JEALOUS Monday na naman. Another day na naman at ngayon na namin sisimulan ang mga booths namin. Another stressful day. "Buti nalang sa September pa ang practice namin sa cheerdance, panigurado kung ngayon, hindi ako makakasali sa club." Nakangusong sambit ni Leanne habang kumakain ng chips. Kumuha ako doon at nakikain kahit ang aga pa para do'n. "Quit ka na kasi. Last year ka pa kasali sa cheerdance ah?" Sambit ni Clea pero sa cellphone niya nakatingin. "Senior na 'ko sa cheer dance this year dahil college na 'ko, 'no. Kaya hindi ako magku-quit." Desididong sambit ni Leanne. "Mag-quit ka na. 'Di mo mapagsasabay ang pag-aaral at pagpapractice." Pangungumbinsi parin ni Clea. Si Clea kasi wala nang ibang sinasalihan kundi ang clubs lang dahil masyado siyang time concious. Yes, she has

