Habang tuwang-tuwa si Ashmaria na pagmasdan ang mga sanggol. Saka namang pagdating nang binatang nagligtas sa mag-ina sa bus. Biglang natigilan ang binata nang Makita ang dalagang tila isang batang nakatingin sa mga sanggol sa nursery. He was captivated by her innocent smile. At hindi lang iyon. Bigla din siyang natigilan nang makita ang pulang sa kamay niya at ang kadugtong nito ay nasa dalaga. Hindi niya maintindihan. Ito ang unang beses na nangyari iyon.
“Aw!” daing nang dalaga saka napahawak sa balikat niyang may marka nang Alpha. Mula sa gilid nang mga mata niya bigla niyang napansin ang isang bulto nang katawan dahilan para mapatingin siya dito. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang Binatang nakatayo sa di kalayuan at tila nakatingin sa kanya.
Ilang sandaling nakatinginan ang dalawa. Nang mga sandaling iyon. Alam ni Ashmaria na marami siyang gustong sabihin sa lalaki lalo na ang isumbat ang ginawa nito dahilan para mawalan siya nang tirahan at pamilya. Pero habang nakatingin siya sa mga mata nang binata hindi niya makuhang magsalita. Nakapako lang sa mat anito ang mga mata niya. Hanggang sa napansin niyang ang binata ang unang kumilos at naglakad papalapit sa kanya.
“Hey. Have we meet before?” tanong nang binata nang makalapit sa dalaga pero hindi agad sumagot ang dalaga at nakatingin lang ito sa binata. Napansin naman nang binata na hindi naaalis sa kanya ang mga mata nang dalaga.
“Sorry, I think masyado akong naging----” biglang naputol ang sasabihin nang binata nang biglang isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa paligid ang sampal na iyon ay mula sa dalaga. Taka namang napatingin ang binata dahil sa ginawa nang dalaga. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari at kung bakit bigla siya nitong sinampal. Wala naman siyang naaalalang naging atraso niya dito.
“Hey! What’s that for?” Tanging nasabi nang binata dahil sa labis na gulat sa nangyari.
“What’s that for? Hoy Mister. Huwag mong sabihing bigla kang na amnesia. Hindi mo ba ako nakikilala?” Asik nang dalaga habang nakakuyom ang kamao dahil sa labis na panggigil.
“Dapat ba kilala kita?” tanong nang binata.
Napaawang ang labi ni Ashmaria dahil sa hindi makapaniwala sa narinig mula sa binata.
“Ako ba niloloko? Magpapanggap ka bang hindi mo ako kilala? Pagkatapos nang ginawa mo? Alam mo ba angyari sa akin? I lost everything. It’s all because of you and your----- Masyado kang pangahas!” wika nang dalaga. Lalo namang naguluhan ang binata dahil sa sinabi nang dalaga. Wala naman siyang naaalalang kasalanan niya sa dalagang ito.
“Wait. Sa palagay ko nagkakamali ka. Nagkita na ba tayo? Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang galit mo-----”
“Playing oblivious, are we.”
“What?” Biglang napabuntong hininga ang dalaga.
“I can’t lament on spoiled milk, can I? So now Mister. How will you take responsibility? I lost my home. I was disowned by my father and was exiled from my Pack. I am no longer fit to be the Luna of my pack. I have no place to go. And that’s all because of you.” bulalas nang dalaga. Napaawang lang ang binata dahil sa labis na gulat. Mag sasalita sana siya pero bigla niyang narinig ang pagtawag sa kanya nang isa lalaki.
“Sir!” nagmamadaling wika nang isang binata habang papalapit sa binatang nasa nursery. Nang marinig nito ang boses nang lalaki at agad itong napatingin. Maging ang dalagang kausap nito ay napatingin din sa bagong dating.
“Huwag ka ngang tumakbo.” Saway nang binata sa bagong dating. “Ano bang nangyari?” Tanong nang binata.
“Ipinapatawag kayo ni Chief. Kailangan daw nang back up nang kabilang grupo may isang banko daw na hinold -up.” Wika nang lalaki saka iniabot sa binata ang isang ear piece. Agad naman kinuha nang binata ang earpiece at saka inilagay sa tenga niya saka nagmamadaling lumabas. Nakatingin lang si Ashmaria sa binata. Mukhang alam na niya kung ano ang trabaho nang lalaki itong.
“Teka.” Wika ni Ashmaria at hinawakan ang braso nang binata nang akmang aalis ito kasama ang tauhan. Nang maramdaman nang binata ang paghawak nang dalaga sa braso niya agad siyang napatingin dito. Sabay pa silang natigilan nang makita ang pulang tali na sumisimbola nang mate bond na nakapulupot sa mga kamay nila. Sakabay noon, nahulog ang isang matingkad na balahibo sa kamay nila.
Sa gulat sabay pa silang nagkatinginan sa isa’t-isa. Agad namang binitawan ni Ashmaria ang kamay nang lalaki. Alam niya ang tungkol sa pulang taling iyon. Dahil matagal na niyang inaasam na silang dalawa ni Zion ang fated mates. Pero hindi, dahil ang lalaking Alpha na ito na nasa harap niya ang kanyang fated mate. At anong ibig sabihin nang matingkad na balahibong bumagsak sa mga kamay nila?
“Sir, Kailangan na nating umalis.” Wika nang sundalo sa binata.
“In a minute.” Wika nang binata na hindi naaalis ang tingin sa dalaga. “What was it just now? Does it mean----”
“Whatever it is. I am your responsibility now. At hindi ako papayag na iwan mo dito basta-basta. Sabi ko kanina wala na akong mapupuntahan so you have to take responsibility. Ikaw din naman ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.” Wika nang dalaga. She may sound pitiful at this time. Pero ano namang pagpipilian niya? Wala siyang mapupuntahan. At kung hindi niya kakapalan ang mukha niya sa kalsada siya matutulog.
Ang sandalo naman na nakatingin sa kanilang dalawa ay naguguluhan din sa nakikita at kung nagtataka kung sino ang dalagang ito at bakit sinasabi nitong responsbilidad siya nang kanilang commanding officer.
“Alam mo wala akong oras----”
“Same here. At hindi ako papayag na iwan mo ako dito. Malay ko ba kung saan ka nakatira at paano kita ulit makikita? So, sasama ako saiyo.” Deklara nang dalaga.
“Anong sabi mo?” gulat na bulalas nang binata. “Look Miss, Hindi ko alam kung anong problema mo sa buhay. But I am busy.”
“Ikaw ang problema ko, Ikaw ang nagdala nang problema sa buhay ko. So you have to take full responsibility. And I think you are not oblivious of our connection. You saw it. And you are the reason why it happen. Pananagutan mo na ako simula ngayon.” Anang dalaga.
“So, Saan tayo pupunta?” tanong nang dalaga saka bumaling sa sundalo. Na tila naguguluhan sa mga nangyari. Hindi naman makapaniwalang napatingin ang binata sa dalaga.
“May nangyayaring isang bank robbery. At kailangan si Captain.” Sagot nang sundalo sa dalaga.
Napapailing lang ang binata dahil sa mga narinig, At dahil sa wala siyang magagawa para pigilan ang dalaga at gusto rin niyang malaman kung anong koneksyon niya dito kaya naman isinama na niya ang dalaga sa pupuntahan nila. Pero binilin niya sa sundalo na huwag iiwan ang dalaga at sinabi din niya sa dalaga na huwag lalayo sa sundalo.
Dumating naman dalawang binata sa harap nang isang banko kung saan nakaparada ang mga police Car at ilang SWAT at nasa paligid at naka standby. Nilapitan nang binata ang isang binatang nakasout nang SWAT Gear.
“Fill me in.” wika nang binata nang lumapit sa lalaki. Nang marinig nito ang nagsalita agad namang nilingon nang lalaki ang binata. Nang makilala nito ang binata agad itong sumaludo saka sinabi ang sitwasyon ditto. Naikwento din nang SWAT na humihingi ang mga ito nang isang Opisyal nang pulis bilang pampalit sa mga hostage.
“Bakit daw nila kailangan nang Opisyal?” Tanong nang binata.
“Ticket nila upang malayang makaalis sa lugar na ito at tiyaking hindi sila susundan nang mga police.” Paliwanag nang lalaki.
“Send me in.” wika nang binata.
“Ho?!” gulantang na wika nang SWAT maging ang kasama nang Binatang Kapitan ay na bigla din sa kanyang sinabi. Maging si Ashmaria na nasa di kalayuan na binabantayan nang sundalo ay nabigla din.
“Ano siya? Nagpapakamatay ba siya? O talagang malaki lang ang tiwala niya sa sarili niya.” Gulat na bulalas ni Ashmaria dahil sa narinig na sinabi nang binata.
“There is no better choice than me. Sabihin niyong ang anak nang Police General ang magiging pampalit sa mga bihag sa loob nang banko.” Wika nang binata.
“Huwag naman kayong magbiro nang ganyan. Kapag nalaman ito ni General tiyak na----”
“I will be the one to answer to him. Mas mahalaga ang buhay nang mga tao sa loob. They have already killed one of the Security guard. Maghihintay pa ba tayong isa pang inosenteng buhay ang kunin nila?” Wika nang binata saka tumitig nang derecho sa lalaki. Nang tila hindi naman ata siya mananalo sa kahit anong rason sa binatang kapitan. Napabuntong hininga na lamang ang SWAT team leader saka bumaling sa kasama nang binata.