Chapter 86 "What?" napatayong reaksiyon ng ama niya. Pati si Margi ay natigilan mula sa pagkakatayo nang sinabi niyang ayaw niyang magpakasal. "Seryoso ka ba?" halatang gulat na tanong ng Kuya niya kaya napatango siya. "Bakit?" gagad ni JC. "Marli, itutuloy natin ‘to." kalmado pero seryosong turan ni Travis. "Ipakukulong ko tong si Travis kapag walang kasalang naganap! Nangangahulugan na pinilit ka lang niya kaya ka umaatras!" mataas na ang boses na sabi ng ama niya. "Gino, kumalma ka nga!" awat ni Lia. "Pare! Wala namang ganyanan! Masisira ang buhay ng pamangkin ko!" tutol ni Terrence at napatayo na rin. "Wait! Wait lang! Mga Tito and Tita! Chill po tayo. Walang makukulong. Kasal ang magaganap. Hindi sakal. Mag-uusap usap lang po kaming mga millenials. And when we come back maayos

