
Mawala na ang lahat ng bagay kay Kashien huwag lamang ang kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit sa kamay ng sarili nitong ama— na si Eres Juan Montevista ay mukhang nagbabadya yata na mangyari ang kanyang kinatatakutan. Lalo pa at malaki ang galit nito sa kanya dahil sa pagkakamaling ipanaako niya sa ibang lalaki ang dinadala niya noon.
Kaya bago pa mangyari na makuha nito ang buong kustodiya sa bata ay nagdesisyon si Kashien na kidnapin ang sariling anak at ilayo sa ama nito.
Subalit lingid sa kanyang kaalaman ay mas nakalikha lamang siya ng panibagong usok na magpapatindi sa apoy ng galit ng lalaki. Hanggang sa nakita na lamang niya ang sariling humihimas ng rehas habang nagmamakaawang palayain siya nito. Pinagbigyan naman siya nito ngunit may kapalit and she had no choice but to accept it. Kahit pa na ang kapalit ay ang maging estranghero sa buhay ng sariling anak, makasama lamang ito. She didn't mind being a nanny to her own son.
