PROLOGUE
Prologue
" Wag mong isipin na nagseselos ako sa mga babae mo dahil hindi mangyayari yang pangarap mo... At wag mo ring isipin na kaya ako nag kakaganito ngayon ng dahil sa nag seselos ako sa nakita ko kanina. Ganto na ako bago pa man tayo nag kakilala."
Walang ka emoemostion na sabi niya sakin. Parang wala lang sakanya lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam kung minsan naiisip niya ba o kung alam niya ba na nakakasakit na siya dahil sa mga sinasabi niya o sadyang normal na para sakanya ang lahat ng sabihin niya.
Kung sakali mang alam niya na nakakasakit na siya sa mga sinasabi siguro bali wala na lang rin yon para sakanya.
Kung dati ang pinaka hinahangaan ko sakanya ay ang pagiging prangka niya at straight forward ngayon siya namang ayaw ko na sakanya.
Dati astig pa para sakin ang pagiging straight forward niya. Gustong gusto ko yung ganong ugali niya ngayon yon na ang pinaka ayaw ko sakanya. Kahit nga sabihan niya lang akong stupid ngayon ay kinakainit na agad ng ulo ko na siya namang hindi nangyayari dati.
Ibang iba na ang mga nararamdaman ko ngayon kumpara noon. Noon kapag sinabihan niya ako ng stupid Kaya ko pang ngumiti at kaya ko pang makipag biroan sakanya ngayon hindi na. Ayaw ko ng mag mukha akong walang alam sa harap niya ayaw ko na mukha akong tanga para sakanya.
Iba na ang gusto ko. Noon ang gusto ko lang na makita niya sakin ay kung anong totoong ako. Kung ano yung mga panget sakin. Kung ano yung mga kakaayawan niya sakin. Gusto ko na makita niya yung totoong ako para mas magalit at ma bwesit siya.
Pero ngayon iba na talaga.
Masgusto ko na lang na makita niya kung ano lang ang maganda sakin. Kung ano lang ang kaakit akit sakin. Kung ano lang ang mahal mahal sakin. Kung ano lang ang mabuti at maganda bahagi ko. Yon na lang ang gusto kung makita niya sakin.
Ayaw ko na alam niya yung mga hindi katangi tangi sakin. Ayaw ko na alam niyang hindi ako nag mumumog o nag to-toothbrush man lang sa umaga bago kumain. Ayaw ko na alam niya yung mga madudumi sakin. Gusto ko puro kapinisan ko lang ang nakikita at alam niya sakin.
Ang laki ng pag-sisi ko ngayon. Kung sana naging mabuti lang ako at puro maganda lang ang pinapakita ko sakanya baka hindi ako nag kakaganito ngayon. Kung sana nagpaka tino na lang ako habang nag sisimula pa lang kami baka hindi ganito ang trato namin sa isa't-isa.
" Kilalang respitado ang pamilya natin. Ang pamilya ko kilala at kasama sa mga tinitingalang pamilya sa bansa dahil sa magandang pagsasama at walang kahit anong na link na kabit o kahit anong hindi kaaya aya para sa mga magasawa. Ang pamilya mo naman kilala at respitado rin dahil sa negosyo niya. Hindi man ang buong angkan niyo pero ang Mommy at Daddy mo kilala rin bilang isang magandang halimbawa ang mga magulang. Ganon na rin ang pamilya niyo. Kaya wag kang gumawa ng kahit ano na makakasira sa repotasyon ng pamilya natin. Kung gagawa ka ng mali siguradohin mong walang makakakita at walang madaming makakaalm. Kung may makakaalam man siguradohin mong hindi lalabas sa media. Ayaw kong mapa balita na ang Asawa ko nakipag kita sa kabit niya habang kasama ang Asawa niya."
Kahit na alam kong may diin at pagka sarkastileko ang pagkakasabi niya ng "Asawa ko" may naramdaman parin akong kunting tuwa sa puso ko.
At iwan ko rin ba sa babae na to minsan na nga lang magsalita ng matagal sa harap ko lagi pang masasakit lahat. Pero iwan ko ba kahit masakit lahat ng naririnig ko sakanya kapag magkausap kami mas gusto ko parin yon kisa sa hindi ko siya naririnig na nagsasakita.
Na parang wala lang ako sakanya kapag hindi siya nag sasalita. Hindi rin ako kumportable kapag magkasama kami tapos hindi kami nag uusap. Na dati naman ay halos wala lang sakin kong magusap man kami o hindi. Ngayon ibang iba na talaga.
" Akala ko ba ayaw mo maging katulad ng mahulang ko at sa Daddy mo na puro repotasyon lang ang mahalaga. Bakit ngayon parang mas mahalaga na rin sayo ang repotasyon kisa sa kung anong nag papasaya sayo!"
Naka harap ako sakanya habang nag sasalita siya naman diretsyo lang ang tingin sa daan. Kahit hindi naman siya ang nag dridrive. Akala mo rin puro propisyonal ang kasama niya. Naka upo ng tuwid. Nakatingin ng diretsyo. Nakalagay ang mga kamay sa hita. Gumagalaw lang siya dahil sa pagalog ng sasakyan.
Samantalang ako nakatagilid ng upo nakatukod ang kaliwang braso sa upoan at naka pangalum babang naka tingin sakanya. Nakasabit rin yung kaliwang paa ko sa upoan.
Kung anong kina sopistikada niya siya namang kabaliktaran sakin.
" Wag mo sa ganyang angulo tignan ang lahat ng sinabi ko. Isipin at intindihin mo Ng mabuti ang sinabi ko bago mo ako sabihan na nagiging katulad na rin ako ng magulang at Daddy ko. Sasabihin ko rin sayo ginagawa ko parin to para sa kasiyahan ko hindi para maging katulad ng magulang mo o nga Daddy ko."
Kung kanina wala siyang ka emo-emosyon habang kinakausap ako ngayon meron na. Nararamdaman ko na ang unti unting pagtaas nanaman ng presyon niya sakin. Kaya naman unti unti nanaman tumataas at dumadami ang tuwang nararamdaman ko ngayon.
" Ohh pano naman naging para sa kasiyahan mo parin yon?" Takang tanong ko.
Tumaray naman muna siya bago nag paliwanag. Kailan kaya tong babaing to mahihilig sa pagpapaliwanag.
" Pwedi di maghanap ka na Lang iba mong guguluhin wag ako. Nasasayang ang oras ko para magisip kapag ikaw kausap ko."
Iretableng singhal niya. Hindi ko alam kung bakit kapag ako kausap niya galit siya lagi lalo na kapag may kasama akong babae. Pero kapag iba naman normal lang naman siya. Madalas siya magsalita. Ang hulig niya makisawsaw sa usapan na parang hindi siya makatagal at mapakali kapag hindi siya makapag salita.
*************
Abnbsm.•‿•
Thank you for reading.
And I hope you like it and you will stay as my reader.(•‿•)
Feel free to comment and to correct me.(•‿•)
#Lovelove