Justin's POV Nagising ako sa isang hinding pamilyar na lugar. Puting kisame, aparatos, bintana at puting kurtina. Habang may nakalagay na kung ano sa aking bibig ay may nakakabit din na kung ano sa aking kamay. "Justin anak. Gising kana!" Rinig kong boses sa kung saan kaya inilibot ko ang aking paningin. Nakita ko ang isang babae habang umiiyak at sa tabi nito ay isa namang lalaki habang nakahawaksa baywang ng babae. "Edgar. Tawagin mo ang doctor dali!" Utos ng babae sa lalaki na dali dali naman nitong sinunod. Tinanggal ko ang nakatakip na bagay sa aking bibig saka nagsalita. "Si- no ka? Asan ako?" Takang tanong ko sa babae dahil sa hindi ko siya nakikilala. "Anak. Justin ako ito. Ang mama mo!" Umiiyak na sabi niya at lumapit sa aking pwesto saka mahihpit na hinawakan ang aking

