RIDE
Kinaumagahan ay gumising ako ng maaga kahit 8:30am pa ang pasok ko. Naligo ako at bumaba na. Nahihiya ako. Ngayon ko lang naman sila nakasama, siguro may party, daddy at mommy lang nila ang nakikita ko. Hindi yung tatlong magkakapatid.
"Hi, Julia naku! Halika rito, mag-almusal ka na." Bigla akong hinawakan ni Tita Thea sa kamay at hinatak sa dining area nila.
Ang dingding ay naka glass wall. Kaya kita mo ang garden nila sa paligid. May daan rin sa kanang bahagi papunta sa kitchen. Sa gilid ng kitchen ay may daan papunta sa swimming pool at garden. Ang lawak.
"Upo ka, hija." Yumuko ako at umupo sa bakanteng upuan. Napatingin ako sa katabi ko at napalunok ng marahas nang malaman kung sino 'yon.
"Good morning, Ate Julia!" Masiglang bati ni Caisen.
Ngumiti ako sa kaniya. "Good morning." Bati ko pabalik at sinimulan nang kumain.
"Mugto ang mata mo, 'wag kang mag-alala you won't feel alone here." Nakangiting sambit ni Kuya Zech. Ngumiti rin ako at hindi na nagsalita.
Malapit na akong matapos kumain nang ilapag ni Axton ang baso ng tubig niya at tumayo. Napatingin sa kaniya ang lahat, pati na ako.
"I'm going." Sambit niya at naglakad na palabas ng dining room. Naisip ko, paano kaya ako makakapasok? Magta-taxi?
"Isabay mo na si Julia." Sambit ni Tita.
"I want to ride alone." Tanging sambit niya bago umalis ng tuluyan. Nalungkot naman ako sa inasta niya. Ang sungit niya. Ang sama.
"You can ride with me going to school, Ate Julia." Nakangiting suggest ni Cai. Ngumiti ako at tumango.
"Sorry, mamaya pa kasi ang klase ko. At gabi na ang uwi ko, si Axton lang ang kaparehas mo ng schedule, kaso…ang sungit." Masungit rin naman si Kuya Zech, pero sa iba lang. Like… hindi niya close o hindi kilala.
"It's okay, Kuya." I smiled to assure them.
"Don't worry, pwede ka namang ihatid-sundo ng driver, maaga pa. It's just 7:30, and Cai's class starts at 8:00. Kung gusto mong mapaaga ang pasok… puwede kang sumabay sa kaniya." Saad ni Tita Thea.
"Sige po, Tita."
Nang matapos akong kumain ay nagtoothbrush na ako at lumabas ng bahay para sabay na kami ni Cai pumasok. Iisang school lang naman. Kaso nasa highschool building siya.
"Kuya is so rude!" Napatingin ako kay Cai habang nakatingin siya sa cellphone niya. He's just 16 yrs old. Grade 10 student.
"Anong kukunin mong course sa college?" Tanong ko para maiba ang topic. Ayokong nagsasalita siya ng masasamang isipin sa kuya niya. That's not right.
"It's either…" humawak siya sa baba niya habang nag-iisip. Ang gwapo rin nito. Pinaghalong resemblance ni Kuya Zech at Axton. "Engineer, Architect or construction worker." Tumawa pa siya nang sabihin ang huling naisip. Sa magkakapatid, siya ang medyo kuwela, pero seryoso rin. Mas light serious nga lang. Dahil nagagawa pa niyang magbiro.
"You must be an engineer someday, Axton is taking Architecture now, kuya Zech is in Law, then you must be an engineer, para may kasama na ang kuya mo sa mga projects niya someday." I smiled to convince him.
Lalong lumawak ang ngiti niya. "You like him?" I stiffened when he suddenly asked the question.
"W-who?" I stuttered.
"Kuya Axton." Tanging sambit niya. Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. That can't deny my feelings.
You can't deny yourself with your action.
"Don't worry, Ate, tutulungan kita para mapansin ka ni Kuya. He's such a numb guy. Palibhasa girls are flocking with him. Kahit wala pa siyang ginagawa. Buti mana ako sa kaniya, pero hindi ako kasing manhid niya." Natawa ako sa sinabi niya. What the hell is he saying?
"You're a playboy, too?" I asked. He scoffed and didn't answer my question. "You are." I concluded.
"I am not!" Tanggi niya sa sarili niya.
"I heard…"
"Don't listen to them." He said in a serious voice. I laughed at his reaction.
"Silly boy. I'm just kidding. Don't be so serious. Nagiging kamukha mo lalo si Axton." Tumawa pa ako dahil mas lalo siyang sumimangot.
Nakarating na kami sa school kaya bumaba na ako.
"Thanks for the ride, Cai. Bye!" Pumasok na ako sa gate at naglakad na papunta sa SCO—Student Council Office—dahil ipapakita ko yung mga bagong listahan ng members bawat clubs.
"Good you're here, Julia. My gosh, nai-stress ako sa ginagawa ko. Ang dami." Natawa ako sa sinabi ni Ate Bray.
"Anong oras ka dumating?" Tanong ko sa kaniya habang nilalapag ang laptop ko sa table ko.
"Around 6:30? I'm not sure. Basta kanina pa 'ko dito." Saad niya. Kaming dalawa lang ang narito dahil kami lang naman ang kailangang gumawa ng mga files na kakailanganin for school. Baka next week, konti nalang ang gagawin ko dahil ang iba ay ang ibang officers na ang gagawa.
Nag-umpisa na kami sa gagawin. Nang mag 8:30 na ay niligpit ko na ang gamit ko at nagpaalam na kay ate Bray. Mamaya pang tanghali ang klase niya kaya ayos lang sa kaniya na manatili rito.
Wala pa ang prof namin kaya naman gumawa muna ang ng ibang pagkakaabalahan.
"Wala daw prof. Nasa urgent meeting." Pagbabalita ng isa naming kaklase. Nagsihiyawan naman ang mga kaklase ko. Nakisali pa sina Leanne at Clea.
"Tara. Gala muna tayo." Aya ni Clea.
Umiling agad ako. "I… I need to do some papers. May research pa akong tatapusin." I gave them an apologetic smile.
"Ano ba 'yan! Next week, hindi ka puwedeng tumanggi!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Oo nga! Kailangan kumpleto tayong tatlo next week!" Nakangiting sambit ni Leanne.
"What do you mean?" I arched a brow to give them a curious look.
"Duh! It's my birthday! You forgot!" Madramang sambit ni Clea. Napasapo ako sa noo ko nang mapagtantong birthday niya nga pala next week.
"Kailan next week? Exact time, place and date. I'm busy, you know. Yung sa research namin, then sa SC. I need to manage my time." Paliwanag ko sa kanila.
"Friday. 8pm. At Z's Bar." Kumunot ang noo ko. Ngayon lang ata kami magba-bar. I mean, ako lang, silang dalawa ni Leanne ay madalas sa bar kahit nung 17 palang kami. Hindi kasi halata na 17 sila kaya nakakapasok sila sa loob.
"Come on, Julia. Don't be so conservative. You need to loosen up! Magpaalam ka na sa mommy at daddy mo. O kaya ipapaalam ka namin sa kanila." Right. They didn't know. Hindi pa nila alam na nakaalis na sina mommy at hindi nila alam na nakatira ako sa bahay nina Axton. I suddenly felt guilty, wala silang kaalam-alam na hindi ako mag-isa.
"They flew out." I suddenly said. Biglang nagbago ang reaksyon nila. From happy to curious.
"Who?" Clea asked.
"My parents, they flew out of the country. I think, kanina lang. Using our private plane." I smiled sadly.
"So… you're alone." That's not a question.
I slowly nodded. Hindi ko alam kung paano ko aaminin na kina Axton ako nakatira ngayon. Hindi ko alam.
"Then, you really need to be with us next week, Julia. Para medyo malimutan mo ang lungkot. Para sumaya ka naman." And we talked a lot about next week.
Hindi ko alam kung bakit pinag-uusapan na agad namin 'yon, e next week pa naman gaganapin.
Nang matapos ang time ay lumabas na kami para sa next subject. Medyo lutang ako habang nasa klase. Iniisip ko kung bakit sobrang bilis naman ata ng pangyayari? Bakit umalis kaagad sila mommy?
Is there something wrong?
From: Mommy
Eat your lunch, honey. You'll be okay, soon. We just need to hurry because we need to. Take care, I love you.
I smiled when I read her message. Itinago ko na rin ang cellphone ko para pumunta sa next subject. Mamayang uuwian ay didiretso ako sa SCO para iayos ang student records.
"Class dismissed." Announce ng prof namin kaya tumayo na ang mga kaklase ko para lumabas. Ako naman ay inayos ang gamit ko saka lumabas ng room.
Dumiretso na ako sa canteen dahil sabi ni Clea nandoon na daw sila. Maagang nagdismissed ang prof nila kaya nandoon na sila agad.
"Ang bagal naman." Natawa ako sa reklamo ni Leanne. Pumasok na kami sa loob ng canteen.
"Susunduin ka nalang namin next week, ah." Napatingin ako kay Clea nang bigla siyang magsalita habang kumakain kami.
"What? Why?" Kunot noong tanong ko.
"Ang bilis mo naman ata makalimot! Kanina lang natin napag-usapan 'yon, ah!" Malakas na sigaw ni Clea.
"Ano nga 'yon?"
Umirap siya saka nagsalita ulit. "Birthday ko!" Inis niyang sambit. Natawa ako sa reaksyon niya. Inis na inis na talaga siya.
"Tss. Sige na nga." Nagpaplano na talaga sila kahit next week pa naman 'yon. Ang layo pa.
Nang matapos na kaming kumain bumalik na kami sa mga next subjects namin. At halos magmadali na ako sa mga ginagawa ko. May meeting nga pala kami ngayon sa SC. Bakit ko nga ba 'yon nakalimutan? Kaya ayoko ng urgent meeting e.
"Next week is the last week of the month, so… we need to plan about next month's event. 'Buwan ng Wika', obviously, Filipino club ang mas maraming gagawin, but of course hindi lang puro Filipino club or English club ang kikilos, lahat tayo. Mag-isip na kayo ng puwede niyong pakulo next week. We will be having some booths next week." Paliwanag ni Ate Bray. Ang secretary ay nagta-take down notes sa lahat ng sinasabi ni Ate.
"We still have classes by that day?" Tanong ng isang President sa Music Club.
"Yes. Of course. Hindi porke may event na ganyan, e walang klase. And of course, lahat ng officers bawat club ay excuse. Hindi tayo papasok sa klase for the whole week to do some staffs. Kailangan na natin maghanda. But,the event will be held by Friday. Walang klase on that day for the event. Civilian ang lahat. Club funds ang gagamitin, and kapag nakabenta kayo sa event, ipunin ulit ang pera for the next fund. Paulit-ulit lang. Para kayong bago sa mundo." Natawa pa si Ate Bray sa paliwanag niya. Oo nga naman,halos taon taon ginagawa na naman 'yon.
"And after the event, we will be having our meeting. Kukuhanin namin ang mga opinyon ninyo or suggestions para sa mga gaganaping events or programs for the next months." Dagdag ko. Nagsimula nang mag-usap usap ang mga estudyante para sa gagawin nilang booth.
Nakisali na rin ako sa Art Club dahil kasali ako dito. Hindi ako isa sa officer nila pero kailangan kong makipag-cooperate.
"Calligraphy quotes kaya?" I suggest. Tumingin sila sa akin at ngumiti.
"I like that." Pagsang-ayon ng President nila.
"And then, puwede rin tayo magphoto booth." Rinig kong sambit ng isa sa member ng Photography Club. I smiled. Kaya gusto ko sa mga ganito, nagkaka-isa ang lahat.
"We can also provide a limited shirt for our booth. You know… ahm ang design ng damit ay naka-calligraphy. If they want to customized it, pwede silang maghintay ang ilang araw?" I suggested again.
"20 shirts will do." Saad ng vice president nila.
"Oo nga, para mabawi natin yung sa fund natin." Nakangusong sabi ng Treasurer nila.
"Kapag ipapa-customized nila,magdadagdag ng 100 pesos. Kunwari… 150 ang shirt with quotes,then kapag gustong magpa customize add sila ng 100 pesos." Nakangiting sambit ni Adi.
"That's okay with me!" Sang ayon ng President.
"Kailangan na natin gumawa ng quotes." Sambit ng isang officer.
"We can also have a calligraphy name, and pwede nilang hintayin 'yon until ma-laminate." I suggest again. Ang epal ko na ata.
"Alam mo, Julia… ang saya pala kapag isa ka sa member! Ang dami naming naiisip!" Tuwang tuwang sabi ng Secretary.
Natawa ako at napailing.
Iyon ang naisip namin at napag-usapan hanggang sa matapos na at mailista ang kailangan at mga gagamitin.
Naglakad ako papunta sa loob ng opisina namin dito. Lumapit ako sa mesa ko at tiningnan ang cellphone. 6:30 pm na pala. Tumingin ako kay Ate Bray. Para siyang badtrip na ewan habang may tinitingnan sa cellphone niya. Ayokong makitingin dahil baka mas lalo siyang mabadtrip.
Napatingin kami parehas ni Ate Bray nang bumukas ang pintuan. Tinaasan niya ng kilay ang Secretary namin na nakangisi. Tumingin 'yon sa akin kaya ako naman ang napataas ang kilay.
"Mga jowa niyo, nasa labas." Mapang-asar na sabi nito bago lumabas ulit.
"Ate Bray, boyfriend mo daw." Saad ko habang inaayos ang gamit ko.
"Baka ikaw, wala akong boyfriend, 'no." Mapait na sabi nito at tinago ang cellphone. Umupo naman ako sa swivel chair ko at tiningnan ang laptop ko. I groaned when I saw my research there. Ang dami ko pang gagawin.
Bumukas ulit ang pinto. This time, hindi na yung secretary ng SC. It's Kuya Zech. Tumingin muna siya sa akin, bago kay Ate Bray.
"Bakit nandito ka?" Masungit na tanong ni ate Bray. I smell something fishy.
"I'm here to fetch you. Let's go home." Anito at lumapit sa mesa ni Ate Bray. He leaned to give Ate Bray a kissed on her head. I bit my lower lip to hide my smile. Damn. Sila na ba? Kinikilig ako sa kanila. Sana all.
"Doon ka nga. Parang sira." Inis na tulak ni ate Bray kay Kuya Zech. Sa akin naman nabaling ang tingin ni Kuya Zech. He smirked when he glanced at me. Nagkunwari lang akong nagi-scroll sa laptop ko hanggang sa magsalita siya.
"Axton's outside. Hinihintay ka niya." Napatingin ako sa kaniya at napakunot ang noo. Bakit ako hihintayin no'n?
Ngayon ko lang naalala na wala nga pala akong sasakyan. Iniisip ko nalang na mag-taxi kaysa makaistorbo ako. Mas mabuti nang gano'n.
Hindi ko nalang muna inintindi si Kuya Zech at ni-revise ang ginawa kong research para malibang at hindi isipin na totoo ang sinabi ni Kuya Zech. Bakit naman ako hihintayin no'n? E, ayaw nga niya akong pasakayin sa kotse niya. He wants to ride alone. Tss.
"He's waiting there for almost… two hours, I think?" Napatingin ulit ako kay Kuya Zech. Kinokonsensya niya ba ako?
"He's… still there?" Tanong ko.
"Yeah. Naabutan ko lang siya doon, tapos tinanong ko kung sino hinihintay. Sabi niya ikaw daw." Nagkibit balikat siya at tinuon muli ang tingin kay Ate Bray.
Napaisip ako. Kanina pa siya doon. Hindi ba siya nangangalay? s**t! Agad kong kinuha ang cellphone ko at laptop saka ako lumabas.
Konti nalang ang naroon at mukhang nagpapalipas lang ng oras saka na uuwi. Lumabas ako and there, I saw him leaning against the wall while his hand is on his pocket. Nang maramdaman ang presensya ko lumingon siya sa akin at umayos ng tayo.
"Let's go." Sambit niya pero hindi ako gumalaw.
"You said you want to ride alone. Magta-taxi nalang ako. Sorry sa paghihintay." I gave him an apologetic smile.
"Then, ride with me. Let's go." Ngumuso ako pero hindi parin kumilos. He sighed frustratedly and looked at me.
"Magta-taxi nalang ako." Pangongonsensya ko. Huh! Sabi sayo hindi mo 'ko matitiis.
"No. You're not going to ride a taxi. Tara na. Hindi ka ba naawa sa akin? I stand here for f*****g two hours!" He burst out. Natawa naman ako sa inis niyang mukha. Napakaseryoso pa niya.
"Fine." Sambit ko at naglakad na. Nasa likuran ko siya at ako naman naglalakad na pababa at papunta sa parking lot.
"Sa akin ka na sasabay araw-araw." Sambit niya nang makapasok sa driver's seat. Tumango naman ako at nag-drive na siya pauwi.
"Sa susunod kapag nasa meeting ako, pwede ka namang mauna na, o kaya pwede kang pumasok sa loob para hindi ka tumayo ng matagal sa labas." Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.
"Okay." Walang emosyong sagot niya. Hindi na ako umapila at nanahimik nalang hanggang sa makauwi kami.
Hindi pa ako nakakakyat ay tumingin ulit ako sa kaniya.
"Next week, kung gusto mong maki-cooperate sa gagawing booth for the next month's event, sabihin mo lang sa akin." Ngumiti ako sa kaniya pero nakaiwas siya ng tingin at tumango lang. "Thank you for the ride." I smiled again and went upstair to change my clothes and also to take a bath.
Nang matapos akong maligo binuksan ko ang cellphone ko at nakitang may message doon si mommy.
From: Mommy
Take care, anak. Behave okay? 'Wag kang magpapasaway diyan. Be friends with Axton, he can help you out. Goodnight. I love you.
I smiled again and went out on my room to eat dinner.