*PANYO*
Hindi sa lahat ng pagkakataon palagi tayong magkasama
At bilang tao normal lámang ang mga problema,
Kapag hindi mo na káya at tila hapong-hapo ka na iiyak mo lang,
Ibuhos mo ang mga luha ng iyong pagdurusa
Hayaan mong angkinin ng panyong ito ang iyong pangungulila,
Pangako babalik ako at pareho nating babagtasin ang simula ng panibagong pag-asa.
-Tonn Villeza Marco I
Calamba, City Laguna
15|Agosto|2021 | 9:OOPM
(Ang tulang ito ay naisip kong noong nag-guest ako sa DREAME LIVE PHILPPINES bilang isang baguhang author. Iniaalay ko ito sa aking kaibigang si Mary Garce Brun at sa anak nitong si Nick Andrew Brun ng Tanza, Cavite. Pasensiya na po kayo sa lahat ng napakuha ko sa tula kong ito sapagkay ako'y nadala lamang ng aking emosyon. Isang karangalan sa aking na mapabilang ako sa isang katulad nitong pagkakataon. Hinding-hindi ko po ito makalilimutan. Maraming salamat po sa Business Counselor namin na si mam Anna na napaka-humble down. Salamat sa walang sawa ninyog pagsuporta sa aming mga manunulat. Salamat team dahil tulad ng ibang kasamahan nating author ako'y inyong niyakap bilang kasapi ng ating grupo. Salamat sa inyong mga guidance. Babaunin ko ang inyong mga itinuro sa aking sa paglalakbay ko bilang isang ganap na nobelista. Mahal ko po kayo.)
#StaryWritingAuthor
#DreameAuthor
#YugtoAuthor
#BuhayManunulat
#Maglayag
#Magmatyag
#Magpahayag
#Tula
#Koleksiyon
#Emosyon
#Panitikan