At his unit. "Lara, kailangan kitang makausap." "Leon? Bakit, anong sasabihin mo?" "Lara, may problema." "Problema?" bahagyang nangamba ito. "Lara, si Angela..." Hindi nagsalita si Lara sa oras na iyon, sa twing naririnig kasi niya ang pangalan ni Angela ay nagi-guilty siya. Pakiramdam kasi niya'y inagaw niya si Leon kay Angela. "Lara...nahospital si Angela." "Ha?!" "Oo, nagbalak siyang magpakamatay..." Nagulat si Lara sa sandaling iyon, hindi niya akalain na hahantong sa ganoong sitwasyon ang lahat. "Kamusta siya? Okey na ba siya?" Umiling si Leon. "She is not." "Ha? bakit?" "Nalaman ng doktor na...nagdadalang-tao siya." "Ano?!" Isang katahimikan ang pumagitna sa kanila. "Kung...ganoon...hindi na ba matutuloy ang kasal natin?" malungkot na sambit ni Lara. "Gusto ng mga

