Banta sa Kadiliman

1142 Words
“Captain, sino yang kasama mo?” Takang tanong ni Viktor nang dumating si Achellion sa Headquarters nang Task force na kasama si Ashmaria. May oras pa naman para makauwi ang dalaga sa village nang Crimson Crescent Moon, kaya lang dahil sa nangyari kanina sa kalsada. Naisip ni Achellion na hindi na pauwiin ang dalaga. Nangangamba din siyang masundan ito nang mga nilalang doon. Kapag nangyari iyon hindi lang si Ashmaria ang malalagay sa panganib kundi maging ang mga tao sa loob nang village. Kahit naman may mga trained na bantay ang village hindi lahat sa kanila kayang labanan ang mga nilalang na sumasalakay sa kanila lalo na ngayon na tila mas malakas sila at malakas ang loob na sumalakay ngayon. Nakatingin ang lahat kay Ashmaria dahilan para hindi mapakali ang dalaga. Nakatingin siya sa mga kasama ni Achellion at lahat sila nakatingin sa kanya na parang nagtatanong kung bakit siya nandoon. “Captain, hindi isang field trip ang pupuntahan natin.” Ani Dr. Helena habang nakatingin sa dalaga. Sa isip-isip ni Ashmaria nakahanap siya nang panibagong kalaban. Akala niya si Astrid lang ang hostile sa kanya mukhang may panibago hindi gusto ang presinsya niya. “Bakit mo siya sinama dito?” Tanong naman ni Sera na nakatingin pa rin sa dalaga. “Alaga ko siya. Wala akong mapag-iwanan.” Wika nang binata. Napakunot naman ang noo ni Ashmaria saka tumingin sa binata. Alaga? Ano namang tingin nito sa kanya? Pusa? Iritanong tanong nang isip nang dalaga habang nakatingin sa binata. Pilit namang pinipigilan ni Achellion ang ngiting gustong lumabas sa labi niya nang makita ang mukha nang dalaga. “Alaga? May special assignment ka ba? Anak ba siya nang isang kilalang tao na hindi mo pwedeng iwan?” Tila inosenteng tanong ni Lucian sa Kapitan nila. “Sabihin na nating isa rin siya sa mga misyon mo Captain. Alam mo naman siguro na hindi isang field trip ang pupuntahan natin. Pwede mo siyang iwan sa custody nang mga sundalo kung hindi siya ----” “That won’t do.” Wika ni Achellion. “Hindi ko pwedeng alisin sa paningin ko ang liit na ‘to. But don’t worry. I will make sure na hindi siya makakasagabal sa misyon natin.” Wika pa nang binata sa mga kasama nila. “Bago kami pumayag na sumama siya. Siguro naman may Karapatan kaming malaman ang pangalan niya? At anong maitutulong niya sa ‘tin?” Tanong ni Dr. Helena. “Ashmaria. You can call her that. At pwede siyang maging tagaluto natin. I am pretty sure we will be busy sa misyon natin, wala na tayong oras na maghanda nang pagkain. She is good with that, right.” Wika ni Achellion saka tumingin sa dalaga. Napatingin naman si Ashmaria sa binata hindi niya alam kung sinasadya ba nang binata ito o sinusubukan nito ang kaya niyang gawin. “Kaya niyang magluto? Sa liit ----” “Wala naman sa height kung kaya mong magluto o hindi.” Biglang wika ni Ashmaria. Biglang nagpantig ang tenga niya nang marinig ang sinabi ni Dr. Helena at hindi na niya napigilan ang sarili niya. At nang tumingin siya sa dalaga na nanlilisik ang mata sa kanya bigla siyang napakagat labi mukhang nakuha agad niya ang inis nito. Si Achellion naman ay lihim lang na napangiti. “Let me introduce you to my Team. This is Dr. Helena Frost. Siya ang Forensic member nang team.” Pakilala nito sa doktora na noon ay naisip n ani Ashmaria na hindi makakasundo. “Ito naman sina, Viktor ang weapon expert, Si Sera ang Specialist, Damien, Lucian at Raven.” Wika nang binata na ipinakilala ang iba. “Nice to meet you Ashmaria. Sa totoo lang hindi naman kami lahat miyembro nang Armed forces. Pwede mong sabihing isang special task force ang grupo namin.” Wika ni Damien at ngumiti. “Special task force?” tanong nang dalaga saka tumingin kay Achellion. “I’ll explain later. Sa ngayon kailangan na nating umalis.” Wika nang binata saka napatingin sa bus na dumating. Ito ang magdadala sa kanila sa bayan kung nasaan ang susunod na misyon nina Achellion. “Just don’t get in our way. Kahit kasama ka ni Captain, hindi ako magdadalawang isip na punahin ka o paalisin kung pabigat ka.” Wika ni Dr. Helena at sumakay sa bus. Ngumiti naman ang iba saka sumunod sa dalaga. “Why do I have this feeling na hindi ako gusto nang Doctor na iyon. And she is giving the same aura as Astrid.” Wika ni Ashmaria na napatingin sa Binatang nasa likod niya. “Masyado kalang nag-iisip.” Wika ni Achellion saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. “Tayo na.” wika ni Achellion saka nagpatiunang umakyat nang bus. Wala namang ibang nagawa si Ashmaria kundi ang sumunod sa binata. Sang-ayon din naman siya sa binata na hindi bumalik sa village lalo na at magulo ang utak niya. Siguro kailangan niya nang ibang lugar para makapag-isip. Tinawagan ni Achellion si Valeria at sinabing kasama na niya ang dalaga at babalik sa village pagkatapos nang misyon nito. Sinabi din ni Achellion na isasama niya si Ashmaria dahil wala na itong oras na ihatid ang dalaga sa Village. Sa buong biyahe papunta sa probinsya kung saan ang misyon nila Achellion. Nakatulog lang si Ashmaria. Nagising lang siya nang maramdaman ang kakaibang aura sa paligid at ang paninindig nang balahibo niya. Nang maramdaman iyon, Bigla siyang umayos nang pagkakaupo at napatingin sa paligid. Doon niya napansin ang kulay nang paligid at nang kalangitan. Malapit nang magtakip silim. Sa naalala niya, maaga pa silang umalis. At ngayon, malapit nang magdilim at nasa daan pa sila. Napansin di ni Ashmaria na tila alerto ang mga tauhan ni Achellion. Napatingin si Ashmaria sa Himpapawid. Hindi niya maiwasang hindi mabighani sa naghahalong kahel at rosas na kalangitan na tila nag-aalab na silahis ng araw. May pagkakataon ding lumulubog sa malamyang lilang at bughaw, nagiging misteryoso at mapanatag, parang yakap ng gabi na unti-unting bumabalot sa mundo. Sa ilang sandali, ang sinag nang araw ay kumakalat na parang ginintuang silahis hinahaplos ang mga ulap na tila nasusunog sad ulo ng tanawin. Pero ang tanawin na iyon, bagama’t maganda at nagbibigay nang kakaibang kilabot kay Ashmaria. “Bakit?” Tanong ni Achellion nang mapansing napahawak si Ashmaria sa kamay nito. “Nararamdaman mo rin ba?” Tanong nang binata dahilan para mapatingin si Ashmaria sa binata. Anong sinasabi nitong nararamdaman niya? Ibig bang sabihin nakakaramdam din ang kilabot si Achellion? Hindi naman siya magtataka isang Alpha si Achellion. At ang lugar na iyon talagang kakaiba ang ibinibigay na takot sa kanya. At napapansin niyang hindi lang siya ang nakakaramdam noon maging ang mga kasamahan ni Achellion. Alerto ang mga ito na para bang alam nilang may kakaiba sa paligid. At hindi niya maipaliwanag kung ano iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD