PNAMK (3)

1611 Words
SYDNEY POV “SO anong pinag-kaabalahan mo kagabi at hindi ka na nag reply sa mga messages ko sayo?” Kristena ask, nandito kami ngayon sa cafeteria, breaktime namin at ito nga ginigisa ako sa dami ng tanong nito. “At hindi lang yan, may nabalitaan ako na pumunta raw si draven sa parlor niyo? Is that true?” Napaikot nalang ako ng mata. “First of all madam Kristena, nagtrabaho ako kagabi kaya hindi na ako nakapag reply pa sayo. Second and last, naligaw lang sa parlor ni ninang si drav at hindi ko na alam ang iba pa,” Saad ko at nagpatuloy na sa kinakain ko. Wala na akong ni isang salita na narinig mula sa kanya. Kaya naman nag angat ako ng tingin. Nakita ko siyang nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa may bandang likuran ko. “Huy! Okay ka lang?” Kunot ang noo na tanong ko. “Oh my god! They're coming! Papalapit na sila sa atin!” Kinikilig ngunit mahina lang ang boses na sabi niya at hindi nito inaalis ang tingin sa may bandang likuran ko. “Para kang baliw,” Turan ko. “Sinong hindi mababaliw kapag nakakita ka ng gwapong katulad nila?” May kilig parin sa boses na sabi nito. Para siyang uod na binudburan ng asin sa subrang kilig nito. Napailing nalamang ako. Itinuon ko na lamang ang aking mga mata sa pagkaing kinakain ko. Nasa ganoong posisyon ako ng manuot sa ilong ko ang pamilyar na naman na amoy. Kasunod ay naramdaman ko na may tumayo sa gilid ko. Parang may nag nagtatakbuhan sa puso ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Dahan-dahan akong nag angat ng tingin, at ganun nalang ang panlalaki ng aking mga mata sa nakita. It was Rexor, at kasama niya si draven. “Hi,” Kaway ni Rexor sa amin. Ngumiti lang ako ng tipid saka ko ulit ibinaling ang aking paningin kay draven. “Can we join? Wala bang naka-upo diyan?” Tanong ni Rexor. Umiling ako, habang ang kaibigan ko naman ay parang tangang pinagpagan ang katabi nitong upuan. “Hi, Rex, dito ka banda tapos d'yan naman si Draven sa tabi ni Syd,” May landi sa boses na sabi ng kaibigan ko. Gusto ko nalang mapa-mura sa kahihiyaan. Bakit ba kasi nandito ang dalawang ‘to? At bakit kasama ni Rexor si Drav? Magkaibigan ba sila? “Syd, Umurong ka nga ng kaunti para naman maka-upo si draven dyan.” Saad ng aking kaibigan. Pinanlakihan ko ito ng mga mata. Pero wala rin akong nagawa kundi ang umurong nalang lalo na at naghihintay si drav na gumalaw ako. “Humanda ka sa akin mamaya,” Bulong ko sa kaibigan ko na ngayon ay nag-niningning na ang mga mata na nakatitig kay Rexor. Hindi na ako makakain ng maayos. Naiilang ako lalo na at nandito sa aking tabi si drav. Crush ko pa naman siya, at sino bang hindi maiilang kung dalawang gwapo ang nasa table niyo at nasa inyo ang mga mata ng mga tao diba? Sheyt! Pwede bang lumipat nalang kami? “So,” Basag ni Rexor sa katahimikan. “Ano palang course niyo? Bakit hindi ko kayo madalas nakikita, especially you Sydney, ” Tanong nito. Napataas ang kilay ko sa naging tanong nito. Is he serious? Hindi ba niya alam na magka-klase kami? Napa iling na lamang ako. Oo nga pala at babaero ito kaya siguro hindi niya ako or kami nakikita masyado. Tumingin muna ako sa kaibigan ko na ngayon ay kulang nalang tumulo ang laway nito habang na kay Rexor parin ang mga mata. “Engineering,” Maikling sagot ko. Yes, my course is Engineering. Napakahirap na kurso. At sa totoo lang noong una ayuko talaga ang kursong ito lalo na at ang hirap ng mga lessons nila, pero habang tumatagal ay nagugustuhan ko na siya hanggang sa masanay ako. At hindi na rin masama dahil gusto ko na gawan ng bahay si ninang kapag nakapag tapos na ako at kapag nakapag trabaho na ako. “Engineering? Engineering din naman ako ah, pero bakit hindi kita madalas makita?” Curious na sabi ni Rixor. Napailing na lamang ako. Gusto ko sana siyang sagutin ng “Malamang, paano mo ako or kami makikita ng madalas kung puro babae ang inaatupag mo?” Bumaling ako sa aking tabi ngunit agad rin akong napa-iwas ng tingin ng makita ko si drav na nakatitig sa akin. “Anyways, may gaganapin palang basketball this coming friday, pwede ba namin kayong ma invite?” “Sure, pupunta kami ng kaibigan ko,” Walang pagda-dalawang isip na sagot ni Kristena na nagpa-angat ng tingin ko. Nakita ko siyang nakangiti sa akin. Pinandilatan ko naman siya ng mga mata. “Uhmm….si Kristena nalang siguro, may gagawin pa kasi akong importante,” Saad ko at ngumiti ng tipid. Gabi gaganapin ang basketball kaya hindi ako pwede dahil call center ang trabaho. Hindi ako pwedeng mag leave or mag absent. Isa pa wala talaga akong balak manuod dahil hindi naman ako fan ng mga ito. Yes, magkaklase kami, at dapat sinusuportahan ko silang mga basketball player, pero mas kailangan ko ang trabaho ko kaya hindi ako kailan man nag che-cheer sa kanila. Mas kailangan ko ang income kaysa ang sumuporta sa mga ito. “Sayang naman,” Bulong ng taong katabi ko na ngayon ko lang narinig na magsalita. Bumaling ako sa gawi niya, ngunit nakatuon lang ang mga mata nito sa kinakain. Ibinalik ko nalang ulit ang aking paningin ko sa pagkain ko. Siguro guni-guni ko lang ang narinig ko mula sa kanya kanina. Hindi na ako nagsalita pa, habang ang kaibigan ko naman at si Rexor ay masayang nag-uusap. May mga paminsan minsang tanong ito sa akin na agad ko naman sinasagot ng tipid. Habang ang katabi ko namang si drav ay wala lang kibo. Hanggang sa matapos kaming kumain at tamang-tama lang na time na para bumalik sa last period namin. “Ihahatid na namin kayo,” Suhestsyon ni Rexor. “Ihahatid? Bakit? Hindi ka ba papasok?” Curios na tanong ko. Umiwas siya ng tingin. “Uhmmm….may gagawin kasi akong importante,..” Ngiwing sagot nito na nagpataas ng kilay ko. Siguro mambababe na naman ‘to kaya hindi papasok. Hindi na lamang ako kumibo. Aangal na sana ako ng magsalita ang kaibigan ko. “Sige na, bes, hayaan na natin silang ihatid tayo, please….” Napaikot nalang ang mata ko sa kalandian ng kaibigan ko. Akala mo naman ang layo ng room namin eh nasa 3rd floor lang naman yun. Wala na akong nagawa ng maglakad ang mga ito. Naka lingkis pa talaga ang kamay nito kay Rexor na akala mo'y mawawala ito. Habang itong si drav naman ay wala lang kibo na naglalakad kasabay ako habang nasa bulsa ang dalawang kamay nito. “So promise yun na manunuod kayo, ha?” Saad ni Rexor ng makarating kami sa classroom namin. “Sure na sure yan, basta ikaw!” Sagot naman ng kaibigan ko. Gaga talaga! Bahala siyang mag isa pumunta sa basketball na gaganapin. Basta hindi ako sasama. Mas priority ko ang trabaho kisa sa basketball ko na yan. “Aasahan namin yan,” Sagot pa ng isa na makulit rin. Nagpaalam na ang mga ito. Habang kami naman ni Kristena ay sabay na pumasok sa loob. “Gaga ka talaga! Bakit ka nag promise dun?” “What? May masama ba?” Nakangiti niyang sagot. Sabunutan ko kaya ‘to ng magising siya sa katutuhanan lalo na sa pinaggagawa nito kanina! “Pwes, ikaw lang ang pumunta! Hindi ako sasama!” “Sumama ka na kasi, nandun rin naman si Draven eh, suportahan mo siya,” “Wala akong susuportahan ni isa sa kanila! Kahit na si drav pa yan! Mas importante at mas priority ko ang trabaho ko!” “Isang gabi ka lang naman na mag l-leave ka eh,” “Whatever! Basta hindi ako pwede.” Hindi na nakasagot pa ang kaibigan ko ng dumating ang professor namin. Ang akala namin ay mag d-discuss lang ito ngunit nagulat kaming lahat ng bigla itong magpa quiz. Gusto ko nalang mapa-mura sa inis. Lalo pa at hindi ako nakapag review kagabi. “Kamusta kaya score natin?” Tanong ni Kristena. “Gusto mong malaman? Balik ka dun sa room natin at tanungin mo si professor,” “Gaga!” “Bakit? May mali ba sa sinabi ko?” Tinarayan lang ako ng gaga, at ikinawit nito ang kamay sa braso ko at sumabay sa paglalakad ko. “Sakay ka nalang sa amin, ihahatid nalang kita sa parlor niyo.” Saad nito ng makarating kami sa gate. “Hindi na. Isa pa malapit lang ang sa inyo, kung ihahatid mo ako baka matagalan pa kayo.” She shrugged. “Bakit ba ayaw mo na tinutulungan ka?” “Hindi sa ayaw ko,” Sagot ko. “Ayuko lang na mahirapan kayo pabalik sa inyo,” “Fine! Hindi na ako makikialam, dahil alam kong kahit anong pilit ko hindi ka parin naman magpapahatid.” Mataray na sabi nito. “Message me nalang kapag naka-uwi ka na, okay? Wag na wag mong kakalimutan,” “I promise,” I said, at nakipag pingkyswear ako sa kanya. “Bye, keep safe sa pag-uwi!” Sigaw nito ng makapasok na siya sa sasakyan nila. Ngumiti ako at kumaway sa kanyan hanggang sa makaalis ang sasakyan nila. ########## To BE Continued….. A/N: Ito Muna Mga BESHY 😊 Nasa School Ako Today At Kagabi Ko Ito Sinulat. 🥰🥰🥰 Hope You Like This CHAPTER! 🥰🥰🥰 Advance SORRY Sa Mga Maling Wordings and Typo's Ko. 😁😁😁 Labyah Everyone And God Bless 🙏🙏🙏 Xoxo.❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD