SYDNEY POV NANDITO ako sa may waiting shed, medyo madilim na at hindi parin ako nakaka-uwi. Hinanap ko pa kasi si Kristena dahil maghapon ko s'yang hindi nakita. Tenext at tinawagan ko na rin ang number niya, pati sa messenger tinadtad ko ng message ngunit wala akong ni isang reply na natanggap mula sa kanya. Nag-aalala na ako, at hindi ko mapigilan na mapa-isip kung may nangyari ba sa kanya. About Rexor naman, hindi ko siya kasama ngayon dahil may isang itim na sasakyan ang sumundo dito kanina. Buti na rin ‘yun dahil hindi ko na kinakaya ang kakulitan nito na ipinaninibago ko. “Bakit ba walang dumadaan na jeep?” Bulong ko sa hangin. Halos ako nalang ang nandito, hindi parin ako nakakasakay, at ang malala pa ay parang uulan. “Ikaw pala ‘yan Sydney, bakit hindi ka pa umuuwi?”

