LOVERS Nung mag-uwian ay agad akong nagligpit ng gamit. At tiningnan ang cellphone ko. Kung may text si Ate Bray pero wala naman kaya wala sigurong meeting ngayon. "Bye, sis!" Paalam ni Clea. "Bye! Ingat!" Paalam ko sa kaniya. Gano'n rin si Leanne at mabilis na sumunod kay Clea na parang may tinataguan. Inilabas ko ang cellphone ko at tinext si Axton. To: Axton We don't have a meeting. I hit the send button and walked towards the door. Nang makalabas ako nakita ko na agad si Axton na naglalakad papunta sa gawi ko. Wearing his Archi uniform, makes him so cool and hot at the same time. Ang unfair. Ang gwapo niya. Na-concious tuloy ako sa hitsura ko. Nang makalapit siya sa akin ay iniayos niya agad ang buhok niya gamit ang mga daliri. Tinaasan niya ako ng kilay nang makitang nakatitig

