Madilim pa nang dumating si Liz sa Grand Hotel kung saan gaganapin ang conference. Doon din siya nagpa-book ng kuwarto nila ni Art para na rin sa convenience ng binata. Kaagad niyang iniayos ang mga kakailanganing files para maipasa sa coordinator ng event mamayang gabi. Nagpa-deliver na lang siya ng breakfast sa room service imbis na bumaba sa main restaurant ng hotel. Nagulat pa siya nang tawagan siya ni Art pasado alas-nueve ng umaga. “Good morning, Art,” bati niya rito saka inabot ang Ipad kung saan naroon ang schedule ng binata. “Hi, good, you’re up?” bati nito. “Of course. I need to ensure that everything is ready. By the way, sasama ako sa pagsundo sa iyo sa airport. I also booked your lunch sa hotel restaurant. After lunch, you’ll—” “Woah, woah, woah! Slow down, missy,” putol

