Tadhana sa Piling ng Kakampi o Kaaway?

1347 Words
“Ikaw na sana ang umintindi kay Astrid. Hindi lang siya sanay-----” putol na wika ni Achellion na bumaling sa dalagang naglakad kasama niya patungo sa kotse niya. Papaalis na siya noon para pumunta sa isang misyon. Napatingin siya sa dalaga at saka pinutol ang iba pang sasabihin. Bagong dating ang dalaga sa village nila. Alam naman niyang magiging mabait si Alpha Valeria dito dahil mapagkalinga naman ito ngunit inaalala niya si Astrid. Mabait naman ang adopted daughter nang Alpha kaya lang may pagkakataon na masyadong matalas ang dila nito. At sa nakikita niya, mukhang mahihirapan si Ashmaria na makasundo ang dalaga. “Anong iniisip mo?” tanong nang binata na hindi pumasok sa sasakyan niya bagkus ay napatingin sa dalaga. Marahan namang napatingin ang dalaga sa binata. “What’s wrong?” tanong ni Achellion. His voice is as if he is worried about her. “Iniisip mo ba ang sinabi ni Astrid?” Tanong nang binata. “Huwag mong masyadong----” “I don’t think it’s a good Idea na nandito ako. Masyado akong magiging pabigat. This place---- Kapag---” “Ano naman ang inaalala mo? May iba ka bang mapupuntahan? Sabi mo pinalayas ka sa pack niyo. You are now my mate at hindi naman pwedeng pabayaan kita.” Anak nang binata. “I don’t think, they will like my presence here---” “Si Astrid ba ang iniisip mo?” Tanong nang binata. Hindi sumagot si Ashmaria pero ang pananahimik niya ang naging kompirmasyon nang dalaga. “Mabait naman siy Astrid. Nanibago lang siya. Ito ang unang beses na nagdala ako----” “I think she is jealous. Baka iniisip niyang----” “Jealous? Why would she be?” tanong nang binata. “Masyado ka lang nag-iisip.” “I am not. Nakita mo ba kung gaano siya sa hostile? Well, She should know, wala siyang dapat ipagselos sa akin. It’s not like we got bonded because we wanted to. It was an accident.” Anang dalaga. “I think you should tell her that.” Anang dalaga at napatingin sa binata. “Tell her what?” Tanong ni Achellion saka napatingin sa dalaga. “Should we tell her that you are my mate?” Natatawang wika ng binata. “That’s a good Idea.” Anang binata. “It is?” nag-aalalangang wika nang dalaga. “Yes. Well, for one. She wanted to be my mate. I am not yet accustomed to this life, and there are still things na hindi ko maintindihan-----” “Wait.” Pigil nang dalaga sa iba pang sasabihin nang binata. Taka namang napatingin ang binata sa dalaga. “She wanted to be your mate?” Tanong nang dalaga. “Well, iyon naman ----” “Great. Just Great.” Wika nang dalaga at napahawak sa noo niya. Huling bagay na gusto niyang mangyari ay maging dahilan nang kaguluhan sa ibang mate bonds. Isa lang naman ang pangarap niya noon pa iyon ay maging mate bond ni Zion. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari malaki na nag nagbago. Bigla tuloy siyang napa-isip. Kumusta na kaya si Zion at ang papa niya. At kung ano nang nangyayari sa Pack nila. Kung may Napili na bang bagong luna si Zion. “Masyado kang nag-aalala sa mga bagay na hindi naman dapat pinagtutuunan nang pansin.” Napapangiting wika ni Achellion saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Dahil sa naging gesture nang binata. Biglang nag-angat nang tingin ang dalaga saka napatingin sa binata. Naguguluhan siya, mabait ba ito sa lahat? At bakit kumakabog ang dibdib niya? Probably because of his mark on me. Wika nang isip nang dalaga na sinusubukang pakalmahin ang sarili at dahil na din sa malakas na pagkabog nang dibdib niya. “It’s not because of my mark, trust me.” Wika nang binata na tila nabasa ang sinabi nang isip niya. Dahil sa narinig nang dalaga. Bigla siyang napaatras at takang nakatingin sa binata. “That’s unfair. You can read my mind.” Anang dalaga. “Hindi ako nakakabasa nang ano mang iniisip nang tao o nang sino man.” Wika ni Achellion na bahagyang tumawa at saka bumaling sa pinto nang sasakyan niya at binuksan iyon. Hindi siya tuluyang sumakay nang makita ang mukha nang dalaga hindi niya maintindihan kung nalulungkot ba ito. “Bakit ka nakasimangot?” tanong nang binata. “Probably, because we are link with mate bonds, I can sense you are anxious.” “To be honest. Hindi ako komportable dito. I am not even comfortable na aalis ka. Ni hindi pa ako----” “Hindi ka naman bata para bantayan ko. I have work and responsibilities. Magagawa mo ding maka adjust dito. Nandiyan naman si Alpha Valeria at Nolan. Just don’t get in Astrid’s way. She’s a little powerful you know.” Wika nang binata na napangiti. “Are you trying to comfort me with those words? O mas tinatakot moa ko saying. I will be in trouble kapag ginalit ko si Astrid. I don’t know what’s her deal, Kung gusto ka niyang maging mate. I don’t have problems with that.” Anang dalaga. “Sure. But I am already bonded. To you, that is.” “Yeah Lucky me.” Wika nang dalaga. “Ilang araw kang mawawala?” tanong nang dalaga. “Weeks or months. Depende sa misyon.” “Iiwan mo ako nang ganyan ka tagal dito? Baka naman pagbalik mo hindi mo na ako makilala niyan. O baka nga wala na ako dito.” Dahilan naman para mapatawa nang mahina ang binata. “Just behave and make friends. I am sure marami kang pwedeng gawin dito. May maliit na clinic sa village. You can help, kung may alam ka sa panggagamot. May paaralan din---if you are patient enough to teach these naughty pups.” Wika nang binata. “I’ll be back before you know it.” Wika nang binata at saka akmang papasok sa loob nang sasakyan nang muling matigilan nang makitang tila anxious pa din ang dalaga. “Here--” wika ni Achellion saka kinuha sa bulsa niya ang isang Cell phone. Napatingin naman ang dalaga sa inaabot nang binata. Saka napatingin dito. “What is that?” Tanong nang dalaga. “Cell phone.” Anang binata. “I know what that is. But why are you giving that to me?” Tanong nang dalaga. “Para ka kasing batang gustong umiyak dahil maiiwan sa isang lugar. And I know, you’ll miss me so, I am giving you this. Naka save diyan ang number sa isa ko pang cell phone. Call me when anything happens.” Wika nang binata. Napatingin naman ang dalaga sa binata. “O kung inaaway ka ni Astrid. Hindi man ako makakapunta agad dito, but at least I can call Alpha Valeria.” Wika pa nang binata. “Don’t treat me like I am a little child. Kaya ko namang pangalagaan ang sarili ko. At baka hindi mo alam. Hindi naman ako isang mahinang Mortal I have my wolf and I was trained----” biglang natigilan ang dalaga nang maalalang sinanay siya nang ama niya na maging Luna nang Sirius pack. Pero lahat nang iyon ngayon ay sa nakaraan nalang. Wala na siyang magagawa para mabago ang nangyari. At wala na siyang magagawa para maibalik ang nakaraan. “And one thing more. Huwag mong masyadong iniisip ang nakaraan mo. If your past has hurt you that much. Iwan mo na iyon sa nakaraan. Wala akong magagawa para baguhin yun. But I can help you build a better future. Hindi ngalang gaya nang iniisip mo noon. But it ----” “Thank you.” anang dalaga at kinuha sa kamay nang binata ang Cell phone na dahilan din para mapigilan ang binata sa iba pa niyang sasabihin. “Mag-iingat ka sa misyon mo.” “Of course. Kung hindi mo natatanong. I am a pretty good soldier and I am good at what I am doing.” May tono nang pagyayabang na wika nang binata. “Yeah, I can sense that. Pero mas Mabuti pa rin ang nag-iingat.” Wika nang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD