Dilim at Pangamba

1342 Words
Lalo pang timindi ang pangamba ni Ashmaria nang makarating sila sa lugar na may mga kabayahan. Madilim na ang paligid noon at sobrang tahimik ng lugar. Napatingin siya sa wristwatch niya. Alas sais palang nang gabi pero wala nang masyadong tao sa labas. Lalong naging dahilan para manindig ang balahibo nang dalaga. Bukod doon nakaramdam din siya nang lamig na dumaloy sa katawan niya. Hindi lang dahil sa malamig ang hangin sa paligid kundi dahil sa kakaibang aura sa paligid. At dahil doon. Napayakap siya sa sarili niya na napansin naman ni Achellion. Hindi nagsalita ang binata bagkus at tinanggal nito ang suot na camouflage na jacket at ibingay sa dalaga taka namang napatingin si Ashmaria sa binata. “Isuot mo. Nilalamig ka hindi ba?” Anang binata. “Thank you.” wika ni Ashmaria na tinanggap ang inaabot na jacket nang binata saka sinuot. Ilang sandali pa, huminto ang sasaktan nila sa tapat nang isang bahay na may isang tindahan. Sa labas nang tindahan ay may mga lalaking naghihintay na nakasuot nang uniporme na parang mga tanod. “I think we’re here.” Ani Achellion at tumayo sa kinauupuan nang huminto ang sasakyan nila. Nagpatiunang lumabas nang bus ang binata. Saka naman sila sumunod sa binata. “Captain Achellion?” tanong nang isang lalaki na sumalubong kay Achellion. “Ako nga po. Pasensya na ginabi kami.” Wika nang binata sa lalaki saka inilahad ang kamay. Napatingin naman ito sa mga kasamahan ni Achellion na bumaba nang bus. “Hindi mo kailangang humingi nang pasensya. Talagang malayo itong bayan namin. Mabuti pa doon na tayo sa loob nang bahay. Masyado mapanganib kung nandito tayo sa labas.” Wika nito na dahilan para mapatingin si Ashmaria sa lalaki. Bakit naman nito nasabing mapanganib. Tumango naman si Achellion saka sila sumunod sa lalaki. Nang makapasok sila sa bahay nang Kapitan, Napansin ni Ashmaria ang mga bawang na nakasabit sa bintana at ang mga nakabaliktad na walis. Nang makapasok sila sa loob nang bahay, napansin nilang binaliktad nang isang ginang ang walis sa may pinto. Hindi niya maintinihan ang nangyayari pero isa lang ang alam niya kinikilabutan siya. “Sila ba ang mga kasamahan mo?” Tanong nang Kapitan nang lugar saka tumingin sa kasama ni Achellion. Ipinakilala nang binata ang mga kasama niya sa Kapitan at sa iba pang mga tanod nang baryo na nasa loob nang bahay nito. Sinabi nang Kapitan na bukas na sila nang umaga magsisimulang maglibot sa lugar nila. Mapanganib kung ngayon gabi. At bukod doon, Kakagaling lang nila sa biyahe at tiyak pagod pa sila sa mahabang biyaheng iyon. Lumapit sa kanila ang asawa nang Kapitan at ang babaeng anak nito at sinabing handa na ang kanilang matutulugan sa gabing iyon. Sinabi nitong bukas na sila lilipat sa kubo nila dahil hindi pa iyon handa. Sa isang silid, magkasama sina Dr, Helena, Sera at Raven. Habang sa isang silid ang mga lalaki nang grupo, sina Viktor, Lucian at Damien. Sinabi naman ni Achellion na sa silid niya matutulog si Ashmaria. “Bakit ako sasama sayo sa isang silid?” tanong ni Ashmaria nang hinatak ang binata papalapit sa kanya. “Kailangan kitang bantayan. Masyado ka kasing lapitin nang gulo.” Wika nang binata saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. “Hindi sinasabi sa akin ni General Mendoza na isasama mo ang asawa sa misyong ito.” wika ng kapitan na napatingin sa kanilang dalawa. “Asawa?” Sabay-sabay na wika nina Dr. Helena, Sera at Raven saka napatingin kay Ashmaria. Napalunok naman ang dalaga mukhang napagkamalan pa siya nito dahil sa sinabi ni Achellion. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang bantayan nang binata. “Hindi ka naman siguro buntis, Hija, ano?” wika nang ginang kay Ashmaria. “Ho? H-Hindi ho.” Depensa nang dalaga nabiglang na nagulat dahil sa sinabi nang ginang. “Mabuti naman kung ganoon. Dahil masyadong mapanganib.” Wika nang ginang. Ang pagkagulat nang dalaga ay biglang napalitan pagtataka dahil sa sinabi nang ginang. “Bakit ho mapanganib?” tanong ni Sera na napatingin sa babaeng nasa likod ng ginang na napansin ang umbok nang tiyan nito. “Hindi ba’t buntis siya?” tanong ni Sera. Napatingin naman ang ginang sa anak nito na nasa likod niya. “Ah, si Dahlia. Anak ko. Oo buntis siya. Kung napapansin niya maraming mga panguntra sa loob nang bahay na ito. dahil mapanganib sa isang buntis.” Wika nito. Muli naman silang napatingin sa paligid. Ang mga bawang na nakasabit sa pinto at bintana at ang mga baliktad na walis. Ito banag pangontra na tinutukoy nito. “Bakit may mga ganyan kayo dito?” Tanong ni Raven. “Dahil ang lugar na ito. Maraming napapabalitang namamatay. At isang nilalang lang ang alam naming pwedeng pumatay sa kanila. Mga aswang. Kamakailan lang may napatagpuan na namang patay.” Wika pa ng kapitan. “Isa yun sa misyon namin dito. Ang alamin kung nasaan ang mga nawawalang dalaga at ang dahilan nang pagkamatay nang iba pa. bukod doon, may mga ibang namatay pa ba dito?” Tanong ni Damien. “Maraming hiwaga ang lugar na ito. Hindi isang ordinaryong kalaban ang nananahan sa lugar na ito at ang mga babaeng nawawala, marahil ang mga nilalang na ito ang dahilan. Maging ang mga patayang nagaganap sa lugar na ito.” wika nang Kapitan. “Ano bang klaseng nilalang ang tinutukoy niyo?” Sabay na tanong ni Viktor at Sera. “Mga aswang.” Wika nang ginang. “Aswang gulat na wika nang dalawa.” Dahil naman sa sinabi nang ginang at sa reaksyon nang dalawa biglang napahawak sa braso ni Achellion si Ashmaria. Biglang pumasok sa isip niya ang nangyari noong kasal niya at ang sinabi nang papa niya. “Bakit?” tanong ni Achellion sa dalaga. “Natatakot ka ba?” tanong ng binata. “Narinig mo ba-----” biglang natigilang wika nang dalaga nang biglang pumainlanlang ang alulong nang aso na dahilan ang lalo mahigpit na paghawak niya sa bras oni Achellion. Hindi niya mapigilang hindi matakot bumabalik sa isip niya ang nangyari noong kasal at hindi mawala sa isip niya ang mukha nang mga asbon na sumalkay sa kanila at ang mga nilalang na may pakpak nang tila mula sa paniki. “Mukhang gumagala sila.” Wika nang Kapitan na napatingin sa pinto. Napatingin naman sila sa pinto. Parang alam nang Kapitan kung anong nasa labas at kung ano ang dahilan nang mga alulong nang aso. “Teka saan ka pupunta?” tanong ni Ashmaria sabay hawak sa braso ni Achellion nang maglakad ang binata pupunta sa pinto. “Captain huwag mong sabihin na lalabas ka?” tanong ni Dr. Helena nang makita ang gustong gawin nang binata. “Narinig mo ba ang sinabi nang Kapitan?” dagdag pa nito. “Titingnan -----” “No!” sabay na wika ni Dr. Helena at Ashmaria na nagkatinginan pa dahil sa sabay na sinabi. “Sapalagay ko Captain. Mas mabuting dumito ka nalang sa loob. Hindi naman sila makakapasok dito sa loob dahil sa mga pangontra laban sa kanila.” Wika ni Dahlia. Habang nakahawak sa umbok nang tiyan. Napatingin naman si Achellion kay Ashmaria na mahigpit pa ring nakahawak sa braso niya. “Masyadong mahigpit ang hawak mo sa braso ko liit.” Wika nang binata kay Ashmaria. “Hindi na ako lalabas. Pwede mo bang bitiwan ang braso ko.” Anang binata at inilagay sa ulo ni Ashmaria ang isa pang kamay Napatingin lang si Ashmaria sa binata. “Nagpahanda ako nang hapunan. Mabuti pang kumain muna tayo bago kayo magpahinga.” Wika nang ginang. “Hindi ko alam kung makakakain ako sa ganitong tension na nararamdaman ko.” Wika ni Sera. “Pasensya na kayo. Ganito Talaga sa lugar namin.” Wika nang Kapitan sa kanila. “Huwag kayong mag-alala. Naiintdihan namin.” Wika pa ni Achellion. Sa isip nang binata hindi isang ordinaryong laban ang magaganap sa lugar na ito. At ang mga dalagang ililigtas nila. Buo na ang hinala niya hindi ordinaryong sindikato ang dahilan nang pagkawala nang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD