Kunot-noong sinalubong ni Liz ang matamang pagtitig ni Art sa kaniya habang kumakain sila ng tanghalian. “May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya saka pinahiran ang pisngi niya. Umiling ito. “First time kasi kitang makita na walang makeup,” natatawang tugon nito saka bumuntong-hininga. “It actually suits you. Mas maganda ka. You really reminded me of someone with your eyes and dimples. Kung hindi ka lang lumaki sa abroad, baka napagkamalan na kitang ikaw siya,” patuloy nito saka nagkibit-balikat. She cleared her throat then looked away. Mag-a-assume na naman ba siya? Sino ba ang niloloko niya? Eh, ni hindi nga siya nito kilala noong high school, eh. Saka, hindi lang naman siya ang may ganoong mata at dimples sa buong Pilipinas, ano? Muli niyang sinalubong ang mata nito na hindi bumibi

