Nakabalik na ang grupo ni Achellion mula sa pagpapatrolya at ang unang napansin niya ay ang Binatang si Rael na kausap sina Dahlia at Ashmaria sa labas nang tindahan nang Kapitan. Napakunot ang noo ni Achellion nang makita ang ngiti nang dalaga habang nakikipag-usap sa binata. Maging si Dahlia at ang asawa nang Kapitan ay malapad din ang ngiti sa labi dahil sa binata.
“Masaya ka ata, liit.” Wika nang binata na inakbayan ang si Ashmaria nang makalapit sa kanila. Takang napatingin si Rael sa binata at panandaliang Nawala ang ngiti sa labi nang makita ang pagdating nang binata. Napatingin naman sa kanila ang iba pa. At dahil sa ginawa nang binata taka namang napatingin ang dalaga sa Binatang nasa tabi niya.
“Oh Captain. Nakarating na pala kayo.” Wika nang ginangna tumayo mula sa kinauupuan. “Bakit hindi muna kayo mag meryenda, nasa kubo niyo si Pablo kasama ang iba pang tanod para ayusin ang tutulugan niyo mamayang gabi.” Wika nito na ang tinutukoy ay ang Kapitan.
“Mukhang masaya ang pinagkukuwentuhan niyo.” Wika ni Dr. Helena na napatingin sa Binatang kausap nila Ashmaria.
“Ah Oo. Masaya kasing kausap itong si Rael ang dami niyang kwento.” Wika ni Dahlia. “Rael, mga miyembro pala nang task force na magbabantay sa lugar na tin.” Wika ni Dahlia saka bumaling sa binata.
“Nice to meet you. Alam niyo hanga ako sa mga babaeng sumasali sa military. Nakakabilib.” Wika nito na nakangiti kay Sera, Raven at Dr. Helena. Hindi naman maitago ang matamis na ngiti nang tatlong dalaga. Mukhang nakuha na agad nang binata ang loob nang tatlong dalagang miyembro nang nightwatch division at wala panga nitong ginawa. Nakatitig lang si Achellion sa binata. Kakaiba yata ang taglay nitong charm. Wala paman itong ginawa nakuha na agad nito ang kiliti nang tatlo.
“Bakit captain?” Tanong ni Dahlia nang mapansin na nakatitig si Achellion sa binata at dahil sa tanong na iyon nang dalaga taka namang napatingin si Ashmaria kay Achellion para itong may gustong sabihin kay Rael pero ayaw namang magsalita o talagang inoobserbahan nito ang binata dahil sinabi nito kanina na hindi sila dapat magtiwala kaagad.
Ngunit sa palagay naman ni Ashmaria mabait si Rael. Mabilis nitong nakasundo sina Dahlia ta ang mama nito. At makakatuwang kausap. Masyado itong mabait sa kanila. Maging sa ibang mga kadalagahan na bumibili sa tindahan mabilis ding nakukuha ni Rael ang loob nila. Siguro marahil dahil sa ngiti nito. Inaamin ni Ashmaria na maganda ang ngiti nang binata at kahit sino pwedeng mahulog sa ganoon ka tamis na ngiti.
“Nahuhulog ka rin ba sa mga ngiti niya?” Tanong ni Achellion na bumaling kay Ashmaria. Gulat namang napaigtad ang dalaga at napatingin sa mukha nang binata. Binasa b anito ang nasa isip niya o naririnig ang mga sinasabi nang isip niya.
“Hindi ka pwedeng tumingin sa iba. You get that right?” pilyon wika nang binata sa dalaga at kinabig siya papalapit dito na dahilan para maningkit ang mata ni Rael at mukhang sinasadya ni Achellion ang ginawa niya.
“Mabuti pa, mauna na ako.” Wika ni Rael at tumayo. “Ah, dadalo kayo gabi nang barangay mamaya?” tanong nang binata saka tumingin sa mga dalaga.
“Gabi nang barangay?” Sabay na tanong ni Sera at Raven.
“Annual celebration iyon nang barangay. Busy na nga ang lahat sa paghahanda.” Wika pa ni Dahlia.
“Ah, yun ba yung nadaanan natin sa plasa kanina?” Taning ni Dr. Helena na ang tinutukoy inaayos na covered court na nilalagyan ng mga desinyo.
“Pero akala ko ba mapanganib?” wika ni Ashmaria dahilan para mapatingin ang iba sa kanya. “I mean, sa mga nawawalang dalaga at sa nangyayaring patayin. Diba mapanganib ngayon? Okay lang ba magkaroon nang gabi nang barangay?”
“It’s a tradition. Mahirap nang tanggalin at isa pa nagdala naman ang mayor nang iba pang sundalo at pulis para magbantay mamayang gabi. Ang may mga imbistasyon lang ang pwedeng pumasok at makisali sa kasiyahan. Hindi rin pwedeng sumama ang mga bata at buntis dahil mapanganib.” Wika pa ni Belen ang ina ni Dahlia.
“Dadalo ka rin ba?” tanong ni Sera kay Rael.
“OO naman, Mahirap nang palampasin ang ganito kasayang okasyon.” Wika nito saka bumaling kay Ashmaria. “Dadalo ka rin hindi ba?” tanong nito kay Ashmaria.
“Ano kasi---” nag-aalangang wika nang dalaga saka tumingin kay Achellion.
“Hindi matutulog kami.” Wika nang binata sa seryosong mukha.
“Ano ka ba captain. Minsan lang tayo makadalo sa ganitong kasiyahan.” Wika ni Raven.
“Sayang naman captain, nagsasaya ang lahat tapos kayo matutulog. Masyado mo naman yatang itinatago yang asawa mo.” Wika ni Belen na natatawa. “Natatakot ka bang maagaw siya nang iba?”
“Nagbibiro lang ako. Syempre dadalo kami. Isa pa, misyon din naming magbantay sa paligid.” Wika nang binata. Pero kung siya ang masususnod hindi niya isasama si Ashmaria. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa paligid. Lalo na at wala pa rin silang ideya sa kung sino ang kumuha sa mga dalagang hinahanap nila at kung saan sila dinala. Kung siya ang magpapasya hindi ito ang panahon para sa gabi nang barangay nila pero wala naman siyang magagawa dahil nandoon lang sila para sa isang misyon.
“Kung ganoon. Magkita nalang tayo mamaya, Ashmaria.” Wika ni Rael sa dalaga bago nag paalam sa kanila. Isang tipid na ngiti lang ang tinapon nang dalaga sa binata bago nila ito inihatid nang tingin habang papalayo.
“Swerte nga naman. Sinong mag-aakalang isang gwapong binata ang makikilala natin dito.” Wika ni Raven.
“Mabait yang si Rael, Nagbabakasyon lang yan dito pero kuhang-kuha niya ang loob nang lahat. Lalo na nang mga kadalagahan. Gentleman at Makisig pa.” humahangang wika ni Aling Belen sa binata.
Kadalagahan ha. Wika nang isip ni Achellion. Tingnan natin kung ano ang totoong pakay mo sa lugar na ito. dagdag pa nang isip niya.
“Mabuti pa pumunta na tayo sa kubo natin.” Wika ni Achellion na bumaling sa mga kasama.
“Mabuti pa nga sasamahan ko na kayo.” Wika ni Belen saka tumayo. “Dahlia pumasok kana muna sa bahay.” Wika pa nito sa anak na buntis. Agad namang tumalima ang dalaga sa sinabi nang mama niya. At gaya nang sinasa ni Belen, dinala niya sa kubo ang grupo ni Achellion kung saan nila pansamantalang gagawing Kampo malapit iyon sa basketball court sa bahay nang Kapitan. Nang dumating sila doon, naghihintay na na ang Kapitan at masayang sinabi sa kanila na pwede na nilang magamit ang mga kubong iyon. Tamang-tama dahil gabi din nang parangal mas maiging malapit sila sa basketball court mas mabilis silang makakaresponde kung may mangyayari man.