Nag-volunteer si Liz na i-assist si Diana sa pagbibihis dahil may natanggap na importanteng tawag si Luisa na kailangan nitong sagutin at medyo gahol na rin ang mga ito sa oras. Mataman namang nakamasid sa kanila si Art na may pagtataka sa hitsura. “All done. You looked gorgeous, Diana,” puri niya sa dalaga saka inayos ang pagkaka-ipit ng buhok nito. Diana is wearing an off-shoulder red maxi dress with thigh high split na tinernuhan ng four-inches red stiletto. Her hair is tied at the back and wearing a classic smoky eyes and bold red lips makeup. Lalo tuloy lumutang ang angking ganda ng dalaga at hubog ng katawan nitong pang-modelo. “Thanks, Liz,” nakangiting sambit nito sa kaniya saka sinipat ang sarili sa salamin. Pinuntahan naman niya si Art saka inayos ang suot nitong suit at neck

