Halos sampung minuto nang paroo't parito sa paglalakad sa loob ng banyo si Liz habang nagko-contemplate kung ano ang sasabihin kay Art. ‘Sh*t! Sh*t! Sh*t!’ irit ng isip niya. Naroong kagatin niya ang pang-ibabang labi, ang kuko niya, at pag-initan ang buhok habang hindi mapakali sa paglakad sa makipot na banyo. Kaya halos mapatalon siya nang kumatok si Art dahil sobrang pre-occupied siya ng kung ano ang pinakadapat sabihin na nawala sa isip niya na matagal na siya sa loob ng banyo. “Hey, Liz, come out,” anito matapos siyang katukin. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata saka huminga nang malalim. Bumilang pa siya ng sampu bago sa wakas ay nagdesisyong lumabas. Naabutan niyang nasa may lamesa si Art at tinitingnan ang mga papel na naroon. Atubili siyang lumapit sa lalaki saka h

