“Tatawagan kita mamaya.” Wika ni Achellion kay Astrid sa kabilang linya. Papatayin na sana niya ang Cell phone niya ngunit biglang nagsalita si Astrid.
“Saan mo naman siya hahanapin? At bakit mo pa siya pag-aaksayan nang panahon. Bagong kilala mo lang siya. It’s not like she is your mate or some----” biglang naputol ang sasabihin ni Astrid. Maging si Achellion ay natigilan din. At ang pananahimik ni Achellion ang nagbigay kay Astrid nang ideya sa bagay na ayaw niyang isipin. Dahil matagal na niyang gustong siya ang maging fated mate ni Achellion. Alam niyang impossible given what Achellion is. Hindi lang siya isang ordinaryong Alpha. He is different far more superior than any other Alpha.
“She is not your mate, is she?” Tanong ni Astrid.
“Let’s talk about it. Pagbalik ko. Sa ngayon-----”
“No!” wika ni Astrid. “I will not wait. Tell me the truth. Dinala mo siya sa village dahil siya ang mate mo? How could she be? Is that even possible?” Tanong ni Astrid.
“Hindi ko rin alam kung papaanong nangyari. Gustuhin ko mang magpaliwanag. Hindi ko rin magagawang ipaliwanag nang maayos. Dahil ako din hindi ko alam ang nangyari. But it’s not important right now. I need to find her.” Wika ni Achellion.
“You’re unbelievable.” Wika ni Astrid.
“Later. I will let you scold me about that later. But for now. I have to find her. I’ll talk to you later.” Wika pa ni Achellion saka pinatay ang tawag nila ni Astrid saka tinawagan ang number sa cell phone niyang ibinigay niya kay Ashmaria ngunit kahit ilang ulit niyang tawagan ang number niya hindi niya iyon matagawan. Sinubukan din niyang e-locate ang cell phone gamit ang GPS para matunton ang dalaga.
Nang sumama si Ashmaria kay Valeria para magpunta sa syudad, Nakita niya si Zion at si Selena sa isang tindahan sa mall. Hindi man niya gustong magpakita sa kanila ngunit napansin ni Ashmaria na tila malapit sina Zion at Selena. Si Selena, ang isa sa malalakas na She wolf sa Pack nila. At kung hindi pa siya ang anak ni Alpha Cassian baka si Selena na ang pinili ni Zion na maging luna nito. At ngayon habang nakatingin siya sa dalawa na malapit at tila ba, espesyal ang pagtangi ni Zion sa dalaga. Biglang may kirot sa dibdib niya. Siya dapat ang nasa posisyon ni Selena. She is supposed to be the Luna of their pack.
“Ashmaria.” Wika ni Selena nang makasalubong sa labas nang tindahan ang dalaga. Maging si Zion ay nagulat din nang makita ang dating kasintahan. Pero makikita ni Ashmaria sa mata nito na para bang wala na itong pakiaalam sa kanya. Maaaring nabigla ito dahil hindi nito inaasahan na makikita ang dalaga sa mall.
“Zion----”
“Zion?” Tanong ni Selena. “Hindi mo siya basta-basta pwedeng tawaging Zion. She is Alpha Zion to you. Anong ginagawa mo sa lugar na ito? Can you afford----” biglang natigilang wika ni Selena nang isang matalim na tingin ang pinukol ni Ashmaria sa dalaga. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Selena na sa kanilang dalawa superior ang kakayahan niya. She was training to become a Luna since she was little. At kung kapangyarihan ang pag-uusapan. Mas malakas naman siya kay Selena. That’s why she is the number one candidate sa pagiging Luna.
“What are you doing here? Sinusundan mo ba ako? Akala ko ba malinaw na saiyo na hindi -----”
“Don’t think highly of yourself. Nagkataon lang na Nakita ko kayo dito. I am curious. Is she going to be my replacement?” tanong nang dalaga saka makahulugang tumingin kay Selena. Napansin naman ni Selena ang tingin nang dalaga. Para bang sinasabi nitong hindi kayang pantayan ni Selena ang abilidad ni Ashmaria.
“Kung pipili ka nalang naman nang Kapalit ko bilang isang luna, Sana naman yung kayang pantayan ang kakayahan. Sirius pack is known for its skilled warrior. But her as your ------”
“Huwag mong sabihing, Umaasa kang magiging luna ka pa rin sa kabila nang dungis mo. Sorry to say this Honey. But, Sirius pack is not accepting luna who is tainted by another Alpha. And an unknown Alpha to begin with. Alam mo ba kung anong pack siya namumuno? Is he more powerful than Zion? Course he is not. Because Zion is the strongest Alpha there is. Even the Alpha king recognizes his ability.” Wika ni Selena.
“Stop, thinking that you are still the so called luna to be of Sirius. Dahil hindi na mangyayari iyon. Wala ka nang Karapatan na maging Luna.” Wika ni Selena. Napakuyom lang nang kamao si Ashmaria habang pinipigilan ang sarili na hindi magalit.
“Let’s go Selena.” Wika ni Zion na hinwakang sa likod niya si Selena at inakay papalayo.
Tangkang hahabulin nang dalaga si Zion ngunit hindi na niya iyon nagawa. Napakagat labi nalang ang dalaga. Ganoon ba siya kadaling kinalimutan ni Zion? Para namang Sinadya niyang mamamarkahan nang isang Alpha na hindi niya kilala? Kung layuan siya nito para bang wala silang pinagsamahan.
Dahil sa nangyaring tagpong iyon. Tila wala sa sarili ang dalaga. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nakalimutan din niyang kasama niya si Alpha Valeria. Habang naglalakad siya. Napahinto siya sa harap nang isang pedestrian, habang naghihintay na magbago ang traffic light para makatawid. Naglalakad siya pero hindi naman niya alam kung saan siya pupunta. Walang laman ang isip niya. She is walking like dead and with no direction.
Nang magbago ang traffic light nagsimulang humakbang ang dalaga para tumawid. Ngunit bigla siyang natigilan nang sa unahan niya Nakita niya ang isang lalaki. Ang nakapagpatigil sa kanya ay ang nanlilisik at pulang mat anito na nakatingin sa kanya. Bigla siyang nabato mula sa kinatatayuan niya. Gusto niyang kumilos pero hindi niya magawang igalaw ang katawan niya. Parang may kung anong kapangyarihan ang pumipigil sa kanya na kumilos. Nakita niyang papalapit sa kanya ang nilalang na tila lumulutang habang nakangisi at nanlilisik ang pulang mata. Hindi naman bago sa kanya ang makakita nang ganoong mga mata. Wolf has those eyes too. Pero nang mga sandaling iyon. Kakaiba ang dala sa kanya nang mga matang iyon. Hindi siya makakilos kahit na gusto niya. Ayaw sumunod nang katawan niya. Nakikita lang niya ang nilalang na papalapit sa kanya. ang lalo pa siyang nahintakutan nang biglang nilabas nang nilalang ang dila na niya. Na parang dila nang isang ahas na may hat isa gitna. Habang nakatingin siya dito Nakita niyang humahaba ito at parang patungo sa direksyon niya.
Somebody--- please help me. Helpless na wika ang isip nang dalaga. Hindi siya makakilos na parang nasa ilalim nang isang salamagka all she can do is to ask to help. Pero sino naman ang tutulong sa kanya?
“When will you stop being a runaway.” Wika nang isang pamilyar na boses kasabay ang paghila nito sa braso nang dalaga dahilan para mapapihit si Ashmaria paharap sa may-ari nang boses. Nang mapaharap siya sa may-ari nang kamay agad niyang Nakita ang uniporme nang sundalo. Nang makita ang uniporme. Agad siyang napatingala. Ganoon na lamang ang relief niya nang makilala si Achellion.
Saktong pagtingala nang dalaga, bigla namang bumagsak sa harap niya ang isang matingkad na balahibo. Just like what happen noong makita niya ang lalaking nakatayo sa ibabaw nang bangin.
“It’s a good thing, we are bonded.” Wika ni Achellion saka tumingin nang derecho sa dalaga. Nakatingin lang si Ashmaria sa silver nitong mga mata.
“Achellion—There’s-----” anang dalaga at akmang lilingonin ang nilalang sa likod niya pero biglang pinigilan nang binata ang paglingo niya. Hinawakan nito ang pisngi niya stopping her from turning her head.
"Don't even think about looking at anyone else—your eyes are meant for me and me alone. Stay close, stay mine." Wika nang binata. Dahil sa sinabi nang binata bigla namang napatingala si Ashmaria. Ganoon na lamang ang gulat nang dalaga nang biglang ang Silver na mga mata nang binata at nagbago at naging Striking Blue with shades of gold. Those eyes that she saw, that night that Achellion Marked her.
His eyes were a breathtaking swirl of sapphire and gold, like sunlit waves kissed by the morning light.
“Brave to show your face in broad daylight. HInahanap mo ba ang kamatayan mo?” wika ni Achellion na nakatingin nang derecho sa nilalang. Muli sanang magtatangkang humarap si Ashmaria sa likod niya pero muling pinigilan ni Achellion ang mukha niya.
“Eyes on me. Runaway Luna.” Wika nang binata saka tumingin sa kanya. tila pigil ang hininga ni Ashmaria nang sinalubong nang binata ang mga tingin niya.