LIVE
"Buti naman Friday na!" Sigaw ni Lea habang naglalakad palapit sa akin. Humalik siya sa pisngi ko at umupo sa upuan niya. Yeah. It's Friday. Bukas na pala yung dinner namin.
"Anyare sa mukha mo?" Natatawang tanong ko.
"Don't ask!" She groaned in frustration. "Nakakainis na research 'yan! Kailangan ko pa tuloy umattend sa mansyon nina Yisroel!" Kumunot ang noo ko.
"Akala ko hindi kayo magkagrupo?" Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng mga keywords sa notes ko. Nagha-highlights din ako.
"Nakipagpalit siya. See?! He's annoying! Nakakagigil! Akala mo kung sinong gwapo at matalino!" Patuloy niyang sigaw.
"Well, he is." I shrugged at smile.
"You're not helping. Inaasar niya ako! See?! Hindi ka ba naaawa sa kaibigan mo? Inaasar ako ng kaibigan ng crush mo! Nakakainis siya. Masyadong mataas ang tingin sa sarili. Sinabihan pa ako ng 'idiot' at 'stupid', e mas stupid siya! Mali naman talaga sinabi niya sa akin, e. Statement of the problem ang ginagawa ko hindi yung introduction!" Nakinig lang ako sa sinasabi niya. Hindi na nag-comment dahil baka mas lalo lang siyang mag-rant ng mag-rant.
"Isa pa… naiinis rin ako dahil ang tagal matapos ng chapter one namin. Nakakainis!" Marami naman talagang process sa chapter one. But for me, medyo easy na dahil nakakakuha na ako ng backgrounds about sa topuc namin so madali nalang 'yon.
"Hoy mga sis!" Napatingin kami kay Clea na pumasok sa room. Yung mga kaklase namin busy dahil sa hindi nagawang assignments. "Anong mukha 'yan, Le?" Natatawang turo ni Clea sa mukha ni Leanne. Pati ako ay natawa na rin.
"Damn you!" Inis na bulyaw ni Leanne.
"Did you heard na next week, magbubukas na ang club house? Saan kayo magre-register?" Alam ko na 'yan dahil Vice President ako since highschool. Kaya aware na ako diyan at napag-usapan na rin namin.
"Hmm… Art club ako." Sagot ni Leanne. Magaling siya sa drawing or paintings.
"I'm in Filipino club." Sambit naman ni Clea.
"I'm an SC officer so… baka hindi na ako sumali." Nagkibit balikat ako at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Gaga. Art club ka nalang, parehas naman nating linya 'yan. Sumali ka!" Pumayag nalang ako kaysa sa makipagtalo pa sa kanilang dalawa.
Dalawa sila. Isa lang ako. Hindi ako mananalo sa mga bibig nila. Machine gun ata 'yan, e.
Nang matapos ang third sub ko hindi muna ako lumabas dahil may chineck ako sa tablet na mga contents for our clubs. Next month ay buwan ng wika. August. July na kasi nagsimula ang school year namin.
"So sipag naman pala." Napaangat ang tingin ko sa President ng Student Council. Brayleigh Carter. Napangiti ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Umupo siya sa harap ko. "By the way, next month some booths will do." Pagpapaalala niya. Tumango ako.
"Sasali ka ng ibang clubs?" I asked her without looking.
"No. Nakakapagod kaya. Ang dami na nating gagawin tapos sasali pang clubs. Hell. Saka hectic na ang sched natin dahil college tayo. Well, graduating na 'ko. Kaya mas maraming ginagawa." Nakangusong sambit niya. She's so cute.
"I'll be joining Art club." Tinaasan niya ako ng kilay.
"What the heck? Kaya mo pa ba? But well, you're excellent. So… kaya mo na 'yan." Ngumiti siya sa akin. "By the way… I heard the rumors," I looked at her. What rumor?
"What about rumor?" I asked. Curious.
"You and… Axton. Crush mo. Aba! Anong ganap sa inyo? Nung nakaraan daw… sa canteen, he saved you. Then, the next is in the green field, he gave you water. And then, hinatid ka niya sa room." Tinaas baba pa niya ang kilay niya. Napasapo ako sa noo. "What's the real score?"
"We're nothing, but schoolmate or stranger or acquaintance. At saka… sino nagsabi nang tungkol sa water bottle sa green field?" Nagtatakang tanong ko.
"I heard from a student. Well, nakita ka daw niya na nakaupo sa Greenfield tas nag-usap kayo ni Axton, then ayon binigyan ka daw ng tubig." Natawa ako sa sinabi niya. Detalyado. Saktong sakto sa nangyari.
Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy na sa ginagawa. I need to focus. Kailangan ko nang maipasa 'to sa Council before I went home.
Hindi ko na napansin ang oras at bigla nalang nag-bell. Tumayo ako at inayos na ang gamit ko. Saka ako pumunta sa next subject. I groaned when I feel the hunger. Nagugutom na 'ko. Pero…ayoko namang ma-late so bahala na.
"Hindi ka kumain?" Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Naglalakad na ako papunta sa susunod kong subject.
Why he's here?
"Ahm… may… ginawa kasi ako." Nahihiyang sambit ko at napakagat sa ibabang labi. Gosh!
"Tss. Eat first before anything else." Napamaang ako sa sinabi niya. What did he mean by that? I don't want to assume some things, but…
"Ah…" tumingin ako sa cellphone ko para tingnan ang oras. 1pm na pala. Hindi ako naglunch. "Mamaya nalang siguro 3pm. Next break time." He clenched his jaw to suppress his anger. What? Why? Anong kinagagalit niya?
"You should eat." Bigla niyang hinatak ang kamay ko pababa ng building. Hinatak niya ako papunta sa canteen.
I bit my lower lip to prevent a smile showing up now. Kinikilig ako sa simpleng gesture niya. Bakit ganito ang kinikilos niya? Alam na ba niyang crush ko siya? Hindi naman siguro.
Walang pila ngayon kasi tapos ang lunch break kaya nakabili agad siya ng pagkain. Habang hawak niya ang tray,hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak sa malapit na table. Nilapag niya ang tray doon at pinaupo ako, umupo rin siya sa harapan ko.
"Eat." Napanguso ako sa maawtroridad niyang boses. Bakit ba ganito siya kumilos? Nakakainis!
Kumain nalang ako at hindi siya matingnan dahil nahihiya ako. Pulang pula na ang pisngi ko at nakayuko habang kumakain.
"You should eat healthy foods, and eat in time. Hindi yung nagpapalipas ka ng gutom." I suddenly looked at him when he broke the silence. He's serious. He's also clenching his jaw while his arms are crossed in his chest. Looking at me intently.
"O-okay." That's just the word I can say. Nothing more.
Hindi na rin siya nagsalita hanggang sa matapos akong kumain. Tumayo ako para ligpitin iyon at ilagay sa kung saan nilalagay ang mga tray na may mga platong gamit. Hinayaan naman niya ako.
"Let's go." Nagulat pa ako nang bigla siyang magsalita sa likod ko. What the hell?!
Aatakihin talaga ako sa puso dahil sa ginagawa niya!
"Ah… sige." I think… hindi pa naman ako late sa next subject ko. I still have ten minutes left. So nagmadali na akong maglakad medyo nauuna pa akong maglakad sa kaniya.
Tumingin ako sa kaniya nang malapit na kami sa room ko.
"What?" He asked and raised an eyebrow.
"Hindi ka pa ba late?" Tanong ko sa kaniya, nahihiya. Bumagal na rin ang paglalakad ko para magkasabay kami.
"No. Vacant time." Napatango ako sa sinabi niya.
"Mahirap ba sa architecture?" I asked, curiously.
"A little. Hindi pa sa ngayon, but soon." Balita ko kasi pahirapan sa mga plates and projects ang archi students kaya feel ko, ang hirap. Well, sa business nga mahirap rin e.
"Sasali ka sa mga clubs?" Tanong ko. Nasa harap na kami ngayon ng room. Wala pang prof kaya pwede pa akong makipag-usap. He looked at me and then looked away immediately. He also swallowed hard.
He scratch the tip of his nose lightly before answering. "I think art club will do? I don't want to join any clubs. Mas okay sa akin ang Art club, I can use my passion." I nodded. Art club rin ako sasali. Gusto kong sabihin 'yon pero… nakakahiya.
I smiled at him. "Hmm… okay, I'll go inside now. Thank you sa treat. Next time I will treat you, too." Nakangiting sabi ko. Ngumiti rin siya at naglakad na palayo. Without saying goodbye. Ano ba 'yan. Bitin.
Natawa ako sa sariling iniisip. Ano ka ba, Julia? Get a grip of your self. Kailan ka pa naging demanding sa atensyon ng crush mo?huh?
Ngayon lang naman.
Nang mag-uwian na ay agad akong nag-ayos ng gamit ko habang nakangiti. Tinitingnan ko pa ang mga kaklase kong isa-isang lumalabas ng room.
"Saya natin, sis ah? Anong meron?" Leanne suddenly interrupt my mood. Panira naman. Napaka tsismosa.
"Nothing. I just think that my day is bright." Tinaasan niya ako ng kilay kaya natawa ako. What? Totoo naman. Ang ganda ng araw ko ngayon kahit ang daming kailangang gawin for next week. As a Vice President.
"Ikaw ba talaga si Julia?" She asked. I laughed at that. Saan niya nakuha 'yon? "Hindi ikaw si Julia Frances! What happened to my bestfriend?! What did you do to her?! Where is she?!" She asked hysterically.
"Calm down, Lea… I'm just happy! Don't ruin my mood. Marami pa akong gagawin, so… I gotta go now. Bye!" Hinalikan ko siya sa pisngi niya. And I left her dumbfounded. I laughed while walking at the hallway.
"Saya natin, Julia, ah?" Nakangiti kong binalingan si Yisroel, kasama niya si Raven.
"What with the big smile?" Takang tanong ni Raven.
"Nothing, I'm just happy this day. Bye!" Naglakad na ako palayo at pumunta sa parking lot dahil nandoon na ang sundo ko.
"I bought a new dress, honey. It's in your room." Agad na bungad sa akin ni mommy pagkarating ko sa mansyon.
I kiss her cheek and dad's, too. I went upstair and go to my room. I saw a white box placed in my bed. I took out my bag and went to my bed to see what's inside.
I saw a color beige dress, ended up below my knee. It's also sleevess. I took it out and placed in my body, I looked at my body sized mirror and smile when I saw my self with the dress. It's beautiful.
Kinabukasan ay hindi agad ako gumising ng maaga. It's Saturday! Pwedeng hanggang mamayang tanghali ako gumising. Pero kailangan kong bumangon dahil kailangan kong gawin yung para sa Club House. Ang dami pa nun!
Naligo muna ako at nagbihis ng pambahay bago bumaba. Hindi ko na naabutan sina mommy at daddy,baka nasa company na. Their schedule is so hectic now. I see.
Pagkatapos kong kumain agad akong umakyat at binuksan ang Macbook ko para i-check ulit ang files para sa opening ng Club House. Nag-iisip ako, bakit kailangan pa nito? Tss.
Gumawa rin ako ng listahan ng mga mangyayari sa next month's event. Inilagay ko na rin doon ang mga itatayong booths ng bawat club. Nang matapos ay tumingin ako sa orasan. It's 4pm. Napatingin ako sa cellphone ko at may nakitang message galing kay mommy.
From: Mommy
Fix yourself before 7pm. Our driver will drive you at the reserved restaurant. See there, honey. Take care. I love you.
Nagsimula na rin akong iligpit ang gamit ko. Pagkatapos ay naligo na ako. I blow dried my hair and curled it. I also put light make up. Para hindi ako magmukhang maputla. Tumingin ako sa orasan at nakitang 6:20pm na. Kaya naman sinuot ko na ang dress at nagsuot ng 3 inches stiletto na kulay beige rin. Para pares. I also brought my white purse and I'm ready!
Lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Naghihintay na ang driver sa akin. 6:40pm na. Baka matraffic kami.
To: Mommy
I think, I'll be late. Sorry.
Umayos ako ng upo nang umandar muli ang van mula sa traffic. I took a picture of myself and post it in my i********:.
Nakatingin lang ako sa labas dahil wala naman akong kausap. Iniisip ko si Axton, medyo… weird siya kumilos last week. Hindi naman ako no'n pinapansin, e. Ang sungit kaya no'n. Kaya medyo takot ang ibang estudyante sa kaniya.
Huminto ang sasakyan kaya umayos na ako. Ako na ang nagbukas ng pinto para hindi na lumabas si Manong para lang magbukas ng pintuan.
"Salamat po, Manong." Saad ko at naglakad na papasok sa loob ng European Restaurant.
"Reservation, ma'am?" Tanong ng isang waiter na lumapit sa akin.
"Saranza's dinner?" I asked. Kahit ako hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.
"This way, ma'am." Ngumiti ako nang igiya ako ng waiter sa isang VIP room. And there. I saw my parents sitting at the couch. Nakikipagkuwentuhan sila sa katapat nilang pamilya. May kasama ring dalawang lalaki. Siguro anak nila.
Pumasok ako sa loob at nakita kong mas lalong lumapad ang ngiti ni Mommy at tumayo para salubungin ako.
"Honey!" Humalik ako sa pisngi niya at ngumiti. Lumapit ako kay Daddy at humalik rin sa pisngi niya.
"Hello po." Bati ko sa mag-asawang nakaupo sa katapat na upuan nina mommy. Ang asawa niya ay nasa gitna, kalapit ni Daddy.
"Ito na ba ang anak mo, Zenaida?" Tanong ng supistikadang babae. Ang ganda niya. Sobrang pormal lalo na kapag nagsalita.
"Oo, Thea. Ang unikaiha namin. Nag-iisa, kaya spoiled, pero ayaw niya rin ng iniispoil siya." Saad ni mommy. Ngumiti lang ako at inilibot ang tingin sa buong room.
Simple lang, glass wall kaya kita sa labas. Mayroon ring mga halaman sa gilid. Para refreshing.
Umayos ako ng upo ng ma-realize ko kung sino ang nasa harapan ko. Why he's here? Napatingin ako sa katabi niya. Ito yung bunso nilang kapatid. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako. Hindi ko alam kung anong ikikilos ko. Basta, bigla akong kinabahan dahil nasa harapan ko na pala ang pamilya niya.
Bakit hindi ko nakilala ang mommy niya?
I'm doomed.
Biglang dumating ang pagkain kaya natigil sa pagkukuwentuhan ang mga magulang namin at natuon sa pagkaing hinahain.
"Have a good dinner po." Sambit ng waiter bago umalis.
Nagsimula na kaming kumain. Konti lang ang kinuha ko dahil nahihiya ako kung kakain ako ng marami. Nakakahiya 'yon.
Sa harap pa ni Axton!
"Anong course ang kinuha mo, iha?" Tanong ng daddy ni Axton. Agad akong tumigil sa pagkain at uminom muna ng tubig. Sumulyap ako sandali kay Axton bago sumagot.
"Business po." Tanging sagot ko. Tumango naman siya.
"You will use your knowledge about your course well, soon." Sambit nito habang tumatango. Ngumiti nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Well, your son will be a great Architect soon, Nic." Saad ni daddy. Tumawa ang daddy ni Axton.
"Yeah. He'll manage our Architecture Firm, soon. After his graduation, I think?" Sagot nito.
The topic went on and on. Until his mom bring the new topic.
"Kailan ang alis niyo?" Napatingin ako kay Mommy. Tumingin rin siya sa akin at ngumiti ng alanganin. Si daddy naman ay natahimik.
"Next… next week." Alanganing sagot ni mommy at umiwas ng tingin sa akin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya.
"I think, Julia will be comfortable with our mansion, hindi naman malikot ang mga anak ko. Hindi rin sila nag-aaway. So, no problem." Napatingin ako ngayon sa mommy ni Axton, sunod kay mommy at kumunot ang noo.
"What did she mean, mom?" I asked. She swallowed hard like she's having a hard time to explain this to me.
"Honey, you will live in their house, next week." Bigla akong nanlamig sa sinabi ni mommy. Tumingin ako kay Daddy pero nakaiwas lang siya ng tingin at nakipag-usap sa daddy ni Axton. Tumingin rin ako sa kaptid niya, sunod sa kaniya. He's just looking looking at me coldly. No expression. When our eyes met, he raised an eyebrow.
My heart raced at the thought of living in their house. I will live with them. I will live with Axton.