"I will only ask once.” Malamig na ang boses ni Zion, walang pag-aalinlangan. "Sino ang nagmarka sa’yo?"
"H-Hindi ko alam." Halos pabulong ang sagot ni Ashmaria.
"Anong hindi mo alam?" Mariing sagot ni Zion, puno ng inis. "Naangkin ka ng isang Alpha! At sinasabi mong wala kang ideya kung paano ito nangyari? Huwag mong sabihin na hindi mo alam ang kahulugan nito."
"Sabi ko na sa’yo—hindi ko alam!" Isang hakbang pa siyang umatras, mabilis ang t***k ng puso. “I didn’t even realize I’d been marked until now!”
At iyon ang totoo. Wala siyang ideya kung bakit biglang lumitaw ang markang iyon. Hindi niya kilala ang lalaking responsable. Ang ginawa lang nito ay halikan siya—para patahimikin siya, para protektahan siya. Pero kung gano’n lang kadali ang pag-angkin, matagal na sana siyang naangkin ni Zion.
“You knew you were supposed to marry me. So why did you let another Alpha mark you?” His voice grew sharper, his anger barely restrained. “Do you understand what this does to my reputation? To the Pack? How can I lead them when I can’t even control my own Luna? Do you want me to look weak?”
“Zion! That’s not true, and you know it! Why won’t you just listen—”
"At inaasahan mong matatanggap pa kita? Matapos mong madungisan ng isang hindi kilalang Alpha?" Parang talim ang bawat salitang binitiwan niya—malamig, mabagsik.
Napako si Ashmaria sa kinatatayuan, hindi makapaniwala sa narinig. "Ano?"
Hindi niya inaasahang iyon ang sasabihin ni Zion.
“You will never be the Luna of this Pack.” His expression hardened. “I won’t marry a cheating Luna. Especially not the one who’s been marked by—”
"Paanong nasasabi mo ‘yan?!" Boses ni Ashmaria ay nabasag, halong galit at desperasyon. Hindi niya kailanman pinagtaksilan si Zion. Hindi niya man lang naisip na ipagkanulo siya. Ang buong buhay niya ay inihanda para sa sandaling tatayo siya sa tabi ni Zion—bilang kanyang Luna, bilang kanyang kabiyak.
Alam ni Ashmaria kung gaano kahalaga ang marka ng isang Alpha—simbolo ito ng katapatan, ng pag-aari.
Matagal na niyang pinangarap na maangkin ni Zion.
Pero ngayon, dahil lang sa estrangherong iyon, parang gumuho ang mundo niya. Sumiklab ang galit sa dibdib niya—hindi lang sa sitwasyon kundi sa lalaking nagnakaw ng sandaling dapat kay Zion. Kung hindi siya hinalikan, kung hindi siya minarkahan… hindi sana nangyayari ang lahat ng ito.
"Kailangan mong umalis sa Pack." Matigas ang boses ni Zion, parang hatol na hindi mababago.
"Ano!?" Napasinghap si Ashmaria, nanigas ang buong katawan.
Hindi. Mali ang narinig niya.
Talaga ba siyang pinaaalis siya nito? Ganoon lang na parang wala silang pinagsamahan?
"You heard me. You're out of the pack. I have no use for a Luna who's already been marked by someone else," Zion said, his voice cold and final.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ashmaria. Ganun lang? Para bang pinili niya ito? Para bang ginusto niya ang lahat ng nangyari?
"Pa—" Agad siyang tumingin sa ama, nagbabakasakali. Pero nang makita niya ang ekspresyon nito, bumagsak ang puso niya. Hindi siya kakampihan nito.
Maging ang sarili niyang ama… itinakwil siya?
"May problema ka ba sa desisyon ko, Alpha Cassian?" Tanong ni Zion, titig na titig sa ama ni Ashmaria.
"Hindi ko pupunahin ang hatol mo, Alpha Zion. Ikaw ang namumuno sa Pack na ito. Kung ano man ang mapagpasiyahan mo, iyon ang makabubuti para sa lahat," sagot ni Cassian, walang pag-aalinlangan.
"Papa…" bulong niya, halos hindi marinig.
"Kailangan mong umalis. Hindi na kita anak. Hindi ko tatawaging anak ang isang taong nagdala ng kahihiyan sa akin," malamig na sabi nito.
"Papa! Anak mo pa rin ako! Kahit ano pa—"
"Umalis kana dito. Wala kang puwang dito," putol ni Cassian. "At huwag mo na akong tawaging ‘Papa.’ Hindi kita anak."
Parang isang matinding sampal ang mga salitang iyon. Napasuray siya. "A-Anong sinabi mo?"
Hindi totoo. Hindi ito nangyayari. Anak siya nito. Mahal siya nito. Siya ang inihanda para maging susunod na Luna. Paano biglang nagbago ang lahat?
"Iyan ang katotohanan," matigas ang sagot ni Cassian. "Noong pinakasalan ko ang nanay mo, buntis na siya sa anak ng ibang lalaki. Akala mo ba mabuti para sa Pack ang ginawa kong pagpaparaya? Ang totoo… ikaw ay kagaya ng tunay mong ama. Inakala kong mababago ko kung saan ka nagmula."
"Sinabi mo lang ‘yan dahil galit ka—"
"Alam mong hindi ako nagsisinungaling, Ashmaria. Sinubukan kitang tanggapin. Sinubukan kitang ihanda bilang isang Luna," sabi niya. "Pero hindi ito kailanman magiging tama."
"Hindi ko inakalang magiging katulad mo ang ina mo," bulong niya, umiiling. "Tinuring kitang anak. Pinilit kong gawin ang tama. Pero kung ikaw ang magiging dahilan ng pagbagsak ng Pack na ito, wala akong ibang pagpipilian kundi putulin ang ugnayan natin. Sana lang, sapat na ang itinuro ko sa'yo para mabuhay sa labas."
Parang sinuntok sa tiyan si Ashmaria sa mga salitang iyon. Ganun na lang? Itatapon siya? Matapos ang lahat ng taon, matapos ang lahat? Oo, hindi siya tunay na anak nito, pero kailanman hindi siya itinuring na iba. Ni minsan.
Dahil lang ba sa pride niya? Dahil ba nasaktan siya kaya niya ito ginagawa? Pero kung ganun, kailangan ba talagang si Ashmaria ang magdusa? Sige, hindi siya tunay na anak. Sige, hindi na siya Luna.
Pero kailangan ba niyang mawala ang lahat?
Saan siya pupunta? Wala siyang ibang mapuntahan.
"Pagkatapos mong gumaling, umalis ka na," malamig na sabi ni Zion. "Huwag mong asahan ang isang maayos na pamamaalam."
At sa isang iglap, tumalikod siya at lumabas, hindi man lang lumingon.
Ramdam ni Ashmaria ang matinding sakit sa puso niya. Pinapanood ang paglayo ni Zion, alam niyang ni hindi siya bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag—ni hindi siya pakikinggan. Para bang may bumunot ng isang bahagi ng kanyang pagkatao at itinapon ito.
"Papa—" mahina, nanginginig ang boses niya.
"Wala na akong magagawa para sa’yo," malamig na sagot ng ama niya. Pagkatapos, may inilabas ito mula sa bulsa at iniabot sa kanya. "Ito lang ang maibibigay ko sa’yo. Huling alaala mula sa ina mo."
Nakatitig si Ashmaria sa maliit na kahon sa kamay nito. Dahan-dahan, nanginginig ang mga daliri niyang kinuha ito. Napasinghap siya nang buksan ito—isang pilak na locket ang nasa loob, hugis kalahating buwan.
Litong-lito, tumingin siya sa kanyang ama.
"Mag-isa ka na ngayon," sabi nito. "Pasensya na, pero hindi na kita mapoprotektahan. Pero sana sapat na ang itinuro ko sa'yo para mabuhay. Malupit ang mundo sa labas nang Pack.”
"Ang pag-atake ng Asbon… simula pa lang iyon. Kailangan mong maging handa."