Ang Marka nang Pagtataksil

1189 Words
Sa sobrang pagtakbo, hindi niya napansin ang pababang dalisdis sa harap—matarik, nagtatago sa gitna ng gulo ng bagyo. Ang paa niya’y natapakan ang isang pilipit na ugat, at bumagsak siya, tuluyang nadulas pababa. Wala siyang kontrol, hinatak siya ng bilis, sinasalpok ng mga bato at ugat ang katawan niya. Paikot-ikot, bumabagsak, hindi alam kung paano titigil. Hanggang sa bigla siyang huminto—ang ulo niya’y sumalpok sa isang matigas na bagay. Sumabog ang sakit, pero hindi na niya maramdaman ang katawan niya. Dahan-dahang pumikit ang paningin niya, tinulon siya ng kadiliman habang patuloy ang bagyo sa ibabaw niya. Dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Ashmaria, agad na bumungad sa kanya ang pamilyar na kisame. Nasa kwarto niya siya. Paano? Pilit niyang binubuo ang mga alaala. Masyadong malinaw pa ang lahat—ang kaguluhan sa araw na dapat sana'y kasal niya, ang bangungot na naganap, ang nakapanlulumong takot sa kawalan ng kasiguraduhan kung nakaligtas si Zion at ang kanyang pamilya. Ang huling naalala niya ay ang pagbagsak… ang paglaho sa kawalan. Pagkatapos noon? Wala na. “Zion…” Mahina niyang binigkas, halos hindi namamalayan na nasambit niya ang pangalan nito. Ang pag-aalala sa maaaring nangyari sa kanya ay biglang bumalot sa kanyang puso, dahilan upang mapabangon siya nang mabilis. Sa mismong sandaling iyon, bumukas ang pinto. Napigil ang kanyang hininga. Nakatayo roon—buhay, sugatan ngunit buhay—si Zion at ang kanyang ama. Agad niyang tinakpan ng kamay ang kanyang bibig, nilukob ng emosyon sa pagtanaw sa kanila. Ligtas sila. "Hey," malumanay na sabi ni Zion, habang lumapit at naupo sa tabi niya. Mahigpit siyang niyakap nito, hinapit palapit, binibigyan siya ng lakas at kapanatagan. Napahinga nang malalim si Ashmaria sa bisig nito, hinigpitan ang yakap na para bang maaari itong maglaho anumang sandali. "Maayos ka… totoo bang maayos ka?" Mahina niyang sambit. Bahagyang lumayo si Zion, hinaplos ng hinlalaki ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya. "Tapos na ang lahat. Ligtas ka na." Dumaloy ang matinding ginhawa sa kanya, ngunit nanatiling nanginginig ang kanyang tinig. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung may nangyari sa’yo." Mahinang natawa si Zion. "Ano? Talagang naisip mong basta-basta na lang nila ako matatalo? Halika nga. Ako ang Alpha ng Sirius Pack. Hindi ako madaling mabuwal, alam mo yan." Sa kabila ng lahat, ang kanyang mayabang na ngiti ay nagbigay ng munting ngiti sa mga labi ni Ashmaria. Bahagyang lumuwag ang bigat sa kanyang dibdib. Muling nagseryoso ang ekspresyon ni Zion habang hinawakan ang kanyang kamay. "Pasensya na. Dapat mas napangalagaan kita. Napakarami nila, at malalakas sila. Marami sa ating mga tauhan ang nasaktan. At… pasensya na sa kasal." Mabilis siyang umiling. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Wala kang kasalanan." Malalim siyang lumunok, pilit iniintindi ang lahat. "Ang mga umatake sa atin… sila ba ay mga ligaw na lobo? Iba ang dating nila. Mas malakas. May mali—" "Hindi sila mga ligaw," biglang sabi ng ama ni Ashmaria, dahilan para parehong mapatingin sa kanya sina Ashmaria at Zion, puno ng pagtataka. "Asbon ang tawag sa kanila," patuloy nito. "Asbon?" sabay nilang ulit, halatang litong-lito. "Isang lahi ng Aswang," diretsong paliwanag ng kanyang ama. "Aswang?!" sabay nilang sigaw, hindi makapaniwala. Alam nilang maraming nilalang ang umiiral—katulad ng kanilang sariling uri at mga mortal—pero Aswang? At bakit sila umatake? Wala namang dahilan para magtagisan ang kanilang mga lahi. Malalim na bumuntong-hininga si Zion bago tuluyang ibinaling ang tingin kay Ashmaria. "Bago ang lahat," simulang sabi niya habang masusing inoobserbahan siya. "Ano bang nangyari sa’yo? Noong tumakbo kayo ni Gabriel, may nangyari ba—?" "Inatake kami," mabilis niyang sagot, nanginginig ang boses. "Si Gabriel… hindi siya nakaligtas." Natigilan siya, bumaha sa isipan ang mga alaala—ang estranghero, ang lalaking hindi niya kilala. At nang maunawaan ang lahat, kusa niyang tinakpan ng kamay ang kanyang bibig. "Ah!" Isang matinding sakit ang bumalot sa kanyang kanang balikat, dahilan para mapaigik siya. Agad niyang hinawakan ito, nag-aalalang hinaplos. Napakunot-noo si Zion at agad na tumayo. "Nasaktan ka?" Lumapit siya sa likod ni Ashmaria at dahan-dahang hinila ang manggas ng kanyang damit—ngunit nang makita niya ang balikat nito, nanigas ang katawan niya. "Anong…" halos pabulong niyang nasambit. Dati nang may hugis-buwan na birthmark si Ashmaria sa kanyang balikat. Pero ngayon, hindi lang ito basta kita—nagniningning ito. At mas malala, may lumitaw na kakaibang rune sa ibabaw nito, isang marka na hindi pamilyar kay Zion. Hindi iyon normal. Ang marka niya ay dapat lumitaw lamang kapag siya ay naangkin na ng kanyang Alpha. Pero ito—hindi ito ang marka ni Zion. "Bakit?" tanong ni Ashmaria nang makita ang nagulat na ekspresyon niya. Diretsong tumayo si Zion, nanigas ang panga. "Sino ang nagmarka sa’yo?" Tanong niya, maingat ang tono—pero may bahid ng anino sa ilalim nito. "Marka?" Napatingin siya sa kanya, litong-lito. "Paano—?" At saka siya natigilan. Ang estranghero. Ang kanyang halik. Ang sakit pagkatapos. "Hindi maaari." Mabilis ang t***k ng puso ni Ashmaria habang bigla siyang tumayo, nagmadaling lumapit sa salamin, hinila pababa ang manggas ng kanyang damit para makita mismo. Nanlumo siya habang nakatitig sa kanyang repleksyon. Ang birthmark niya—nagniningning ito, malinaw na malinaw ngayon. Pero hindi iyon ang pinakanakakagulat. Isa pang marka ang lumitaw sa ibabaw nito, nagbabago-bago ang hugis, hindi pamilyar. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang lingunin niya sina Zion at ang kanyang ama, ang isip niya puno ng kalituhan. Ganitong klaseng marka ay dapat lumalabas lang kung may isang tulad nila ang umangkin sa kanya. Pero ang lalaking iyon—ang estrangherong nakilala niya—wala siyang presensya ng isang Alpha. Ibang-iba ang aura niya. May kung anong bumabalot sa kanya… isang bagay na nakakabahala. “You know what this means, right?” Mariing tanong ni Zion, halos may panunumbat sa tono. Bago pa makasagot si Ashmaria, biglang hinawakan ng kanyang ama ang braso niya, mahigpit—halos masakit. "Ano ang ginawa mo?" Matigas ang boses nito, puno ng galit. "Sino ang nagmarka sa’yo?!" Napaatras si Ashmaria, hindi lang dahil sa tanong kundi sa malamig na tingin ng kanyang ama. Noong una, palaging puno ng init ang mga mata nito kapag tinitingnan siya—pero ngayon? Malamig. Matigas. Halos walang awa. Alam niyang may mabagsik na panig ang kanyang ama—dati itong Alpha ng Sirius Pack—pero ngayon lang niya ito nakita nang ganito. "Papa… nasasaktan mo ako," mahina niyang bulong, pilit na binabawi ang kanyang braso bago umatras. Agad niyang nilingon si Zion, hinahanap ang kahit anong pahiwatig ng pag-aalala—pero ang tingin na ibinigay nito sa kanya ay nagpatindi ng kabog sa kanyang dibdib. Nagbago ang buong aura nito, nanigas ang panga, mas lumalim ang tingin. "Zion—" Nagsimula siya, nanginginig ang boses, pero ang matalim na tingin nito ay tila nagpatigil sa kanyang mga salita. "Sino…" Mababang boses nito, puno ng panganib. "Sino ang nagmarka sa’yo?" "I—" Nilunok niya ang biglang pangangatog ng kanyang lalamunan. "Sagutin mo ako." Lalo pang tumalim ang tono ni Zion, may bahid ng matinding emosyon. Nagpula ang mga mata nito, bumigat ang hangin sa silid, puno ng kanyang galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD