Napagdesisyonan ni Leon na magpalipas muna ng sama ng loob sa kaibigan niyang si Adam. Sakto naman at nandoon lang ito sa apartment nito. Pinindot niya ang doorbell. Mabilis naman itong nagbukas. "Oh, dude. Naparito ka." Isang simangot lang ang sinagot ni Adam. "Come on in," sambit naman ni Adam na parang may ideya na sa timpla ng mukha nito. Naupo sila sa couch ni Adam, agad namang naglapag si Adam ng baso mula sa mini fridge na nasa gilid lang ng couch. Isa itong canned beer. "Uminom ka, bakit? Anong probema?" "It's dad." Tipid na sambit nito. "I'll guess, tungkol na naman ba 'to sa kasal n'yo ni Angela?" Isang pagtango lang ang ginawa ni Leon kay Adam that time. "Narinig ko nga ang balita, buntis raw si Angela, at nasa hospital siya ngayon." Si Adam. "Papunta ako sa kaniya,

