Mag-i-isang buwan nang nagtatrabaho sa Bubblegum & Talents Company si Liz at halos alam na rin niya ang pasikot-sikot ng trabaho niya bilang Executive Assistant ni Art dahil na rin sa paggabay nito at ng kapatid nito na si Jazmine. Makaraang makita nito ang pagsundo sa kaniya ni David, naging mas madalas ang pag-alis nito sa opisina at ang pagtambay nito sa 21st floor. Palibhasa’y hindi na rin sila masyadong ngarag sa trabaho ay hindi na siya nito masyadong tinatawag sa opisina nito, madalas ay kusa pa itong pumupunta sa opisina niya o tumatawag na lang sa telepono kung may itatanong o may ipapagawa. Hindi niya sigurado kung intensyon nito na maglagay ng distansya sa pagitan nila o nagkataon lang talaga na noong mga unang araw at linggo niya sa kumpanya ay mayroon silang importante at urg

