CHAPTER ONE

2046 Words
CRUSH "I can't believe! Clifford Zamora, wants to court you, but you 'just' reject him! But hell, in front of so many students?!" Hindi parin makapaniwalang sambit ni Leanne. Yes, Clifford wants to court me, but I reject him. I said, I don't want to have a boyfriend yet. What's the big deal? "Did I hurt him? His ego?" I looked at her with an apologetic eyes. "You just don't hurt him, he's embarrassed in so many students. Damn, that's a big issue or news again. Sasabihin nila,ang pabebe mo. Si Clifford na nga lumalapit sayo, ayaw mo pa. Iba pa naman ang mindset ng mga estudyante dito. Lalo na kapag mga papansin. Naku!" Napailing nalang ako sa sinabi niya. Malay ko ba na mali pa lang mag reject ng lalaki. Pero, ayoko pa talaga. Hindi ko pa gusto magka-boyfriend. Hell, kahit may crush ako sa isang lalaki, ayokong mag-boyfriend agad. Sa batang edad. We're just Grade nine! For Pete's sake. I'm just fifteen. I don't look for boyfriend. I don't need boyfriend in my study. Ang bata ko pa para sa boyfriend thingy. At naulit pa 'yon. Sa loob ng tatlong taon, halos buwan buwan ata may gustong manligaw sa akin, at buwan buwan rin akong may nire-reject. Nakakainis. Ayoko manakit ng feelings. Kaya habang maaga pa, dapat umiwas na ako, o sabihin ko na na ayaw ko muna. Para walang aasa. Walang masasaktan. But my crush, still remained. I didn't look for another crushes. Just him. Kahit gano'n ang ugali niya. Siya parin talaga ang nagugustuhan ko sa lahat ng lalaki dito. Pero hindi ko sinabing kapag niligawan niya ako ay sasagutin ko kaagad siya. I just want him to be my inspiration. My adoration. Nothing more. Nothing more. Okay? And now…I'm on my first year college. I'm now 19yrs old. Still have a fair skin, shiny black hair with a wave at the end, have a curled eye lashes, have a kissable lips, high cheekbone, curved body, 5'4 ang height. "Mom, I'm going now." Pagpapaalam ko kay mommy saka humalik sa pisngi niya at nagmamadaling lumabas ng bahay. Sumakay ako sa backseat at naglagay ng earphone. Nang makarating sa school agad akong bumaba mula sa kotse at naglakad papasok. Ngumiti ako sa mga bumabati sa akin sa hallway. Kilala ako rito dahil isa ako sa officer ng student council—Vice President, to be exact. Since highschool. At hindi na ako papalitan hanggang sa maka-graduate ako ng college. Kaya kilala talaga 'ko. Ang President ngayon ng Student Council ay nasa Fourth Year na. So, next year will be the nomination for President. "Hi, sis." Bineso ako ni Leanne nang makasalubong ko siya sa hallway papunta sa room namin. Classmate kami sa first, second and last subject. "Ang aga mo ata?" Tanong ko habang nagpapatuloy sa paglalakad. "Duh, kailangan kasi, alam mo na. Kainis kasi sa cheerdance, e. Hindi naman urgent meeting, kailangan pa pumunta lahat,e wala nga si coach." Napailing nalang ako sa sinabi niya. Ang tamad talaga nito sa meeting. Natutulog pa minsan during meeting. "Hi, sis!" Napatingin kami kay Clea,na papasok sa room. Umupo ako at inilapag sa kabilang upuan ang bag ko. Wala kasing nakaupo doon dahil ako ang huli. "Good mood?" Nakangiting tanong ko. Bumesa siya kay Leanne sunod sa akin. "Of course! Pinayagan na ako nina mommy mag-drive! I have a licence, you know. Then, gagamitin ko yung old car ni Kuya, though hindi siya sobrang old, dahil last model lang 'yon." Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang nagkukuwento sa amin. Nakisama pa si Leanne dahil sa wakas daw pwede na kaming gumala, without a family driver. "Class, sit down." Announce ng prof namin kaya agad kaming umayos ng upo. Bumalik na sina Leanne sa upuan nila at nakinig sa prof namin. Nang matapos ang klase ay pumunta na kami sa next subject. Hindi na namin classmate si Clea kaya kami nalang dalawa ni Leanne. "Sis," napatingin ako kay Leanne nang bigla niya akong kalabitin habang naglalakad kami. "What?" "Crush mo." Napatingin ako sa inginuso niya sa harapan namin. And there, I saw him, walking confidently. Nakalagay ang isang kamay sa bulsa at ang isa ay nakahawak sa cellphone at may tinitingnan doon. "Shut up. Baka marinig ka." Saway ko kay Leanne dahil nangingiti na siya ng todo sa gilid ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Hi, Julia." Bati ng kaibigan niyang si Yisroel. "Ah…Hello." Bati ko pabalik. "Mukhang everyday blooming ka, ah." Asar pa ni Raven. Hindi naman, ah. Halata ba? Kasi naman, e. Nandiyan si Axton, kailangan fresh lagi. "Sino kaya crush mo, Julia,'no? Curious lang kami," humawak pa sa baba niya si Yadiel, kunwari nag-iisip. "Aha!" Bigla akong kinabahan sa biglaan niyang sigaw. "Ako siguro 'no?" Bigla siyang binatukan ni Cyrus kaya natawa kami. "Yak, kapal talaga ng mukha nito ni Yadiel, 'di ka nahihiya? Sa harap talaga ni Julia?" Umirap si Cyrus. Natawa kami sa pinagsasabi nila. Napatingin ako kay Axton na hindi nagre-react. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kaniya kaya bigla siyang nag-angat ng tingin at biglang nagtama ang paningin namin. Agad nag-init ang pisngi ko kaya umiwas agad ako ng tingin. "A-ahm…ma-mauna na kami, ah. Baka kasi malate kami, e." Agad kong hinatak si Leanne papunta sa next subject namin at nagpahatak naman siya at hindi na nakigulo sa mga lalaking 'yon. Jusko po. 'Di ko kinaya 'yon. Is that for real? Tiningnan niya 'ko. Sa mata. My gosh! Mamamatay na ata ako. Nauubusan ako ng oxygen. Kilala ko na ang barkada ni Axton since High school. Sa limang magkakaibigan, siya ang pinakatahimik at masungit, pero sanay na 'ko sa kaniya. Ganyan naman na talaga ugali niya. Simula ata ng ipanganak siya. Pinaka-close ko si Cyrus. Siyempre, pinsan ko siya, e. Anak ng kapatid ni Mommy. Natapos ang second subject ko ng matiwasay. Kaya heto ako ngayon,papunta na sa third subject ko, kinakabahan. Hindi ko alam. s**t. Pumasok ako sa loob ng room at umupo sa third raw, sa pinakahuli. Sunod sunod na pumasok ang mga estudyante, ang iba ang binabati ako. By two's ang upuan, may table lang ito for two students. Parang sa Korea, China, or Japan ang theme ng University. At hanggang 30 students lang ang nasa loob. Nasa kaliwang part ako sa dulo, kita ko mula dito ang green field ng school. Walang nakaupo sa tabi ko, siguro nahihiya? Ewan. Napatingin ako sa labas nang medyo nagtilian ang mga babae. And then, I saw him walking again confidently. Ang kasama nalang niya sina Yadiel at Cyrus na nagkukulitan sa likod niya. Magkatabi lang ng building ang Architecture Department at Business Department, at may bridge papunta sa kabilang building. Siguro hinatid nila sina Yisroel at Raven. Business din kasi ang dalawang 'yon. At 'yung tatlo naman ay nasa Archi. Nang pumasok na ang teacher ay agad kaming nagsi-ayos. Nakinig lang ako sa lesson. Oo,first day of school, lesson agad. Wala nang ka-ekekan. Lesson agad. "Class dismissed." Tumayo na ang mga kaklase ko para lumabas. Break time na. Inayos ko ang gamit ko at nagsimula na rin lumabas ng room. Hinintay ko si Clea at Leanne pumunta sa room dahil iyon ang usapan namin. To: Clearice Nasaan na kayo? Ang tagal niyo naman. Nakatayo lang ako sa harap ng room namin at hinihintay sina Clea at Leanne. Bakit ba ang tagal nila? Naiinip na ako. "Oh, Julia. Bakit ka nandito?" Napatingin ako kay Yisroel na napatigil sa paglalakad at gulat na nakatingin sa akin. "Hinihintay ko kasi sina Clea." Sambit ko at ngumiti. "Bakit nasaan ba sila?" Tanong naman ni Raven. "Nasa fourth floor, doon kasi klase nila ngayon, e." Medyo nahihiyang sagot ko. "Gusto sumabay sa amin? Kung gusto mo lang naman?" Kinabahan ako sa sinabi ni Yisroel. Hindi dahil may masama silang binabalak, kundi dahil paniguradong kasama nila si Axton. "Sis!" Napatingin kaming tatlo sa sumigaw. It's Leanne. Mukha siyang badtrip. "Nakakainis 'yung prof ko, akala mo kung sinong maganda! Aba! Research agad pinagagawa sa amin?!" She rant. I chuckle a bit because of her face. Para siyang batang inagawan ng candy. "Gusto mo tulungan kita?" She looked at Yisroel who offered a help. Napangiti ako, pero siya nakasimangot. "No need. Kaya ko. Sus. Sisiw." Mayabang na sabi ni Leanne. "Sabi mo, e." Napaisip ako. Oo nga pala, magkakaklase sila sa third sub. Bakit nauna pa 'tong sina Yisroel kay Leanne? "Where's Clea?" Pag-iiba ko ng topic. "Nasa taas pa. Kinakausap yung mga kagrupo niya. Tara na, pasunurin nalang natin siya." Hinatak na ako ni Leanne pababa. Nakasunod naman yung dalawa sa likod at may katangahan na naman sigurong pinag-uusapan kaya nagtatawanan. "Bro!" Napatingin ako kay Raven nang sumigaw siya, sunod sa tinawag niya. Sina Cyrus. Nasa canteen na kami at pipila na para bumili ng pagkain. "Ah… doon na kami, Julia, ah." Paalam nila sa akin kaya tumango lang ako at ngumiti. Pumila na kami para bumili ng pagkain. Nang makabili na kami naghanap na kami ng table habang dala ang tray. Nakatingin ako sa paligid kaya hindi ko alam na may nakabunggo sa akin. Muntik pa akong matapunan sa uniform kung hindi lang may humawak sa bewang ko at inilayo para hindi matapunan, lalo na ng juice. Napatingin ako sa nakahawak sa bewang ko at napatakip nalang ng bibig. "Watch your way." Saad niya. Akala ko sa akin niya sinabi pero sa lalaki palang nakabunggo sa akin. Napatingin ako doon. "S-sorry, Julia. Nakatingin kasi ako sa cellphone. Sorry." Paghingi nito ng paumanhin. "O-okay lang. Kasalanan ko rin. Hindi ako nakatingin sa daan." Saad ko. "Tss." Napatingin ako kay Axton na nakatiim bagang at masama ang tingin sa lalaki. Agad namang umalis ang lalaki at humingi pa ulit ng paumanhin. Yuyuko na sana ako para pulutin ang bubog at ilagay sa tray nang maramdaman kong mas lalong pumulupot sa bewang ko ang kamay niya. Napabalik ako sa puwesto at tumingin sa kaniya. "Ah… pu-pupulutin ko lang." Hinawakan ko ang kamay niya upang tanggalin pero hindi niya tinatanggal. Napatingin ako sa paligid at karamihan nakatingin na sa amin. Lalo na ang mga babae. "Let the janitor clean it. That's not your job." Saad niya. "Pero—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tiningnan niya ako ng masama kaya itinikom ko nalang bibig ko. "I'll buy you a food." Aniya at umalis sa harap ko. I was left, dumbfounded. Hindi ko alam kung paano magsi-sink in sa utak ko ang nangyari. Did he… just held my waist? Damn. Hindi ko na napigilan ang pamumula ng pisngi ko. "Sis, tapos na ang drama. Tara na nangangawit na ako." Napabalik ako sa katinuan nang biglang magsalita si Leanne sa gilid ko. Sumunod ako sa kaniya at umupo sa isang bakanteng upuan. Wala na akong pagkain. Tumingin ako sa tray at nakita kong may naglilinis nang janitor kaya hinayaan ko nalang. Napayuko ako. Ano ba naman yung eksenang 'yon. Nakakahiya. "Here." Biglang may naglapag ng tray sa mesa ko. Puro healthy foods. Saka water. Gusto ko sana ng juice. "Juice is not helping for your hydration. You must drink water." Napatingin ako sa kaniya. Napalunok ako nang magtama ang paningin namin. "T-thank you." Umiwas ako ng tingin at siya naman ay bumalik sa table nila. Kinantyawan agad siya ng mga kaibigan niya. Nakakahiya talaga. "Anyare at namumula pisngi mo,be? Masyado atang naparami blush on mo?" Napatingin ako kay Clea na kararating lang. "Gaga. Nagba-blush talaga siya. Ikaw ba naman i-save ni crush at bilhan ng new food." Nakangising sambit ni Leanne. Mas lalo akong namula sa kahihiyan at the same time kilig. Kumain nalang ako at hindi na sila pinansin. Napupunta kay Axton ang isipan b dahil sobrang daming estudyante ang nakakita. Nang mag-uwian, dumiretso ako sa van namin at hindi pinahalatang kinikilig ako. Nang makarating sa bahay ay agad akong umakyat sa kuwarto at tumili doon at nagtatalon. "I can't believe this!" Sumigaw ulit ako at gumulong gulong sa kama habang kagat kagat ang unan. Hindi ko napipigilan ang kilig. Hindi ko kinakaya. Grabe. Ano ba 'tong ginagawa ni Axton sa akin? Mas lalo lang tumindi yung nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD