Kadena ng Kapalaran

1234 Words
Isang bus ang kasalukuyang nakahinto sa isang express way. Habang sa di kalayuan ay ang sasakyan nang mga police. Kasalukuyang hina-hijack ang Bus. Ang bus na ito ang galing sa isang probinsya patungo sa syudad. Lulan nang Bus ang 20 pasahero mula sa probinsya. Tatlo sa mga ito ay siyang mga hijacker. Kinuha nang mga lalaki ang mga wallet at alahas nang mga pasahero at sinabing papatayin sila kapag sinubukan nilang manlaban. “Anong gagawin natin ngayon? Napapalibutan tayo nang mga police.” Wika nang isang hijacker nang Makita ang mga police car sa harap at likod nila. “Hindi naman tayo aatakehin nang mga yan. May mga hawak tayong mga pasahero. Kargo nila kapag may nasaktan sa mga Pasahero.” Wika naman nang isa at naglakad sa unahan at tumabi sa driver. “Bakit?” Tanong nang isang binata sa isang buntis na katabi niya ba biglang humawak sa kanya. Napansin agad nang binata paghawak nang babae sa tiyan nito. Halata din sa mukha ang iniindang sakit. Sa noo nito makikita din ang butil nang pawis. Manganganak na siya! Wika ni Ashmaria na nasa kabilang bahagi nang inuupuan nang babaeng buntis. Sakay siya nang bus na iyon. Dahil sa pinalayas na siya nang papa niya sa bahay nila wala siyang ibang mapuntahan. Hindi niya alam kung saan pupunta Hindi rin naman siya makakabalik sa kanila kaya naman kahit walang direksyon kung saan papunta sumakay siya sa bus na iyon. Walang direskyon kung saan siya pupunta o kung saan siya magsisimulang hanapin ang sarili niya. She is alone and a packless luna. “Sandali.” Wika nang binata saka tinapik ang balikat nang babae saka tumayo. Napatingin naman si Ashmaria sa mabait na lalaki. Natuon din ang atensyon niya sa lalaki nang biglang sumakit ang balikat niyang may Marka nang di kilalang Alpha. At dahil sa pagguhit ang sakit doon. Napahawak sa balikat niya ang dalaga. “Bakit ka tumayo? Sinabi na naming huwag kayong gagalaw.” Asik nang lalaki nang Makita ang binata na naglakad patungo sa kanila. Nagulat pa ang lahat nang biglang tutukan nang lalaki ang binata nang baril. Ngunit, hindi manlang kinakitaan nang takot ang lalaki sa baril na nakatutok sa kanya. Napakislot naman si Ashmaria nang makita ang ginawa nang lalaki. Wala ba siyang pakiaalam kahit na baril ang nakatutok sa kanya? “Bumalik ka sa upuan mo!” asik nang leader nang mga hijacker saka naglakad patungo sa mga ito. “Kailangan niyong tumawag nang ambulansiya! Nasa panganib ang buhay nang mag-inang yun!” wika nang binata habang nakatingin nang derecho sa mga lalaki. Hindi maiwasan ni Ashmaria na hindi mamangha sa Binatang tinitingnan. Hindi naman nito kaano-ano ang babae ngunit isinugal nito ang kaligtasan upang kausapin ang mga lalaki. “Bakit namin gagawin yun? Mamaya ay pakana niyo lang yan para makatakas. At malay namin baka police ang dumating dito. Hindi pa kami nahihibang!” wika nang lalaki. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko!” asik nang binata. “Nasa panganib ang buhay nang babaeng iyon at ang ipinagbubuntis niya. Baka naman sa halip na Robbery lang ang kaso niyo gusto niyo pang madagdagan nang murder.” Wika nang binata, tila dagundong ang tinig nang binata hindi maiwasan ni Ashmaria na hindi mapatingin dito. Hindi maalis dito ang paningin niya. “Aba ang tapang mong magsalita. Baka gusto mong ikaw ang iuna ko sa lista.” Wika nito at itinutok ang baril sa ulo nito. Muling napakislot si Ashmaria nang makita ang ginawa nang lalaki habang nag binata naman ay hindi natinag sa kinatatayuan nito. Iniisip niya kung matapang ba ito o pangahas. Pangahas? Ulit nang isip ni Ashmaria saka biglang pumasok sa isip niya ang lalaking naging kanyang unang halik. Nakakuyom siya nang kamao dahil sa labis na inis. Hindi maalis ang galit sa loob niya dahil sa naalala. Dahil sa ginawang pagmarka nito sa kanya sinasadya man o hindi. Ito ang dahilan kaya siya tinakwil nang ama niya at pinalayas sa pack nila. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na natuloy ang kasal na matagal na niyang inaasam. Kapag Nakita niya ang lalaking iyon talagang makakatikim ito sa kanya. Iyon ang nasa isip niya. Naputol ang pag-iisip nang dalaga nang makita ang mga sumunod na nangyari. Lalong ikinagulat nang mga tao sa loob nang Bus, nang biglang hawakan nang binata ang baril nang lalaki at walag kahirap-hirap na inagaw ito at pinaghiwahiwalay ang bawat parte nito. Gulat na gulat ang mga lalaki sa ginawa nang binata. Sinugod nila ang binata ngunit, hindi sila nakapaghandang magaling palang makipaglaban ang lalaki. Isa-isang tumilapon sa labas nang bus ang mga lalaki mula sa windshield nang bus. Ginawang hudyat naman iyon nang mga pulis upang lumapit sa bus. Napatayo si Ashmaria sa kinauupuan niya nang makita ang nangyari lalo nan ang bigla nalang niyang napansin ang tila pagbabago nang kulay nang buhok nang lalaki. May mga Nakita siyang silver strand na parang highlights, gaya nang buhok nang Alphang nag marka sa kanya at dahil sa gulat bigla siyang napatayo. Nang makaakyat ang mga pulis sa bus, nagulat pa sila nang makita ang Binatang nakatayo doon. “S-Sir!” wika nito at nagkukumahog na sumaludo sa binata. “Tumawag ka nang ambulansya. Kailangan agad na madala sa Hospital ang buntis na iyon.” wika nang binata sa pulis saka nilingon ang babaeng buntis. “Yes, Sir.” Wika naman ito at agad na rumadyo sa mga kasamahan na magpadala nang ambulansya. Nang lumingon ang lalaki. Biglang tila pigil hiningang nakatingin si Ashmaria sa binata. Hindi niya masyadong maalala ang mukha nang lalaki. Pero hindi niya makakalimutan ang greyish eyes nito ata ang silver strand sa buhok nito. Lalong naging pigil ang paghinga niya nang lumingon ang lalaki bigla nalang may nahulog na matingkad na balahibo sa harap niya. Wala siyang ibang nagawa kundi ang tumingin sa lalaki habang tila nabato mula sa kinatatayuan. Nakita niyang naglakad papalapit ang binata pero hindi ito lumapit sa kanya bagkus ay sa babaeng buntis. “Kaya mo pa bang indahin ang sakit? Paparating na ang ambulansya.” Masuyong wika nito sa babae. Nang marinig ni Ashmaria ang sinabi nang binata napatingin siya sa binata. INiisp niya kung ang Binatang ito ba ang Alphang nag Marka sa kanya. Pero bakit hindi niya maramdaman ang presensya nang Alpha nang mga sandaling iyon? Pero hindi rin siya pwedeng magkamali talagang Nakita niya ang Silver strand sa buhok nito. Ilang sandali pa ay dumating na ang ambulansya at mga medic Saka naman agad na inilabas ang babae sa bus at nagmamadaling Dinala sa pinakamalapit na Hospital. Sa hospital, naging matiwasay ang pagsilang nang babae nang kanyang sanggol. Isang malusog na batang lalaki ang kanyang naging anak. “Ah, napakaganda niyong pagmasdan.” Masayang wika nang dalaga habang nasa harap nang salamin nang Nursery. Dito dinadala ang mga bagong silang na sanggol. Dahil sa nangyari, naisip ni Ashmaria na sundan ang babae. Nakita din niyang sumama ang lalaki sa pagdala sa babae sa hospital. Bukod sa gusto niyang malaman kung anong nangyari sa mag-ina gusto rin niyang makilala ang lalaking iyon. Gusto niyang malaman kung tama ba ang hinala niyang ang lalaking iyon ang Alphang nag marka sa kanya. Gusto rin niyang malaman kung bakit tila hindi siya nito nakikilala. Alam niyang naghinang ang mga mata nila kanina. Nakita niya ang parehong silver na mga mat anito. Pero bakit umaakto itong parang hindi siya nito kilala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD