kaklase. May mga nagtatawanan, may nagsisigawan, at mayroon din namang mga loko-lokong nagpustahan kung sino ang mananalo sa amin ni Eilish.
Pinagtulungan naman ako nung mga backup niyang panget pero di talaga sila umubra kay Sy. Warfreak talaga 'to.
Sinipa niya yung isa at sinuntok yung isa dahilan para mas lalong lumakas ang sigawan ng lahat.
Agad ko namang pinilipit sa kamay ko ang mahaba niyang buhok at saka hinatak para wala na talaga siyang kawala.
"Isang beses na lang" bulong ko sa kanya at saka siya tinulak sa mga walang kwenta niyang mga kaibigan.
Umupo na ako matapos ang laban at siyempre, gaya ng sinabi ko, may mga nanalo at natalo sa pustahan. Hindi ko alam kung bakit may pumupusta pa kay Eilish.
---
"Ano nanaman bang ginawa niyo?! Alam niyo palagi na lang kayong ganyan!"
Sa ngayon, pinapagalitan na kami ng napakabait naming principal na si Ms.
Victoria. Oh diba pangalan pa lang pangmaldita na.
"Sila naman kasi miss nauna" singit ni Sy
"Shut up!" Sigaw naman sa kanya ni MM, short for Miss Maldita
"Ikaw naman, Miss Santivaniez, nakararing sa akin nung isang araw ang ginawa mong pagbabanta dito kay Eilish. Gusto mo bang ipatawag ko ang mga magulang mo dahil sa ginawa ko?!"
Tss. Kung di ka rin naman pala ano, bakit ka pa magtatanong kung alam mo naman ang isasagot ko. Tsaka for your information, wala na akong mga magulang. Tsaka isa pa, gusto mo ipatanggal kita?
Nakita ko namang ngumingiti-ngiti pa si BB, bida-bida for short. Tss. Sarap sampalin!
"Oh ano?! Bakit hindi ka makasagot?!" Tanong niya
Siyempre sasabihin mo nanaman shut up. Di ka rin nag-iisip, e.
"Ano? Sumagot ka!"
"Eh kasi maam, sumusobra na po siya, pati yung mga kaibigan niya."
Kitang-kita ko naman ang mga malalaki nilang mata nang bigla kong sabihin iyon.
"Palagi nila akong sinisita sa mga ginagawa ko, sinasabihan kami ng loser, kung anu-anong fake news ang pinapakalat nila para lang masira ang image ko sa iba, palagi akong pinapansin kahit di naman kapansin-pansin, nakikipagsabwatan sa iba pang mga estudyante para lang abangan ako sa labas tapos para kutsain ako, kung minsan nga rin kung anu-aning bagay ang nilalagay nila sa locker ko kaya minsan nagugulat na lang ako na puro basura, balat ng candy, mga pinagkainan ng biskuwit ang kadalasang laman ng locker ko. Naglalagay din po sila ng mga batong maliliit sa bag ko sa tuwing pumupunta ako ng rest room kaya sa tuwing bubuksan ko yung bag ko, ang dumi-dumi at napakabigat dahil lang dun sa mga batong pinaglalalagay nila sa bag ko. Ngayon, kung kayo ang nasa posisyon ko, papayag na lang ba kayo ng ganun-ganun lang? Pasalamat nga po siya dahil ang ginamit ko lang, e yung salita at hindi yung gawa."
Napanganga naman silang lahat sa mga sinabi ko lalong-lalo na si BB at mukhang nakumbinsi ko naman si MM.
---
Jade
Late nang pumasok sina Allison at Sy at hindi ko alam kung bakit.
"Why are you late?" Tanong ni Miss Gozon
"Kasi po kinausap kami ni Ms. Victoria about doon sa school issues." Diretsong sagot ni Allison
"And what are the issues?" Muli niyang tanong
"Sorry miss but it's confidential." si Allison
Napatango naman si Miss Gozon at pinatuloy na yung dalawa.
Itinuloy naman niya ang discussion nang makaupo na yung dalawa. Nangalumbaba naman tong si Alkison pagkaupo na pagkaupo niya. Para bang pagod na pagod siya.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya pero gaya ng palagi niyang ginagawa, hindi kang siya sumagot at isinandal na ang ulo niya sa desk.
May problema ba? Tss. Eh ano bang pakealam ko kung may problema?