Sa Lilim ng Asul na Mga Mata

1395 Words
Napatingala ang dalaga kay Achellion. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa nilalang sa likod niya. Habang nakatingin sa mga mata nang binata hindi niya maiwasang hindi mapaisip. Kung anong klaseng Alpha si Achellion. His eyes, glowing with a striking sapphire hue, would command presence like an untamed force of nature. Parang ang daming hiwagang bumabalot sa pagkatao ni Achellion. “Begone!” mariing sabi nang binata habang nakatingin sa sa nilalang sa likod niya. “Hindi ko na uulitin ang sasabihin ko. Unless, gusto mong dito na matapos ang buhay mo.” Wika nang binata saka marahang itinaas ang kamay at itinutok sa nilalang sa likod niya. Biglang nakaramdaman nang matinding pwersa sa paligid at unti-unting lumalakas ang ihip nang hangin. “Ah.” Biglang daing nang dalaga sabay hawak sa likod nang balikat niyang may marka ni Achellion. Biglang tila nakaramdam siya nang matinding kirot doon. Kirot na parang pinaghalong init parang tinutusok nang kutsilyo. Mariing napapikit ang dalaga dahil sa labis na sakit sabay hawak nang isang kamay sa braso nang binata. Nang mapansin nang binata ang biglang paghawak nang dalaga sa braso niya. Doon lang tila nabaling ang atensyon nang binata saka napatingin sa dalaga. Halos namumutla na ito sa labis na sakit na nararamdaman. Nang makita iyon. Dahan-dahang ibinaba nang binata at kamay niya. Unti-unti ring humina ang malakas na pwersa sa paligid. Ang nilalang naman na nasa harap nila ay nakatingin parin sa binata. Napangisi ito nang maramdaman na humina ang enerhiya sa paligid. Akmang lalapit ito nang biglang natigilan ang nilalang at napahawak sa leeg niya para itong nahihirapang huminga. Napatingin ang nanlilisik na pulang mata nito sa binata at ganoon nalang ang gimbal nito nang makita ang nanlilisik na sapphire na mata nang binata na nakatingin sa kanya. “Masyado kang maiinit. Magpalamig ka muna.” Wika nang binata kasunod ang unti-unting paglabas nang tila usok sa bibig nang nilalang nakakaramdam din ito nang lamig sa buong katawan dahilan para tila halos makita ang hangin na ibinubuga nang bibig nito. "You ignored my warning, and now you face the consequences.” Mariing wika nang binata. Ikinuyom nang binata ang kamay niya kasabay ang biglang paglaho nang nilalang na parang nag evaporate na hangin. “Ha!” napasinghal na wika ni Ashmaria sabay tila nawalan nang lakas sa tuhod at akmang napaluhod. Ngunit hindi siya tuluyang napaluhod nang bigla siyang saluhin nang binata. “Hey. What happened? May masakit ba saiyo?” Nag-aalalang wika nang binata. Napansin niya ang namumutlang mukha nang dalaga habang tila may iniinda. Napansin din niya ang mariing pagkakahawak nito sa balikat. “Patingin.” Wika nang binata at akmang hahawiin ang kamay nang dalaga sa pagkakahawak nito sa balikat. “A-anong ginagawa mo?” Tanong ni Ashmaria na tumingin sa binata at hinwakan ang kamay nang binata para pigilan ito sa gustong gawin. Napatingin siya nang derecho sa mukha nang binata. Nang mga sandaling iyon bumalik na sa normal ang kulay nang mata Ni Achellion at nawalan na rin ang malakas na enerhiya sa paligid at unti-unti nang humuhupa ang kirot sa likod nang balikat niya. “Namimilipit ka sa sakit, let me check what’s wrong.” Wika nang binata at tinanggal ang kamay nang dalaga sa pagkakahawak sa kamay niya sabay bahagyang hawi sa damit niya sa bandang balikat. Biglang natigilan ang binata nang makita ang rune mark na umiilaw nang kulay asul sa likod nang balikat nang dalaga. “Perv---” wika niya nang dalaga na buong lakas na itinulak ang binata saka inayos ang damit. Napaawang naman ang labi ni Achellion nang marinig ang sinabi nang dalaga. “Perv?” wika nang dalaga na hindi makapaniwala sa narinig. “Anong tawag mo sa ginawa mo? Dito pa sa harap nang maraming ta----” wika nang dalaga na napatingin sa piligid at doon lang niya napansin na tila nakahinto ang lahat. Walang gumagalaw maging ang counter sa traffic light. Ang mga sasakyan sa paligid at ang mga tumatawid sa pedestrian. Taka siyang napatingin kay Achellion. “Tumayo kana. Wala ka namang balak maupo nalang diyan diba?” wika nang binata na binalewala ang mga tingin nang dalaga saka inalalayan itong tumayo. “Bakit ganyan sila? Anong nangyari?” tanong nang dalaga saka tumingin sa binata. Nakatingin lang si Achellion sa dalaga. Mukhang nakalimutan na nito ang nangyari at natuon sa iba ang atensyon. “Come here.” Wika nang binata saka hinawakan ang dalaga sa kamay saka hinatak patungo sa gilid nang pedestrian. Ilang sandali pa muling gumalaw ang lahat. Lalo namang napatingin sa paligid ang dalaga. Saka takang napatingin kay Achellion. Ngayon lang siya nakakita nang Alpha na kayag pahintuin ang takbo nan goras. Malakas si Zion. Pero wala siyang ganoong kapangyarihan. “Paano mo nagawa yun?” tanong nang dalaga sa binata. “Hindi mo na kailangang malaman. Most importantly, Bakit ka nandito? Bakit hindi ka sumama kay Alpha Valeria? Mukha yatang habulin ka nang mga tulad nila.” Wika nang binata sa dalaga. “Tulad nila?” takang tanong nang dalaga. “Hindi mo alam? Ngayon ka lang naka encounter nang mga yun? Una noong gabing sinalakay ang manor nang Valerion---” biglang natigilan ang binata at hindi na itinuloy ang sasabihin. “Saka ko na ipapaliwanag. Sa ngayon kailangan mo nang bumalik sa village.” Wika nang binata. “Tatawagan ko si Nolan para sunduin----” “Ayoko munang bumalik.” Wika ng dalaga na dahilan para maputol ang sasabihin nang binata. “Hindi ka babalik? Saan ka pupunta? Hindi kita pwedeng Samahan. May misyon ako at kaya mo bang mag-isa?” Tanong nang binata. “Ano namang tanong yan. Kaya ko ang sarili ko. Hindi naman-----” putol na wika nang dalaga na natigilan sabay tingin sa binata na pinasadahan siya nang tingin mula ulo hanggang paa dahilan para tila may boltahe nang kuryente nan dumaloy sa katawan niya at nailing siya. “Perv.. Bakit ka ganyang----” nag-aalalangang wika nang dalaga saka napaatras. “Relax, Hindi kita pagnanasahan. Ngayon ko lang napagtanto na nakapaliit mop ala. Sa liit mo pwede kitang isilid sa bulsa ko.” Anang binata saka napangiti. Napaawang naman ang labi nang dalaga dahil sa narinig. Si Achellion ang kauna-unahang taong nagsabi sa kanya na maliit siya. Siguro nga hindi siya katangkaran. Pero hindi naman siya maliit. Baka tangkad lang Talaga ito kaya maliit ang tingin nito sa kanya. “Ngayon ko lang napansin. May dimples ka pala?” wika nang dalaga habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Achellion na sa unang pagkakataon Nakita niya ang dimples nito. At nang sabihin iyon nang dalaga bigla namang Nawala ang ngiti sa mukha nang binata. “Tayo na liit.” Wika nang binata sa nagpatiunang maglakad. “Ha? Saan?” Aligagang wika nang dalaga at sumunod sa binata. “Teka bakit ka ba nag mamadali? Bakit bigla kang sumeryoso? Totoo naman ang sinabi ko. Ngayon ko lang napansin ang dimples mo. Mas bagay saiyo ang nakangiti kesa seryoso at nakakunot ang noo. Alam mo bang nakakatakot ang ---- Aw!” wika nang dalaga na biglang napahinto at nasapo ang noo niya nang bigla siyang tumama sa likod nang binata. “Bakit ba bigla kang humihinto.”reklamo nang dalaga habang sapo ang noo niya. “Hindi ka lang maliit madaldal ka pa.” wika nang binata na biglang humarap. “Madaldal?” Hindi makapaniwalang wika nang dalaga at tumingin sa binata. “Samahan mo ‘kong kumain. Liit.” Wika nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga at inakay. “Samahan kang kumain?” “Oo, nagutom ako kakahanap saiyo. Plus ang nilalang na yun, inubos niya ang enerhiya ko, hindi ako sanay na ginagamit ko ang kapangyarihan ko. Kailangan kong kumain para mabawi ang lakas ko dahil may misyon ako.” “Sasamahan kitang kumain. Pero pwede bang huwag mo ‘kong tawagin liit. May pangalan naman ako. At saka hindi ako maliit.” Reklamo nang dalaga habang sumusunod nang paglakad sa binata pero bigla siyang natigilan sa paglalakad nang makita ang nakasalubong nila. Dahil sa biglang paghinto nang dalaga napahinto din si Achellion at takang napatingin sa dalaga. “Bakit liit?” tanong nang binata. Nang makitang nakatingin sa unahan nila ang dalaga taka siyang napatingin sa kung saan nakatuon ang atensyon nang dalaga. Natigilan siya nang makita ang nasa harap nila. Sila marahil nag dahilan kung bakit natigilan si Ashmaria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD