LEAVING
Gumising ako ng maaga dahil maaga ako nakatulog kagabi. One week na simula nung nangyari yung sa canteen. At wala nang sunod na nangyari. Akala ko pa naman may improvement. Nakakainis.
"Hey, Dad, good morning." Nakangiting bati ko kay Daddy. Nakaupo siya sa couch at nagbabasa ng news.
"Too early to go to school." Aniya. Akala siguro papasok ako ng maaga.
"No, Dad. I'll just roam around the garden or do some exercise. Mamaya pang 8:30 ang pasok ko." It's just 6:00 am. Kaya nagtataka si Daddy dahil ang aga ko.
Kumain ako ng breakfast pagkatapos ay lumabas para tumulong sa gardener namin. Nagdilig ako ng halaman para may magawa ako kahit papaano. Nang maboring ako ay pumunta ako sa gym namin. Mayroon kami sa bahay namin dahil minsan nage-exercise si daddy. He needs to be healthy, too.
"Anak, we will have a dinner on Saturday, so be preferred." Sambit ni mommy habang nag-aayos ako sa vanity mirror. Nandito siya sa kuwarto ko to put some essential things in my bathroom.
"Where?" I asked while looking at myself in the mirror.
"Hmm… pinag-iisipan pa namin ng dad mo kung saan."
"Hindi dito sa bahay?"
"Nope. May kasama tayo. I know you have a good manner, so wala akong problema sayo. May pag-uusapan lang tayo with their family." Napatango nalang ako sa sinabi niya. "It's my best friend's family." Ngumiti ako at tumango.
Hindi ko alam kung sino ang sinasabi niyang bestfriend niya. But I don't have a problem with that, as long as they're not fixing me in a marriage. That'll be a big problem.
Pumasok na ako sa school at dumiretso sa room. The usual routine, greet from my schoolmates. Umupo ako sa upuan at hinintay ko nalang sina Clea. I took out my books and read some lessons. I always advance reading, para na rin may masagot ako sa teacher kung sakaling magtanong sa akin. Recitation.
"Kagigil." Napatingin ako kay Clea na umupo sa likuran ko. Remember pangdalawang tao lang ang table.
"Why?" I asked while looking at my book, scanning, not totally reading it.
"Nakita ko na naman yung ex ko, s**t ang pangit pala niya? Bakit ngayon ko lang narealize?" Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. Well, ganyan talaga siya, as always. Hindi naman pangit nagiging boyfriend niya. Mayayaman nga at gwapo ang mga ito. Kaya niya sinasabing pangit dahil naiinis siya sa mukha nito. She's mean in her way.
"Hindi naman, ah." Pagtatanggol ko.
"Duh?! Bakit kasi gano'n. Hindi na ako magjo-jowa! I swear!" Sigaw niya at inis na hinampas ang table.
"Your not true to your words. Ngayong month ka lang walang boyfriend." Sambit ko at tumingin sa kaniya. Napanguso siya sa sinabi ko.
"By the way, what day today?" She asked, turning the topic off.
"Tuesday? Why?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti siya at hindi ko alam kung anong meaning no'n.
"Today… three subjects." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What did she mean? What about three subs?
"What? Why?" Na-curious ako kaya tumingin na talaga ako sa kaniya. Napangisi siya lalo.
"Raven will be my classmate in three consecutive subjects." Nakangiting sabi niya. E, ano?
"Crush mo?" Mas lalo siyang napatawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa sa maging crush si Raven? He's damn handsome.
Indeed.
But well, mas gwapo si Axton.
"Of course! Last week lang." Tumawa siya ng tumawa kaya mas lalong kumunot ang noo ko. "Damn. Ang gwapo pala niya?! Lalo na kapag seryoso siya sa pag-aaral. Akala ko joke lang mga sinasabi ng schoolmates natin at nagkakandarapa sila sa lalaking 'yon, sa grupo nila, totoo pala." Parang hindi talaga siya makapaniwala sa sinasabi niya.
Well, napakamanhid kasi ng babaeng 'to. Yung tipong kahit may pinagkakaguluhang gwapo sa harap niya 'di niya papansinin. Pero maraming naging boyfriend 'to. At tumatagal rin. But then, she's numb. Literally numb. At ano? Saka lang niya na-realize na crush niya pala si Raven? Wow. Just wow.
"So… one week mo na siyang crush?" I asked again.
"Yeah. Ano ka ba." Napailing ako at napangiti. Dumating na si Leanne kasunod ng prof kaya hindi na siya nagdaldal at nagsimula na sa pagtuturo ang prof.
Wala akong klase ngayon. Vacant for one hour. Tuesday kasi ngayon. Kaya pwede kong gawin lahat ng mga assignments ko. Pero tapos ko na lahat 'yon kaya pumunta nalang ako sa green field at umupo sa damuhan.
Ang lawak. Mapapagod ka siguro kakatakbo dito. Lalo na kung mainit. Kaya madalas dito nagaganap ang mga programs. Nasa kabila ang Highschool, at dito sa part na 'to ang college buildings. May sariling field ang Highschool, pero minsan dito ginaganap yung mga event lalo na kapag masyadong crowded. Kailangan ng malaking space.
Bumunot bunot ako ng mga d**o para hindi ako maboring lalo. I groaned. I hate vacant time. Wala akkong magawa. Wala rin akong kasama. Nakakainis.
"'Wag mo bunutin lahat, hindi na magiging green field 'to kung bubunutin mo lahat ng damo." Napatingin ako sa nagsalita. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko siyang nakatingin sa akin. Nasinagan ng araw mukha ko kaya nasilaw ako bigla. Pero humarang siya sa araw kaya tumingin na ako sa kaniya ulit.
"Ah…" I don't even know what to say?!
"Hindi ka naman nandito para magbibilad sa araw. Masakit sa balat. Isa pa, baka mahilo ka bigla sa init." Walang emosyong sambit niya habang nakaiwas ang tingin sa akin. Hindi naman na gaanong masakit sa balat ang araw, 4:00pm na.
"Hindi naman gaanong mainit." Dahilan ko.
"Still." Tanging sambit niya kaya napanguso ako sa sinabi niya. "Tss. Why are you even here?" Parang iritadong tanong niya. Bakit ba siya naiirita? Tss. Iisipin ko nang concern siya sa akin. Naku! Napo-fall ako lalo.
"Vacant time." Sagot ko at tumingin sa kaniya. Pero nakaiwas lang siya ng tingin.
"Oh!" Bigla niyang inihagis sa akin yung water bottle niya, buti nalang nasalo ko. "Drink water, you might dehydrate yourself. Galing ka pa sa arawan." Napakasungit! Ang rude! Nakakainis. Pero crush ko parin siya.
"Thank you." Nakangiting sambit ko. Pero umalis lang siya sa harapan ko at naglakad na palayo sa akin.
Habang papunta sa last subject ko ay hindi maalis sa labi ko ang ngiti. Ang saya saya. Ibabalik ko nalang ang water bottle niya bukas. Another interaction na naman. Kinikilig ako.
Umuwi rin ako ng masaya at parang hindi pagod sa pinagawa ng professor. Pinicturan ko pa yung water bottle niya para remembrance. Hindi ko ipo-post dahil baka mailang siya sa akin sa susunod.
"Anak, are you okay? Too happy? Aren't you tired?" Mom asked while pouring a water to her glass.
"I am. But, I'm just happy today, mom." Hindi ko masabi sa kanila na binigyan ako ng tubig ni Axton at pinakahiram pa sa akin ang water bottle niya.
"Honey, can I tell you something?" Napatingin ako kay mommy sa harap ko.
"What is it?" Ipinagpatuloy ko ang kinakain habang hinihintay ang sasabihin niya.
Tumingin siya kay dad bago nagsalita. "We're leaving the country." Naibagsak ko ang kutsara at tinidor at gulat na napatingin kay mommy. I saw how hard she pursed her lips. Trying to suppress something.
"Why? Am I—"
"No. Just the two of us. Me and your dad, hindi ka kasama. You'll stay here and continue studying. Don't worry we're not leaving right now. I think…next month?"
"How long will you stay there?" I asked.
"I don't know." Saka siya umiwas ng tingin. Napatingin ako kay daddy na tahimik lang na nakatingin sa akin. Tinatantya ang reaksyon ko.
"Why are you leaving, by the way?" I asked again, confused. Why they're leaving? Is there any problem? Anong nangyayari?
"Nothing much, honey. But, we'll be there because of our company. We have New York branch, right? We'll manage that together." Napaisip ako sa sinabi ni mommy. Why they need to be together? Hindi ba kaya 'yon ng company manager or what? Why they need to leave me here?
"Hindi po ba pwedeng si dad lang?" I asked carefully.
"No. We need to manage it together. Hindi naman kaya ng mommy mo o ako lang mag-isa." Si daddy ang sumagot kaya tumango nalang ako at tumango.
Pumasok ako kinabukasan ng tulala. Iniisip na magiging mag-isa lang ako sa bahay. Ang lungkot no'n. Wala na nga akong kapatid, mag-isa pa ako sa bahay. Yes, may helpers kami, pero iba parin yung kasama mo yung family mo. Kahit breakfast and dinner ko lang sila nakakasama. We're spending time together if it's family day.
But if they're leaving me here, no family day will do.
"Masyado ka atang nagi-space out, Julia." Napatingin ako sa nagsalita. Napatingin rin ako sa kamay na nakahawak sa braso ko.
"What happened?" Axton asked.
"Insan, bakit tulala ka?" Nag-aalalang tanong ni Cyrus, siya rin yung kaninang nagtanong at si Axton ang nakahawak sa braso ko. Nakagilid ako sa kanila.
"Ahm… ah… sorry, I… I didn't notice that I'm at the Archi Dept." Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi parin inaalis ni Axton ang kamay niya. Nanlalamig na ako sa kaba. Hindi ko alam kung kinikilig ako o ano. Basta. Kapag nandiyan siya nagwawala ang kalamnan ko. Hindi ako mapakali.
He sighed and let go of my arm. Napatingin ako sa kaniya pero nakaiwas siya ng tingin sa akin at parang ang lalim ng iniisip. Panigurado hindi ako ang iniisip niyan. Baka mga babae niya. Tsk.
"Ihahatid na kita sa room mo." Tumingin siya sa akin ng nakataas ang kilay. Tumango naman ako at sumunod na sa kaniya. Nagpaalam na rin ako sa pinsan ko at kay Yadiel na nakakunot ang noo.
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mamula. Nakatingin yung ibang estudyante.
"What happened?" Napatingin ako sa kaniya habang naglalakad. Nakapamulsa siya at nakatingin lang sa harapan.
"Ahm… about family." I shrugged and continue walking. Never minding the stares of the other students.
Napalunok siya ng mariin bago ulit nagsalita. "Care to share?" He asked.
"They're leaving the country. They're leaving me. Alone." Bakas sa boses ko ang lungkot. Kaya napatingin siya sa akin.
"You have helpers in your house, so you're not totally alone in your house." Sambit niya. Pinapagaan lang niya pakiramdam ko para hindi ko isipin na mag-isa lang ako sa bahay.
"But… they're not my family… I will be longing for my family. Wala na nga akong kapatid, aalis pa sila." He chuckle. Bakit? Totoo naman ah. Buti nga siya may kapatid.
"Don't say that."
I rolled my eyes and scoffed. "Palibhasa may kapatid ka. Hindi ka nag-iisa." Inis na sabi ko. Well, hindi naman sobrang inis. Kinikilig nga ako, e. Ito na pinakamahaba naming pag-uusap.
"Okay, fine." He sighed. Huminto kami sa room ko. Akala ko aalis na siya. Pero nanatili parin siya.
Hindi parin ako pumasok at tiningnan lang siya.
"What?" He raised an eyebrow while looking at me.
"Bakit hindi ka pa umaalis?" Tanong ko.
"Go in first and then I'll go, too." Sambit niya. Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya.
"Thank you pala sa paghatid." Saad ko at pumasok na sa loob. Lumingon ako at nakita kong ko siyang umalis na.
"Ano 'yon? Bakit ka niya hinatid?" Napatingin ako kay Leanne. Napaka tsimosa talaga.
"Napapansin ko, kinakausap ka na niya, ah? Hindi na masungit?" Natawa ako sa sinabi ni Clea.
"Hindi naman nagbago. Gano'n parin. Masungit padin siya kahit sa akin."
"But he's talking to you. Inihatid ka pa!" Hinampas ako ni Leanne ng mahina sa braso habang kinikilig. Well, kahit ako naman kinikilig pero hindi ko pinapahalata.
"Hinatid lang niya ako kasi bigla akong napunta sa building nila." Kumunot ang noo nilang dalawa.
"Bakit?" Tanong ni Clea.
"I'm just preoccupied. Kaya akala ko building natin ang napuntahan ko. Kaya pala nakatingin sa akin yung mga Archi student. Nakakahiya!" Napatakip pa ako sa mukha ko dahil sa hiya. Totoo. Nakakahiya. Hindi ko inaasahan na magiging gano'n ako kanina.
"Why are so… preoccupied?" Leanne asked, again with her eyebrow shot up.
"I'm just thinking about some things." Sagot ko at umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. I can't open it up to them. Kay Axton ko palang nasasabi.
"What kind of this is that?" It's Clea now. Iniimtriga na naman nila ako.
"Well, my parents… wants to… ahm go to New York…" I trailed off and then looked at their faces for their reactions.
"What?! You'll be with them?!"
"Iiwan mo kami?!"
"Aalis ka?!"
"Bakit?!"
"Kailan?"
"First year palang tayo sa college aalis ka na?!"
"Ang duga naman no'n, Julia! Hindi tama 'yon!"
"Julia Frances Saranza, bakit?!"
"Sabihin mong hindi mo kami iiwan!"
Hindi ako makasingit sa sinasabi nila. Paano ako makakapag-explain kung ganyan ang mindset nila? At kung ganyan sila mag-react at sunod sunod pa magsalita? Salitan pa.
Wow.
"Can you two please… shut up?" Mahinahong pigil ko sa kanilang dalawa. Natahimik naman sila at napanguso si Clea.
"Explain." Alam na nila kapag pinatahimik ko na sila. I have to explain.
"Maiiwan ako dito sa bansa. Maiiwan rin ako sa mansyon. So… dito lang ako. No need to mourn. No need to cry. No need to rant." Napailing ako sa kanila pagkatapos magsalita.
And… boom… bigla nalang silang tumawa. Natatawa sa pinaggagawa nilang dalawa kanina. Natawa sa katangahan nilang dalawa.
Dumating na ang prof kaya nakinig nalang ako kaysa sa makipagdaldalan sa dalawang 'to.
Sunod sunod ang pagpunta ko sa mga subjects ko. At nang mag-break na agad akong nag-ayos ng gamit at lumabas ng room.
Magkakasama na kami nina Clea at Leanne kaya dumiretso na kami sa cafeteria. Um-order na kami at naghanap ng table. Napatingin ako sa kabilang table kung nasaan sina Axton. Nagtatawanan lang sila. Minsan nakikisali si Axton sa kulitan at tumatawa.
Ang gwapo niya talaga lalo na kapag ngumingiti o tumatawa.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain dahil baka maramdaman niyang tinititigan ko siya. Mahirap na. Ang sungit pa naman ng lalaking 'yan.