CHAPTER SEVENTEEN

2002 Words

Parang nabunutan ng tinik si Liz nang ganap nang makalabas ang grupo ng Cinematrix Entertainment kasama sina Art at Diana. Nanlalambot siyang napaupo sa isa sa mga upuang naroon sa meeting room matapos siyang tapunan ng nakahihiwang tingin ni Art bago ito tuluyang lumabas. Naiwan sila ni Elias sa Executive Lounge para iligpit ang mga gamit nila. Nanlalaki ang mga mata ng lalaki na umupo sa tapat niya nang tila hindi na ito nakatiis mag-usisa sa kaniya. “What was that?” manghang tanong nito. Tila hindi talaga makapaniwala sa ginawa niya. Bumuga siya ng hangin saka inilagay sa dibdib ang isang kamay niya. Ngayon lang kasi nag-sink in sa diwa niya ang realization ng ginawa niya kanina. “I-I think, I should pack my bag and leave. Sasabay na ako sa inyo ni Diana. I will rebook my ticket—”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD