Nakaraan at Kasalukuyan

1159 Words
“Kilala mo sila?” tanong ni Achellion kay Ashmaria na napatingin sa dalaga nang makitang natigilan ito habang nakatingin sa binata at dalagang nakasalubong nila. Napansin din ni Achellion na napatingin ang binata sa kamay niyang hawak ang kamay ni Ashmaria. Nang mapansin ni Ashmaria na napatingin si Zion sa kamay niyang hawak ni Achellion pasimple niyang binawi ang kamay sa binata. “Sino naman yang kasama mo? Sundalo? Bakit nahuli ka ba?” natatawang wika ni Selena sa dalaga. Lihim na napakuyom na kamao lang si Ashmaria dahil sa sinabi ni Selena. “Sino siya? Bakit may kasama kang sundalo? May nangyari ba saiyo?” Tanong ni Zion. Napatingin naman na may pagtataka si Ashmaria kay Zion. Bakit parang sa boses nito nag-aalala ito sa kanya? Dahil ba sa may kasama siyang sundalo? Kung nag-aalala pala ito sa kanya bakit naman siya nito pinaalis sa Pack nila. Ni hindi niya nagawang magpaliwanag sa nangyari. O depensahan man lang niya ang sarili niya. Ni hindi na niya nagawang ipagtanggol ang sarili niya. “Anong pinaggagawa mo nang umalis ka sa pack? Bakit sundalo ang kasama mo?” tanong ni Zion. “Wala akong ginagawa. At masama bang sundalo ang kasama ko?” Inis na wika nang dalaga. “You were marked by an unknown Alpha. At ngayon naging palaboy kana. Kaya ka siguro may kasamang sundalo para dalhin ka sa lugar-----” “Shut it Selena!” biglang wika nang dalaga. “Gusto mo bang maging writer? Galing mong gumawa nang kwento. At para lang sa kaalaman mo. He is not an unknown alpha. I was marked yes. Pero anong masama doon?” gigil na wika nang dalaga. “Oh, I get it. Sila ang mga dating kasama mo sa dati mong pack?” ani Achellion na humarap sa dalaga. “Sasama ka ba pabalik sa kanila?” Tanong nang binata. “She is no longer welcome there.” Wika ni Selena. “Kung ako saiyo. Hanapin mo ang Alpha na nagmarka saiyo. Kung may gusto kang sisishin sa nangyari saiyo. Siya yun. At ang pagiging pabaya mo.” “Hindi mo kailangang makinig sa kanila.” Wika ni Achellion na muling hinawakan ang kamay nang dalaga dahilan para mapatingin si Ashmaria sa binata. “Nagugutom na ako. Tayo na.” wika ni Achellion na bahagyang pinisil ang kamay nang dalaga. Dahilan naman para mapatingin si Ashmaria sa kamay niya. Ang pisil na iyon parang sinasabi sa kanya ni Achellion na okay lang ang lahat. Simple namang ngumit ang dalaga saka tumango. “Sandali nga.” Wika ni Zion na hinawakan ang braso ni Achellion nang dumaan sila sa harap nang dalawa. Napatingin ai Achellion sa kamay ni Zion na may hawak sa kanya. Nang hawakan ni Zion ang braso niya. Agad na naramdaman ni Achellion ang lakas nang binata. Hindi maipagkakaila ang lakad nito bilang isang Alpha. Napatingin siya sa kamay Zion saka tumingin nang derecho sa binata. “Bitaw.” Mariing wika nang binata ngunit hindi agad na nakinig si Zion sa kanya. “Hindi ko gustong hinahawakan ako.” Wika ni Achellion na inagaw ang kamay braso mula kay Zion. “Sino ka ba? Bakit kung umasta ka pwede mong pasunurin si Ashmaria sayo.” “Hindi ko kailangan ipakilala ang sarili saiyo. At kung anong trato ko sa kanya.” wika nang binata. “Pinaalis na siya sa pack niyo. Kung ano mang gusto niyang gawin at kung sino ang gusto niyang Samahan sa palagay ko wala ka na ring pakiaalam doon.” Wika ni Achellion saka humarap sa dalaga. “May sasabihin ka pa ba sa kanila? Pwede kitang iwan dito.” Anang binata sa dalaga. Hindi naman agad nakapagsalita si Ashmaria. May mga bagay siyang gustong sabihin kay Zion. Pero sa palagay ni Ashmaria hindi tama ang lugar na iyon. “Wala na akong sasabihin.” Wika ni Ashmaria. “Then let’s go.” Anang binata at nagpatiunang maglakad. Agad naman sumunod ang dalaga sa binata nang hindi lumingon kay Zion. Napalingon lang si Zion sa dalaga. Hindi niya maintindihan pero bigla siyang nainis nang makitang kasama ni Ashmaria ang sundalong iyon. “Ayaw mo bang kumain?” Tanong ni Achellion kay Ashmaria nang mapansing hindi ginagalaw ni Ashmaria ang pagkain sa harap niya. Malayo ang iniisip nito at kung hindi niya nagkakamali ang mga nakasalubong nila ang naging dahilan kung bakit malayo ang tinatakbo nang utak nito. “So, nang sabihin mong ako ang dahilan nang pagpapaalis saiyo sa pack niyo ay tungkol sa marka----” “I was not lying.” Wika ni Ashmaria saka napahawak sa kamay niya nang mahigpit. “I was supposed to be the luna of my pack. Pinaghandaan ko iyon simula nang bata pa ako. Pero sa isang iglap naglaho lahat nang iyon.” Wika ni Ashmaria. “Ang Nakita natin kanina, That was Alpha Zion. Ang Alpha nang Sirius pack. I was training to become his luna. Simula nang bata pa ako wala na akong ibang pinangarap kundi ang maging Luna niya. Pero tingnan mo naman ang nangyari ngayon. Dahil sa isang markang hindi ko naman ginusto hindi lang ang pagiging luna ang Nawala sa akin. Maging ang pamilya ko at ang pack ko. Ngayon, isa nalang -----” “Nagse-self pity ka ba?” wika nang binata saka napatingin sa dalaga. “Hindi ko alam na hindi lang pala height mo ang maliit saiyo. Maging ang tiwala mo sa sarili mo.” Anang binata. “Anong-----” ani Ashmaria saka tumingin sa binata. Ito siya at nakakaramdam nang awa sa sarili niya pero ang mga salitang naririnig niya mula kay Achellion ay hindi naman mga salitang magko-comfort sa kanya. “Ang pagiging luna lang ba niya ang pangarap mo? Katapusan na ba nang mundo mo dahil lang sa hindi ka naging Luna nang isang gaya niya. Kung ako ang tatanungin no. Nangyari ang bagay na iyon dahil may ibang plano ang tadhana. Hindi siguro ako katulad nang Alpha Zion mo. But one thing is for sure. Hindi ako ang tipo na basta-basta ipapadala sa exile ang itinuturing kung pamilya dahil sa isang pagkakamali.” Wika pa nang binata sa dalaga. “Kesa mag isip ka diyan nang kung ano-ano at patuloy na mag self pity. Kumain ka nalang. Kailangan kong bumalik sa base dahil kailangan kung maghanda para sa misyon ko.” Wika nang binata kay Ashmaria. “Wala ka bang alam sa pagcomfort -----” “Anong gusto mong sabihin ko?” anang binata sa dalaga. “Anong gusto mong marinig sa ‘kin? Wala salitang makapagpapagaan sa kalooban mo hangga’t iniisip mong isang sumpa ang nangyari saiyo. Kung hihingi din ako nang sorry iisipin mong hindi bukal sa loob mo. Kaya, Mabuti pa kumain kana.” Wika ni Achellion. “Alam ko namang sundalo ka. Pero dapat bang ganyan ka magcomfort.” “Kulit, hindi kita kino-comfort.” Mabilis na wika nang binata. Napasimangot lang ang dalaga sa sinabi nang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD