SYDNEY POV
“SYD, look at the other side,” Rinig kong bulong sa akin ng aking bestfriend na si Kristena.
Sinunod ko ang kanyang sinabi. Tumingin ako sa direksiyon na itinuro nito ngunit wala akong nakita ni isa.
“I see nothing, ano ba yun?” Nagtataka kong tanong.
“Gaga! Ilibot mo kasi mga mata mo,”
“Bakit ba kasi?”
“Basta gawin mo nalang,”
Sinunod ko ang kanyang sinabi. Nilibot ko ang aking paningin, at nakita ko nga si Draven, one of the hottest and famous of our campus.
Matangkad, matalino, matipuno ang katawan mapupulang mga mga labi na parang naka lipstick, and bushy brows na laging naka taas. He's so perfect! At higit sa lahat mayaman.
“Hoy! Laway mo tumutulo na!”
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kristena. Na kay Draven parin ang atensyon ko not until someone appeared in front of him. His bestfriend Madison. Paano ko nalaman na bestfriend niya ang babae? It's because laging usap-usapan iyon dito sa loob ng campus.
“Do you have plan for today, after school?” She asked.
“No, after ng last period narin uuwi agad ako. May trabaho pa kasi ako mamaya,” I said.
I'm Sydney Andrea, Montana 19 years old ulila na ako. Wala na ang mama at ang papa ko. Nag iisa lang din akong anak at wala akong kapatid. May mga pinsan ako ngunit hindi nila ako kinikilala na party ng kanilang pamilya dahil mahirap lang ang mama ko. Si papa kasi talaga ang may kaya, at ayaw ng family ni papa sa mama ko. At kahit na ayaw ng pamilya ni papa ang mama ko ay pinakasalan parin ito ni papa dahil mahal niya si mama.
Nakapasok ako dito sa university (Ateneo University) na ito dahil sa tulong ng ninang ko. Siya ang kumupkop sa akin ng mawala sina mama at papa. Siya rin ang nagpapaaral sa akin since first years ko dito. At hanggang ngayon ay siya parin ang gumagastos kapag bayaran na ng tuition.
Kristena my bestfriend, na meet ko siya dito two years ago. Mayaman ang pamilya n'ya, pero mababait ang mga ito. May mga times nga na tinutulungan ako/kami ni ninang lalo kapag araw na ng tuition. Hindi rin kasi mayaman si ninang, tama lang ang perang kinikita niya para sa aming dalawa at para sa pag-aaral ko. Kaya ang ginawa ko ay nag apply ako sa isang call center at laking pasasalamat ko ng matanggap ako.
“So, sa call center ka parin ba nagwo-work?” Tanong ni Kristena.
“Oo,”
“Hindi ka ba nahihirapan? Nag-aaral ka sa araw at nag tra-trabaho sa gabi?”
Ngumiti ako sa kanya. Nandito na kami ngayon sa canteen dahil wala ang pang third period namin. At manayang 2pm pa ang pang last.
“Wala naman akong magagawa eh. Kailangan kong mag trabaho, ayuko na umasa lang kay ninang lalo na at medyo matanda na siya.” Saad ko.
“You've been working for how long again?”
“Five months,” Sagot ko.
“You know what, i have an idea,”
Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. “Ano na namang klaseng idea yan?”
“Don't worry, hindi to masama,”
“Sabihin mo na kasi!”
“I will ask mommy kung may bakante pa sa isang restaurant namin. Then, I will ask her na ipasok ka, kahit every weekend ka lang mag work.”
Napangiti ako sa sinabi nito. Napaka swerte ko talaga sa kanya. Mabait at higit sa lahat matulungin.
“Wag na, kaya ko naman ang trabaho ko ngayon eh,”
Isa pa malaki ang kinikita ko sa pagiging call center. Kaya kung aalis ako at lumipat sa restaurant nila baka kulangin na ako sa pera. Malaki naman ang kita ni ninang sa parlor, pero syempre nagbabayad kami ng tax at upa. Kaya ayuko nang lumipat ng iba pang trabaho.
“Sige na, don't worry malaki ang sahod mo kapag doon ka na nag work sa amin,”
“Gaga! Paano magiging malaki ang sagod ko kung every weekend lang ako magtratrabaho?”
“Ako na nga kasi ang bahala dun!”
“Bahala ka nga, basta ayuko ng matikas, ayuko na lamangan ang mga tauhan niyo kung papayag man ako sa gusto mo,” Sabi ko nalang.
Ayuko na manglamaang ng ibang tao. Isa pa malaki naman ang kinikita ko sa call center kaya okay na iyon.
“Anyway, manunuod ka ba ng basketball this coming friday?”
“Hindi ako sigurado,” Agad kong sagot.
“Why?”
“May trabaho pa ako, at ayuko na ma-late umuwi baka ma kurot ako ni ninag sa singit,” Natawa siya sa sinabi ko.
“Sayang naman, nandun pa naman si Draven.”
“Pwede ka namang pumunta mag isa eh,”
“But I want you there,”
“Gusto mo siya noh?” Pang-aasar ko pa.
“He's not my type noh, si Rexor ang type ko,”
“Rexor? Yung classmate natin na playboy?”
Kagat labi na tumango siya sa akin.
“Bakit sa kanya ka may gusto? Marami namang iba d'yan, like draven.” Saad ko.
“Draven is yours, at isa pa si Rexor ang gusto ko kahit na playboy pa siya,” Napailing nalamang ako sa sinabi niya.
Rexor is one of our classmates isa rin itong basketball player katulad ni Draven. Gwapo rin ito at mayaman. Tinitilian rin ng mga babae at kasali na roon ang bestfriend ko. Ang pinagkaiba lang ay babaero ito at kung sino-sinong babae ang hinahalikan.
Nagkukwentuhan parin kami ni Kristena ng pumasok sina Draven at Madison. Nakalingkis ito sa mga braso ni Draven na akala mo'y makakawala ito.
“She's so maharot, tingnan mo nga siya, para siyang ahas na nakalingkis sa braso ni Draven,” May pagkairita na sabi ni Kristena.
“Masasabi ko talaga na gusto mo si Draven,” Saad ko. Bumaling siya sa gawi ko.
“I don't like him okay, naiirata lang ako, kasi diba crush mo siya tapos nakikita mo siya na may ibang nakalingkis sa crush mo,”
“Crush lang naman. Isa pa, wala naman akong pakialam kahit na sino pa ang lumingkis kay Draven,”
Yes, crush ko si draven, simula ng pumasok ako sa university na ito. Ngunit hanggang doon na lamang iyon dahil wala naman akong balak na palalain or palalimin pa ang pagka-cursh ko sa kanya.
Nakailang kwentohan pa kami ni Kristena, may mga pagkakataon na napapatingin ako sa gawi nina draven at Madison. Nakikita ko ito na paminsan minsan na ngumingiti. At ilang beses ko rin ito na nakitang naka tingin sa may gawi namin. Hindi ko nga lang alam kung sino ang tinitingnan nito, si Kristena ba or ako? Saka lang napukaw ang atensyon ko ng marinig ko ang kaibigan ko.
“Let's go na?” Pag-aaya pa nito.
Ngumiti ako at tumayo. Sabay kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa classroom namin.
##########
Xoxo.🥰