SYDNEY POV
“HELLO po ninang,” Bati ko kay ninang Lourdes sabay mano ng makapasok ako sa loob ng kanyang parlor.
“Oh, nandito ka na pala, kumain ka na ba?”
“Opo,” Magalang kong sagot.
“Hintayin mo lang ako, malapit ng matapos itong last costumer ko,” Saad niya.
“Sige po,” Sagot ko.
Umupo ako sa sofa at binuksan ang bag ko. Kumuha ako ng yellow pad at ballpen saka ko hinila ang isang maliit na table sa gilid upang may mapatungan ako. Kailangan kong mag answer ng assignment, para wala na akong gagwin at hindi ko makalimutan.
Habang busy sa pag-answer ng mga assignments ko, ay may napansin ako sa sulok ng aking mga mata na may pumasok sa loob ng parlor. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil masyadong naka focus ang aking mga mata sa ginagawa ko. Ngunit napatigil ako ng biglang tumigil sa harapan ko at magsalita ang bagong dating at kakapasok lang na tao. Mabango ito, at kilalang kilala ko ang amoy ng pabango nito.
“Uhm…excuse me, pwede ba akong mag tanong?” My heart skipped a beat when I heard the familiar and baritone voice.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin, at ganun nalang ang pag-awang ng aking labi ng makita ko kung sino ito. It was Draven na siyang nakatayo sa harapan ko ngayon.
Nakatitig lamang ako sa kanya sa gulat. Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan at mas lalong hindi ko alam ang aking sasabihin. Sheyt! Bakit ba naman kasi ang gwapo niya? Napaka linis ng mukha, matangos ang ilong, and his jawline na makalag-lag panty. Sheyt, talaga!
"Anak, sino 'yan?" Saka lang ako nabalik sa realidad ng marinig ko ang boses ni ninang.
Kagat labi na napa-iwas ako ng tingin bago sumagot kay ninang Lourdes. “Uhmm…c-customer po, ninang!" Sagot ko.
Sheyt! Sana lang hindi nahalata ng taong ito na muntikan ng malaglag ang panty ko kahit na naka-upo ako.
“Customer?” Pag-uulit ni ninang.
“Opo,”
“Oh, siya sige papasukin mo na and please anak, paki shift narin ng sign sa labas para wala ng ibang pumasok,” Utos sa akin ni ninang.
Tumayo ako at naglakad na, ngunit nakakailang hakbang palang ako ng may maisip ako na maitanong. “Uhmm…Ano nga palang ginagawa mo dito? Magpapagupit ka ba?” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ganun parin ang suot nito. Same parin ng suot niya kanina ng makita ko sila.
He just stared at me, then licked his lips. "Uhmm... I actually came here because..." He licked his bottom lip again.
Napatingin ako sa labi nitong mapupula. At napalunok ako ng kagatin niya iyon.
“Anak,” Tawag sa akin ni ninag, na nagpabalik na naman sa akin sa tamang realidad.
Sheyt naman kasi! Nakaka-distract ‘yang pa kagat at licked ng labi niya!
“May sasabihin ka ba? May kailangan ka ba?” Sunod-sunod na tanong ko.
Napa ‘thank you lord’ nalang ako sa isip ko ng hindi ako mautal sa pagsasalita.
“Uhmm…actually…. I mean nagkamali lang ako ng napasukan. Sorry,” Saad nito na ikina-kunot ng aking noo.
Siya? Nagkamali ng napasukan? Ano yun? Hindi ko gets.
“Uhmm…bye, aalis na ako.” Saad ulit nito sabay alis sa aking harapan. Naguguluhan naman akong sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng pintuan.
“Saan na ang customer, anak?”
Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni ninang.
“Umalis na po,”
“Ha? Bakit naman?”
“Hindi ko po alam, eh.”
“Ganun ba,”
Tumango ako. Inutusan nalang ulit ako ni ninang na isara ang pintuan ng maka-alis ang last customer. Pagkatapos ay sabay na kaming umakyat. Dito rin kasi kami nakatira at nasa itaas lang ng parlor ni ninang ang tinutuluyan namin. Bali up and down itong apartment na ito. Hinati ni ninang sa dalawa ang ibaba ginawa niya itong parlor at kitchen, at ginawa naman niyang tulugan ang taas lalo na at malaki ang space nito. May dalawang kwarto rin rito, isa sa kanya at isa rin sa akin. May kanya-kanya rin kaming banyo.
“Maligo ka muna, magbibihis lang ako pagkatapos ay maghahanda na ako ng hapunan natin,” Saad nito.
Tumango lang ako. Kahit naman kasi na sabihinin ko na ako nalang ang magluluto ay hindi rin naman niya ako papayagan lalo na at kagagaling ko lang sa school.
Pagpasok ko ay nilagay ko agad ang bag ko sa sabitan. Pagkatapos ay hinubad ko ang uniform ko at nag tapis ng towel. Papasok na ako sa banyo ng marinig ko ang ingay ng aking cellphone. Hindi ko na sana ito papansinin ngunit tuloy-tuloy ito sa pag-iingay kaya wala na akong nagawa kundi ang lapitan at kunin ang cellphone ko.
Pagbukas ko palang ay nakita ko agad ang sunod-sunod na message galing kay Kristena.
Ina...bff: Hi, nakarating ka na sa inyo?
Iyon ang unag message na nabuksan ko.
Ina..bff: Sorry now lang ako nakapag message. Kakauwi ko lang kasi…
Ina..bff: Anyway, I saw Madison earlier, wala siyang kasama at nagwawala sa labas ng gate ng school natin ng madaanan ko siya. Ano kayang nangyari?
Ina..bff: Hoy! Sumagot ka naman. Busy ka ba?
Natawa nalang ako. Marami pa akong mga messages na nabasa galing sa kanya.
Me: Hi, yes naka uwi na ako. And sorry din nakalimutan kong e message ka na naka-uwi na ako. Ikaw naka uwi ka na ba? And what do you mean na nakita mo si Madison na nagwawala sa labas ng gate ng school natin?
Ilang segundo lang ang hinintay ko at pumasok agad ang reply ng kaibigan ko.
Ina..bff: Ang lazy mo talaga! Ang dami kong message sayo tapos ikaw inisa mo lang ang reply mo! 😞😞😞
She replied with matching emojis pa talaga.
Me: Hindi ka pa rin ba sanay?
Ina..bff: Whatever! Anyway, ano kaya sa tingin mo ang dahilan kung bakit nagwawala si Madison kanina?
Agad akong nag reply.
Me: Kaya ka ba nag chat para lang e chika sa akin ang ganap kay Madison?
Natawa ako ng wala pang segundo pumasok agad ang reply nito.
Ina..bff: Nakakatuwa lang kasi tingnan na para siyang pinagkaitan ng langit.
Me: Ang bad mo!😁
Reply ko with emoji.
Ina..bff: Call me whatever you want, wala akong paki! Basta masaya ako na nakita ko siya kanina na parang frustrated sa life niya. 🙄🙄🙄
She replied with emojis too.
Me: Mamaya na tayo mag usap maliligo pa ako.
Reply ko at hindi na hinintay pa ang sagot nito. Nilagay ko ang phone ko sa ilalim ng unan ko bago ako pumasok sa banyo.
Agad akong naligo. Shampoo, sabon lang ang ginawa ko. Hanggang sa matapos ako.
Pagkatapos kong mag bihis ay agad akong lumabas. Bumaba ako at naabutan ko si ninang Lourdes sa kitchen na hinihintay ako. Luto na ang mga pagkain at nakahain na ito sa lamesa, ako nalang ang kulang.
“Kamusta ang pag-aaral mo anak? Hindi ka ba nahihirapan? Wala bang nang-aapi or ng bu-bully sayo?” Sunod-sunod niyang tanong habang kumakain kami.
Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago ako sumagot. “Okay naman po, ninang. So far, wala naman pong mga bullies,”
“Mabuti naman kung ganun. Basta anak, wag na wag kang maglilihim sa akin, ha? Kapag may umapi sayo sabihin mo agad sa akin. At kung nahihirapan ka wag kang mag-aalinlangan na sabihin sa akin para matungan kita, okay?”
Naiiyak na napatango ako. “Thank you ninang, thank you po sa lahat-lahat.”
Napaka swerte ko at siya ang naging ninang ko. Kahit na hindi kami magkadugo tinuring niya akong parang tunay na anak. Siya ang tumayong nanay at tatay ko simula ng mawala sina mama at papa, kaya nagpapasalamat ako at sa kanya ako napunta.
##########
Xoxo.💖