Pakiramdam ni Art ay sobrang init sa loob ng elevator. Sa bawat pagdait kasi ng braso ni Liz sa kaniya ay unti-unting nagniningas ang pagnanasa sa katawan niya. He doesn’t even know why he’s so affected by her presence alone kahit pa nga marami silang kasabay sa elevator. Pigil niya ang pag-alpas ng kaniyang hininga not to show the obvious. Kung hindi siya tutungo, siguradong mababasa ng kung sino mang titingin sa kaniya ang apoy na nagniningas sa mga mata niya right that very moment. He was burning with desire simula pa kaninang umaga na lalo pang sumidhi nang maalimpungatan siya kaninang hapon at ang namumulang mukha agad ng dalaga ang nasilayan niya. He must be crazy but he literally thought that he saw an angel! He heaved a sigh and tried his best to shrug off what he's been thinking

