PNAMK (5)

1333 Words
SYDNEY POV “NINANG, alis na po ako,” Paalam ko. It's 9:30 in the morning at 10 naman ang start ng klase ko. Ganito ako umaalis dahil nag b-byahe pa ako. kaya dapat 30 minutes before mag start ay nandun na ako. “Sige anak, mag-iingat ka.” “Salamat po ninang,” Lumapit muna ako sa kanya at humalik sa pisngi bago pumihit paalis. Ngunit nasa may pintuan palang ako ng marinig ko ang pagtawag ni ninang sa pangalan ko. “Sydney anak,” “Po?” “May taong naghihintay sayo sa labas, sabi niya kaibigan ka raw niya.” “Babae po ba?” “Lalaki, Rex daw ang pangalan,” Napakunot noo ako. Rex? Eh wala naman akong…..oh, sheyt! “Sige po Ninang alis na po ako,” Tumango siya kaya naman agad akong lumabas. Hindi nga ako nagkamali ng hinala kanina. Si Rexor nga ang tinutukoy ni ninang na Rex. “Anong ginagawa mo dito?” Agad kong tanong. Nakangiti itong lumapit sa akin at kinuha ang bag ko. “Sinusundo ka para sabay na tayong pumunta sa school,” Napaikot nalang ako ng mga mata. Ano ba talaga ang trip nito at pinaninindigan ang sinabi nito kagabi! “You know what, kung may binabalak ka man na something after me, wag mo nang ituloy,” Saad ko. feeling ko kasi pinagtitripan lang ako nitong baliw na ito. “Grabi ka naman, wala naman akong balak na masama sayo. Gusto ko lang talaga na makipag kaibigan,” Humarap ako sa kanya at tinitigan siyang mabuti. Ano kaya ang sumapi sa lalaking ito at gusto nitong makipagkaibigan sa akin? Di kaya para mapalapit s'ya kay……oh my god! Sheyt! Kinikilig ako sa naisip ko! “Do you like, Kristena?” Kumunot ang noo. “Kristena? ‘Yung kaibigan mo na classmate natin?” “May iba pa bang Kristena sa section natin?” I rolled my eye's at him. “I don't like her.” Deretsong sabi nito. Nadismaya ako sa sinabi nito lalo na at gusto siya ng kaibigan ko. Ano nalang ang maramamdaman ng kaibigan ko kapag nalaman niyang hindi siya gusto ni Rexor? I'm sure masasaktan ‘yun. “Kung ganun, bakit mo ako kinakaibigan?” Bumuntong hininga siya. “The truth is—” Hindi natuloy ang sasabihin nito ng marinig namin ang boses ni ninang. “Hindi pa ba kayo papasok? Mag chichismisan nalang ba kayo dyan!” Napangiwi nalang ako sa lakas ng boses ni ninang. “Aalis na po kami!” Sagot ko. “Tara na!” Sabay kaming naglakad ni Rexor, at ng may makita kaming tricycle ay agad kaming sumakay. “Akin na yang bag ko,” Agaw ko sa bag kong kandong nito. “Ako na, para hindi ka na mahirapan pa.” Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakapanibago talaga ang lahat ng mga kinikilos ng playboy na'to! Sinubukan kong ulit na agawain ang bag ko ngunit hindi ako nito hinayaan. Nanahimik nalang ako, hanggang sa makarating kami sa sakayan ng mga jeep. Sumakay kaming dalawa. Marami itong mga kwento at sinasabi ngunit hindi ako nakinig. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate ng school namin. “Akin na ‘yang bag ko,” Saad ko sabay lahad ng kamay ko. “Ako na nga kasi ang magdadala,” Sagot niya sabay kamot sa ulo niyo. “Kapag hindi mo binigay sa akin ‘yang bag ko hindi ako papasok. At kapag umuwi ako at napagalitan ikaw ang ituturo ko kay ninang na dahilan,” Mahabang litanya ko. Napangiwi ito sabay abot sa akin ng bag ko. Napangiti naman ako sa isip ko. Takot rin naman pala eh, dapat pala kanina ko pa siya tinakot. Pagkakuha ko sa bag ko ay agad akong umalis sa harapan nito. Naramdaman ko ang paghabol niya kaya naman tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. “Wag mo akong susundan,” “Bakit? Eh dito rin naman ang dereksyon ko. Nakalimutan mo na bang magka-klase tayo?” “Kahit na! Ayokong sumabay or sumunod ka sa akin,” “Bakit nga?” “Basta! Kapag nakita kitang sinundan ako makikita mo ang gagawin ko,” Banta ko pa. “At ano naman ‘yun? Sasabihin mo sa kanila na ang tungkol sa mga na kwento ko sayo kagabi?” Taas kilay na tanong nito. “Oo,” Sagot ko, kahit na hindi naman talaga iyon ang nasa isip ko. Wala nga akong maisip na maipipintas sa kanya eh, except sa pagiging playboy nito. Banta ko lang ‘yun para hindi na niya ako sundan pa. Tumawa ito ng napakalakas dahilan upang matuon sa amin ang atensyon ng guard at ng ibang mga student na dumaraan. “Nababaliw ka na ba?” Hindi nito pinansin ang tanong ko. Tuloy-tuloy lang ito sa pagtawa na akala mo'y wala ng bukas. Saka lang ito tumigil ng mabulunan ito ng sariling laway. “Y-you're so f-funny,” Umuubo na sabi nito. “You think na matatakot ako kapag nalaman ng mga tao ang tungkol sa identity ko?” He laughed again. “C'mon Sydney Andrea, kahit sabihin mo pa sa lahat, kahit na ipagsigawan mo pa sa buong mundo ang tungkol sa akin hindi ako natatakot. Mas matutuwa pa nga ako dahil masisira ang reputation ng tatay ko.” Saad nito habang patuloy parin na tumatawa. “Baliw! D’yan ka na nga!” Umalis ako sa kanyang harapan. Narinig ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko ngunit hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom ko. Pagpasok sa loob ay agad kong inilibot ang aking mga mata umaasang makikita ko si Kristena. Ngunit ni anino niya wala akong nakita. “Nasan kaya ‘yun?” Bulong ko sa hangin. Umupo nalang ako sa upuan ko. Nilagay ko ang bag sa katabiing upuan ko just incase na dumating si Kristena. Ngunit ilang minuto na ang lumipas, dumating nalang ang professor namin, ngunit wala akong Kristena na nakita. “Mr. Rexor De Alegre, can you please transfer beside Miss Montana,” Saad ni professor. Nanalaki ang aking mga mata. Pati ba naman dito? Pati ba naman sa upuan magiging katabi ko pa talaga ang lalaking baliw yun? I can't believe this! Mukhang masisira ang araw ko ng wala sa oras! “Hi,” Nanunudyo na ngumiti sa akin si Rexor ng maka-upo ito. “Mukhang pinaglalapit talaga tayo ng tadhana,” Bulong nito. “Gusto mo ng black eye?” Bulong ko. “Ang sungit mo,” “Sinisira mo kasi ang araw ko!” “Grabi ka naman kung makasira,” “Tumahimik ka na nga!” Pagalit na sabi ko. Nasa harapan parin ang aking mga mata habang nakikinig sa dini-discuss ng prof namin. Hanggang sa matapos ang discussions ay hindi parin tumigil ang katabi ko sa kaka-dal-dal. “Saan ka pala kakain?” Tanong nito. Palabas na kami ng classroom namin. At gusto ko nalang maglaho na parang bula sa hiya lalo kapag may nakikita akong mga babae na masama ang tingin sa akin. May mga naririnig rin ako na tumitili na akala mo'y isang artista ang nakikita nila. “Pwede bang umalis ka na sa harapan ko?” “Bakit ba?” “Bakit? Kasi ayuko na maging kaibigan ka! Ayuko na maging kaibigan ang isang tulad mo!” “Ang shaket mo namang magsalit,” Saad nito at nagkunwaring napahawak pa siya sa dibdib niya. “Pero kahit na ayaw mo akong maging kaibigan, wala akong pakialam,” Dag-dag pa nito na mas lalo kong ikina-irita. “Kapag hindi mo pa ako tingilan sisipain ko ‘yang ibaba mo at ng wala ka ng maiharap sa mga babae mo!” Nanggigigil ngunit mahina lang ang pagkakasabi ko. Tinawanan lang ako nito. Arghhh! Nakakainis! Ipakulam ko nalang kaya siya at ng magtanda at tigilan na niya ang pambu-bweset sa akin! Arghhh! ########## To Be Continue…… A/N: Hope You Like This CHAPTER Mga BESHY 😁😁😁 Xoxo.🥰🥰🥰
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD