Justin's POV "Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat? Ginamit lang kita para saktan si JM. para saktan ang kapatid ko!" Walang emosyon na sabi nito sa akin. Teka ano daw? Kapatid? Si JM? Kapatid niya? At ginamit niya lang ako? "Ha ha ha.. teka JP. Tama na. Hindi magandang biro iyan. Bawiin mo ang mga sinabi ko!" Sabihin mo please na hindi totoo yung sinabi mo. Sabihin mo. Pero umiling lang siga saka lumayo sa akin. Ginamit lang kita. Ginamit lang kita para saktan si JM!" Walang pag aalinlangan na sabi nito sa akin. Halo halong emasyon ang nararamdaman ko ngayon. Takot, galit, pagkalito, pagsusumamo at iba pa. "Te- teka JP. Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan!" Mahinang sabi ko dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Gusto ng kumawala ang mga luha sa aking mata pero

