Justin's POV "Anong ibig sabihin ito ah? JP? Justin?" Pag uulit ni JM sa kanyang tanong kaya napaghiwalay ako sa pagkakayakap ko kay JP. "JM. Ano..!" Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Justin sya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit bigla ka nalang nakipag hiwalay sa akin?" Galit na galit na tanong sa akin ni JM. Napayuko nalang ako dahil sa hindi ko alam kung anong sasabihin. Totoo naman kasi diba? "P*tangina!" Rinig kong sabi ni JM sunod noon ay ang mabilis na pagsugod nito kay JP at mabilis pinaulanan ng malalakas na suntok. Suntok doon suntok dito.. Mabibilis at malalakas ang mga suntok na ibinibigay ni JM kay JP. Nakita ko pang pumutok ang labi ni JP ng sapakin ito ni JM. Hindi din nag patinag si JP at mabilis din siyang gumanti dahilan kung bakit natumba si JM. Hindi

