Kapalarang Nakagapos

1330 Words
“Hi.” Bati nang isang lalaki kay Ashmaria. Taka namang napalingon si Ashmaria sa boses sa likod niya. Bigla siyang natigilan nang makita ang isang gwapong Binatang papalapit sa kanya. Mestiso ito at matangkad. Matipuno din ang pangangatawan, mapagkakamalan mong isang artista. Nakatingin lang siya as mukha nitong nakangiti sa kanya habang derecho ang tingin sa kanya. “Bago ka ba dito?” tanong nang binata sa kanya. Nakatingin lang si Ashmaria sa binata para pakiramdam niya may kung anong pwersa ang humahatak sa kanya na tumingin dito at hindi niya magawang ilayo ang tingin dito. “Ah, how rude hindi ko ipinakilala ang sarili ko. I’m Rael. Isa akong bakasyonista dito. Kasama ka ba sa mga dumating kagabi?” tanong nang binata saka inilahad ang kamay niya. Bahagyang napatingin ang dalaga sa kamay nang binata. “Ash---”putol na wika nang dalaga na akmang aabutin ang kamay nang binata nang biglang mapansin na may isang kamay na tumanggap dito. Napatingin silang pareho sa kamay na tumanggap sa kamay ni Rael. Nabigla pa si Ashmaria nang makita si Achellion na tinanggap ang kamay ni Rael. Naningkit naman ang mat ani Rael nang makita ang binata. Saka inagaw ang kamay niya. At napatingin sa Binatang nakasuot nang Camouflage na pantalon at itim na t-shirt. “Oy liit. Anong ginagawa mo dito? Bakit ang aga-aga nasa labas ka?” tanong nang binata saka bumaling kay Ashmaria. “Nagpapahangin lang tulog pa kasi ang mga tao sa loob. At pwede ba. Huwag mo akong tinatawag na liit. Hindi naman iyon ang pangalan ko.” Anang dalaga at napasimangot. “Kayo ba ang mga bagong sundalo na ipinadala sa lugar na ito?” tanong nang binata. Napatingin naman si Achellion sa Binatang nagsalita saka pinasadahan ito nang tingin mula ulo hanggang paa. Matamang napatingin si Achellion sa binata. Hindi maganda ang aurang nasasagap niya sa Binatang ito. Parang sinasabing hindi siya dapat magtiwala dito. “Rael. Isa akong bakasyonista dito. Kagabi napansin kong may dumating na bus sa harap nang bahay ni Kapitan--- Kayo pala.” Wika nito at pilit na ngumiti sa binata na napansin ang mapanuring tingin ni Achellion. “Ah oo. Kami pinadala kami dito para mag-imbestiga. Bakasyonita ka kamo dito? Matagal ka na ba dito?” tanong nang binata. “Mga ilang buwan palang. Gusto ko dito dahil tahimik.” Wika nang binata na ngumit. Pero sa loob ni Achellion nagtataka siya. Tila wala naman sa hitsura nang binata na magkagusto sa ganito ka layo na lugar. Halos malayo sa kabihasnan at para makapunta ka sa pinakamalapit na syudad kailangan mong bumiyahe nang ilang oras. “Bakit naman sa lahat nang pwede mong pagbakasyonan, bakit dito pa? Hindi mo ba alam na----” “Alam ko.” Wika nang binata. “Pero hindi naman iyon dahilan para lumayo ako sa lugar na ito. Tahimik at maraming magagandang tanawin.” Wika nito saka tumingin kay Ashmaria. Napansin naman ni Achellion ang tingin nito sa dalaga saka bahagyang kumilos at humarang sa harap nang lalaki. “Hindi kasama sa tanawin na tinutukoy mo ang asawa ko.” Wika nang binata. Asawa? Gulat na wika nang dalaga saka napatingala at napatingin sa binata. Ano naman ang gustong mangyari nito ngayon. “Asawa mo siya?” Tanong ni Rael na tila na dismaya pero agad ding binawi ang dismayadong mukha. Ngunit hindi niyon nakalusot sa paningin ni Achellion. “Bakit hindi ba pwede?” tanong ni Achellion saka inakbayan ang dalaga. Taka namang napatingin ang dalaga kay Achellion dahil sa ginawa nito. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak nang binata ngayon at kung bakit nitong sinabing asawa siya nito. “H-hindi naman. Nagulat lang ako. Para naman kasi siyang walang asawa.” Wika nito saka tumingin sa dalaga. Pilit lang na ngumiti ang dalaga kahit na naguguluhan sa sinabi nito. “Hindi nakakagulat kung mag-asawa kami, Kaya nga isinama ko siya dito dahil hindi ko siya kayang iwan at malayo sa kin.” Wika nang binata saka isang pinung halik sa ulo niya ang ginawad nito dahilan para bahagyang mapamulagat ang dalaga. Sumusobra na yata ang acting nito. Wika nang isip nang dalaga. Tipid namang napangiti ang lalaki ang makita ang ginawa ni Achellion. “Mabuti pa mauna na ako. Marami pa akong gagawin.” Wika nito saka nagpaalam sa kanilang dalawa. “Sige.” Simpleng wika ni Achellion saka inihatid nang tingin ang lalaking papalayo sa kanila nang makalayo ang lalaki saka naman itinulak nang dalaga ang binata at lumayo dito. “Asawa? Ano bang drama ang gusto mong gawin.” Wika ni Ashmaria sa binata. Pinong tawa naman ang lumabas sa bibig ni Achellion. “Talagang tumawa ka pa. Nag-eenjoy ka sa ginawa mo?” inis na wika nang dalaga. “Masyado kang nag-iisip.” Wika nito at kinusot ang buhok niya at hindi naman nagustuhan ni Ashmaria ang ginawa nang binata tinanggal nito ang kamay ni Achellion saka lumayo. “Fine.” Wika nang binata. “Habang nandito tayo. You have to pretend to be my wife. That’s the only way for you to be safe. And besides, I marked you, we are bonded, it’s as good as you are my wife.” Anang binata. Napaawang naman ang labi ni Ashmaria dahil sa sinabi nang binata. “And hindi safe ang lugar na ito. Hindi natin kilala ang mga taong makakasalamuha natin. Minsan, nagpapanggap sila para makakuha nang biktima.” Wika nang binata saka napatingin sa dinaanan nang lalaki. Taka namang napatingin si Ashmaria sa tinitignan nang binata. “Sinasabi mo bang -----” putol na wika ni Ashmaria ngunit ang gusto niyang itanong ay kung iniisip nang binata na isang kakaibang nilalang si Rael. “Sinasabi ko lang na kailangan nating maging maingat. Dayo tayo sa lugar na ito. at hindi maganda ang pakiramdam ko sa paligid. Naramdaman mo rin iyon nang dumating tayo. At kahit ang mga kasama kung mortal naman naramdaman din nila na may kakaiba sa lugar na ito.” wika pa nang binata. “Hindi ko akalaing mapanganib ang lugar na ito. parang gusto kong mag-sisi na dinala kita dito.” Wika pa ni Achellion saka tumingin sa binata. “Ikaw? Isang stubborn na captain nang armed forces? Nagsisisi? Huwag mong sabihing nagsisisi ka din dahil hindi sinasadya na namarkahan mo ako?” Pabirong wika nang dalaga ngunit bigla siyang natigilan nang makita ang nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak nito. Pero kung sasabihin nitong nagsisisi siya parang ayaw niyang marinig iyon. Ayaw niyang marinig ang isa pang rejection. Parang hindi na niya iyon makakayang tanggapin. “Then----” wika nang binata saka inilapit ang mukha sa kanya at dahil sa biglang ginawa nang binata biglang natigilan ang dalaga at bahagyang inilayo ang mukha sa binata. Bigla ding nag-init ang mukha niya dahil sa lapit nang mukha nito sa kanya. “A-anong ginawa mo?” nauutal na wika nang dalaga. "Well, you'd better do everything in your power to make sure I never regret marking you," he said, his voice laced with amusement. A teasing grin tugged at his lips as he leaned in slightly, his gaze holding hers. “Ano?” hindi makapaniwalang wika nang dalaga. Bago pa siya makabawi tumayo nang maayos ang binata nang marinig ang boses nang mga kasamahan nilang papalabas nang bahay nang kapitan "Think of it as a challenge. Liit." Nakangiting wika ni Achellion saka tumingin sa mga kasamahan nila. “Ang aga niyo namang lumabas.” Wika ng kapitan na lumapit sa kanila. “Ashmaria, hindi kapa nag-aalamusal. Nasa kusina si Dahlia sabay na kayong kumain. Hindi ka naman sasama kay Captain Achellion at sa mga tauhan niya para mag patrolya hindi ba?” Anang Kapitan sa dalaga. “Hindi ho. Wala naman akong maitutulong sa kanila.” Wika nang dalaga. “Pumasok kana sa loob.” Wika ni Achellion na bumaling sa dalaga. Simple namang tumango ang dalaga saka nagpaaalam sa Kapitan at pumasok sa loob nang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD