Chapter 85 "Kasal? Sino’ng ikakasal?" tanong ng isang tinig kaya napakalas siya sa yakap ng ina dahil kilala niya kung sino iyon. "O Margi nandiyan ka na pala. Come. Itong kapatid mo, malapit ng maging Mrs. Del Fuego." "I-Ikakasal siya kay Kuya Travis? How come?" halata ang tila pagkadismaya sa mga mata nito. "Ayoko magkwento, try to ask your sister. I know nakakashock. Tawagan ko lang Lolo at Lola niyo to tell the good news. Medyo nastress ako kanina kaya di ko naibalita kaagad. Diyan muna kayo." nakangiting sabi ng Mommy nila at lumabas ng kitchen. Naiwan sila ni Margi kaya namayani ang katahimikan. Nagtama ang mga paningin nila. Nakasungaw sa mga mata nito ang hindi maipagkakailang galit... "Tell me. Paano mo ginawa?" basag nito sa katahimikan. "Ang ano?" "Magmamaang-maangan p

