SYDNEY POV
PAGKA-ALIS ng sasakyan ng kaibigan ko ay saka lang rin ako umalis. Tumawid ako sa kabilang side ng kalsada at doon naghintay ng jeep na pwede kong masakayan pauwi.
Nakatingin lang ako sa mga sasakyang dumadaan ng may may maramdaman akong tumabi sa aking gilid. Dahan-dahan akong lumingon at napa-kunot agad ang aking noo ng makita ko si Rexor na nasa gilid ko.
“Anong ginagawa mo dito?” Kunot ang aking noo na tanong ko sa kanya.
“Uuwi na rin,” Sagot nito.
Uuwi? Baliw ba siya? eh hindi naman ito ang daan pauwi sa kanila.
“Oh, alam ko na ang iniisip mo,” Saad nito. Hindi ako nagsalita, nagtataka pa rin ako kung ano ba ang ginagawa ng lalaking ito dito.
“Fine.” Sumusukong sabi nito. “I know that many people thought I was rich, but I'm not.” Umpisa nito na mas lalong nagpa-kunot sa aking noo. “Hindi ako mayaman, tatay ko ang mayaman kaya ako nakapag-aral dito sa mamahaling school na'to.”
“Baliw ka ba?” Wala sa sarili kong tanong.
Anong pinagsasabi nito? The famous Rexor De Alegre, na tinitilian rin ng mga babae except me ngayon ay sinasabing hindi siya mayaman?
“Hindi ka naniniwala?”
“Hindi, bakit naman ako maniniwala sayo?”
Tumawa lang ito at dumukot sa bulsa nito pagkatapos ay kinalikot nito ang cellphone bago ipaharap sa akin.
“This is my nanay,” Saad nito habang nakaharap sa akin ang cellphone nito. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig sa cellphone nitong may picture ng isang magandang babae, nakaupo ito habang kumakain. At kung tititigang mabuti ang picture ay masasabi kong nasa simpleng bahay lang ito.
“Her name is Relley. Nasa heaven na siya, and the reason kung bakit isa akong famous at kinikilala ng mga tao dahil iyon sa walang kwenta kong AMA.” May panggigil na sabi nito sa huling sinabi nya. “He's the reason kung bakit nawala sa akin si Nanay.” Bulong nito.
Napatitig ako sa mukha nito. May nakikita akong galit sa mga mata nito at base sa mukha nito at sa mga sinabi nito ay hindi lang basta-basta nawala ang nanay nito. Pero teka lang, bakit niya sinasabi sa akin ang mga ito? Eh hindi naman kami close. Napailing nalamang ako at pinara ang jeep na dumaan. Sumakay ako at ganun din si Rexor, at ang malala pa ay magkatabi pa talaga kami.
“Anyway, I'm Rexor Magdamo,” Pakilala nito as he extended his hands towards me.
“Magdamo? Diba De Alegre ang last name mo?”
Tumawa ito ng mahina. “Sa school lang ako De Alegre, pero pag nasa labas na ako Magdamo ang gamit ko. Sa totoo lang I hate that surname of my father, I hate being his son. At kung hindi lang dahil kay nanay wala ako sa pamamahay ng ama kong ‘yon,”
Nakatitig lamang ako sa kanya. I was so curious about him, about what happened to his mother at kung bakit galit siya sa ama niya.
“Uy, tama na ‘yang kakatitig mo sa akin, baka matunaw ako!”
“Baliw!” Umiwas nalang ako ng tingin, ngunit agad rin akong napabaling sa gawi ni Rexor ng maramdaman ko ang kamay nitong kinuha ang kamay ko.
“Hindi ka manlang ba magpapakilala sa akin?”
I rolled my eyes at him. Napaka feeling close! Eh hindi naman kami close!
“Sydney Andrea,” I said sabay bawi ng kamay ko.
“Wala kang surname?”
“Meron, pero wala ka ng paki dun,”
“Ang sungit mo naman,” Rinig kong bulong nito.
Hindi na ako sumagot pa. Dumadal-dal parin itong katabi ko, may mga bagay itong sinasabi ngunit hindi ko na ito pinakinggan pa. Hanggang sa tumigil ang jeep. Nagbayad muna ako at agad na bumama ganun din si Rexor.
“Dito ka nakatira?”
“Ano sa tingin mo?” Pabalang na sagot ko.
“Ito naman, nagtatanong lang naman ako,”
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may makita akong tricycle.
“Kuya, sa may Loretta St. po.” Saad ko sa driver. Sumakay ako, at nagulat ako ng bigla rin sumakay si Rexor.
“What the?! Anong ginagawa mo?”
“Uuwi sa bahay namin,” Paenosenteng sagot nito.
“Sa bahay niyo? Dito rin ang bahay niyo?”
“Hindi,”
“Baliw ka ba? Kung ganun bakit sumakay ka dito ngayon?”
“Ihahatid kita sa inyo bago ako umuwi sa bahay ko,”
“Baliw! Umalis ka na nga! Hindi ko kailangan ng kasama or maghahatid sa akin!”
“Wala ka ng magagawa, nandito na ako eh,”
Bweset! Bakit ba ang kulit niya? Sarap niyang itulak para mahulog at masagasaan ng ibang dumadaan!
“Alam mo ikaw, napaka feeling close mo talaga! Kaibigan ba kita? Kilala ba kita?” Naiirita kong sabi sa kanya.
“Oo magkakilala tayo at magkaibigan na rin tayo,” Sagot nito.
Nanggigigil na humarap ako sa kanya. “Baliw ka ba? Paano tayo naging magkaibigan? Eh baliw ka ako hindi,”
“Magkaibigan na tayo simula kanina,” Saad nito sabay kindat na mas lalo kong ikinairita.
“Baliw ka na nga talaga!”
Tinawanan lang ako nito. Habang ako ay asar na asar parin dito.
Hanggang sa makarating sa mismong tapat ng parlor ni Ninang.
“Hindi ka parin ba aalis?” Naiirita kong tanong.
“Aalis ako kapag nakapasok ka na sa loob,” Saad nito. Inilibot pa nito ang paningin bago ulit tumingin sa akin.
“Baliw! Wag na wag kang magpapakita sa akin bukas!”
“Aba, hindi pwede yun, kasi susunduin kita rito at sabay tayong papasok sa school,” Saad nito na mas lalo kong ikina-irita.
“Ano bang trip mo, ha?”
“Wala, naman. Gusto ko lang na makipag kaibigan sayo, yun lang.”
“Nababaliw ka na nga talaga!” Saad ko sabay alis sa harapan niya.
Pumasok ako sa loob ng parlor habang inis na inis. Naabutan ko pa si ninang na naka-upo sa pang-isahang upuan. Naka-kunot ang noo nito habang nakatutok ang mga mata niya sa cellphone.
“Ninang,” Tawag ko sa kanya.
Nakita kong agad na pinatay ang cellphone. Tumayo siyang naka-ngiti at sinalubong ako ng yakap.
“Nandito ka na pala anak, anong gusto mong hapunan?”
Instead na sumagot ay nag tanong ako. “May problema po ba?”
Nagtataka lang ako kung bakit agad niyang pinatay ang phone niya at kung bakit naka-kunot ang noo niya kanina habang nakatingin sa cellphone niya. At itong pagyakap niya sa akin? This is so unusual. Kasi pag dumadating ako galing school mag mamano lang ako sa kanya hindi ganito na sasalubungin niya ako ng yakap.
“Wala yun. May nakita lang ako sa f*******: kanina habang nag b-browse.” Sagot niya ngunit nakayakap parin sa akin.
Yumakap nalang din ako sa kanya pabalik. Maya-maya lang humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. “Magluluto lang ako ng hapunan natin,” Saad niya habang nakangiti. Napatango na lamang ako ng agad siyang umalis sa aking harapan.
“May nangyari ba?” Bulong ko sa hangin.
Nagtataka lang ako lalo na ng makita ko ang mata ni ninang namamaga.
########
To Be Continue…..
A/N: Anyway, Thank You Po Sa Mga Nagbabasa Nitong STORY Nina DRAVEN and SYDNEY 😁😁😁…Yun Lang Po 🥰🥰🥰🥰🥰 God Bless Everyone 🙏🙏🙏🙏🙏
Xoxo.😍