Nagising si Ashmaria dahil sa discomfort na naramdaman niya at para bang may kung anong Liwanag na nakatutuk sa mukha niya. Nasa loob siya noon nang guest room sa bahay ni Alpha Valeria. Matapos siyang Samahan ni Zara isa sa mga katiwala sa Manor hindi na niya napansin na nakatulog na pala siya. Marahil dahil sa labis na pagod sa mga nangyari. Ni hindi na siya nakapaghapunan. At kung hindi pa niya naramdaman ang discomfort na iyon marahil hindi siya magigising. Nang magmulat nang mata ang dalaga napansin niya ang bintana sa silid niya na nakabukas. Malayang pumapasok ang malamig na hangin. At mula sa bintana pumapasok din ang Liwanag na nagmumula sa bilog na buwan.
Ilang sandali siyang napatingin sa bilog na buwan na tila nasa ibabaw lang nang bangin. Mula sa binatana nang silid niya Malaya niyang napagmamasdan ang bangin at at buwan. Habang nakatingin doon ang dalaga, Bigla siyang napatayo sa kama nang makita ang isang malaking lobo na naglakad patungo sa gilid nang bangin. Ilang sandaling tila nakatingin sa buwan ang lobo at maya-maya pa bigla itong nagbago nang anyo at naging tao. Ang ikinagulat pa nang dalaga ay ang biglang makita ang pagbukas nang pakpak sa likod nang nilalang kasabay noon ang pagbagsak nang matingkad na balahibo sa harap niya na bigla ding naglaho. Napako ang tingin niya sa nilalang na nakatayo sa bangin habang tila nakatingin sa buwan. Muntik na siyang napatalon sa kinauupuan niya nang biglang makitang lumingon sa kinaroroonan niya ang nilalang.
Hindi nakaligtas sa kanya Striking blue eyes nang nilalang. Bigla siyang napakurap dahil sa pagkabigla ang split seconds Nawala ang nilalang sa ibabaw nang bangin. At dahil doon. Agad siyang napatayo sa kama saka naglakad patungo sa bintana. Namamalikmata lang ba siya?
Dahil sa Nakita nang dalaga hindi na ulit siya nakatulog at dahil na din sa hindi siya sanay sa bahay na iyon hindi rin siya muling dinalaw nang antok. Kinaumagahan, nang lumabas si Ashmaria sa silid. Napansin niyang tahimik ang buong bahay na para bang walang nakatira doon. At dahil ayaw naman niyang istorbohin ang mga taong nandoon dahil baka nagpapahinga pa sila. Naisip nang dalaga na lumabas nang bahay. Nang makalabas siya. Una niyang tiningnan ang Bangin kung saan niya Nakita ang lobong naging anyong tao at nagkaroon nang pakpak na parang isang anghel.
Nakatingin siya sa tuktok nang bangin habang nasa isip Nakita nang nakaraang gabi. Naglalakad siya papalapit doon nang tila wala sa sarili niya. Nang mga sandaling iyon ang nasa isip nang dalaga ay ang nakitang nilalang at ang bilog na buwan.
“Hey! Watch out!” nag-aalalang wika nang isang boses sabay hawak sa kamay ni Ashmaria para pigilan ang dalaga sa paglakad. At dahil doon biglang natigilan ang dalaga at napatingin sa may-ari nang kamay na pumigil sa kanya.
“Alpha Valeria.” Mahinang usal nang dalaga nang makilala ang babaeng pumigil sa mga kamay niya.
“Be careful. Or you will fall. Nasa gilid ka nan ang bangin.” Wika nang Ginang.
“Huh?!” gulat na wika nang dalaga saka napatingin sa ibaba At doon lang niya napansin na nasa gilid siya nang bangin. Napatingin siya sa buong paligid. Doon lang niya napansin na ang kinalalagyan nila ay nasa ilalim nang isang bangin. Ang Crescent Crimson Village kung saan siya dinala ni Achellion ay nasa ilalim nang bangin. Kung hindi siya pinigilan nang ginang sa paglalakad niya marahil at nahulog siya nang tuluyan.
“What is this place?” naiusal nang dalaga.
“This is the crescent crimson village. Isang tagong lugar. Pwede mong sabihing Magandang pagtaguan ang lugar na ito nang mga taong may tinatakasan. Pero sa mga pup at ligaw na nandito at walang mapuntahan. Ang lugar na ito ay isang kanlungan sa kanila.” Wika nang ginang.
“Nagsisilbing kanlungan at shield ang mga nandito ang lugar na ito. Iisa lang ang daan papasok at palabas. Or if you can fly. You can---” wika nito saka napatingin sa gilid nang bangin. Hindi naman nakapagsalita si Ashmaria dahil sa labis na gulat sa nalaman. Hindi niya akalaing may ganitong lugar na nag-eexist.
“Kumusta ang naging tulog mo? Sabi ni Zara, nang balikan ka niya para sa hapunan tulog kana. Kaya hindi ka na namin ginising.” Wika pa nito.
“I was comfortable. Thank you. At pasensya na kung-----”
“No.” wika nito at pinigilan ang dalaga sa iba pa niyang sasabihin. “Hindi mo kailangang humingi nang paumanhin. Tungkulin namin ang pangalagaan ang mga tulad mong walang mapuntahan. Pero-----”
“I don’t look like I am someone with no place to go.” Dugtong nang dalaga sa iba pang sasabihin nang Alpha.
“Sorry. But I will be honest. Yes.” Anito.
“I understand. I actually have my pack. Until they disown me.” Wika ni Ashmaria.
“If you don’t mind me asking. Anong nangyari?” Tanong nang Ginang napatingin naman si Ashmaria sa ginang. Nararamdaman naman niyang hindi ito masama at parang wala naman itong masamang motibo kung bakit ito nagtatanong.
“Mahabang kwento.” Wika nang dalaga at napangiti. “Si Achellion? Hindi ko pa siya nakikita.” Anang dalaga.
“Baka naghahanda siya. Aalis na rin iyon para pumunta sa trabaho niya. You know he is a member of Armed forces.” Anang ginang.
“There you are. I was looking for you.” wika ni Achellion na naglakad papalapit sa kanila. Napatingin naman ang dalaga sa binata at hindi niya maiwasang hindi mamangha sa binata lalo na habang suot nito ang kanyang camouflage na uniform.
“May misyon kayo?” Tanon ni Alpha Valeria sa binata.
“Sa isang Probinsya. May naulat na mga nawawalang dalaga.” Wika ni Achellion sa ginang saka tumingin sa dalaga.
“Ilang araw akong mawawala. Would you be okay here?” tanong nang binata. Napatingin naman si Ashmaria sa binata. Nagtatanong bai to dahil nag-aalala ito? Nag-aalala ba itong hindi siya makakapag-adjust o wala siyang makakasundo sa lugar na iyon.
“Ilang araw kang mawawala?” tanong nang dalaga.
“Depende,” Anang binata at bumaling sa Alpha. “Can you take care of her habang wala ako?”
“Hindi naman taga bantay nang mga naliligaw na pup ang mama ko.” Wika ni Astrid na lumabas nang manor at naglakad papalapit sa kanila. “You sounded like a husband na hinahabilin ang asawa niyang maiiwan dahil sa misyon. Ganoon na ba kayo ka lapit? Gaano na kayo katagal na magkakilala. When you said she is your responsibility, anong ibig mong sabihin?” tanong ni Astrid saka napatingin kay Achellion bago bumaling kay Ashmaria. Talagang nararamdaman ni Ashmaria na kuhang-kuha niya ang inis ni Astrid. Parang siya ang taga trigger nang pagiging maldita nito. Alam niyang hindi ito komportable na nandoon siya but she is acting like she is taking something from her. Na alam niyang wala naman. Kung may iba lang siyang mapupuntahan siya mananatili sa lugar na iyon.