Princess 71

2656 Words

Mga bandang hapon na rin nang magawa namin na makalabas sa lungga ng mga mersenaryo. Ayaw pa sana ako paalisin ni Kareem at inimbitahan pa niya ako na sumama sa kanilang hapunan sa mansyon ni Count Bardoz kasama si Prinsesa Aubriella. Siyempre agarang tumanggi ako sa nais niyang pagharapin kami ni Prinsesa Aubriella. Kung hindi ko lang sinabi na kailangan ko na makauwi para ipagluto ng hapunan sina Aling Ester at Mang Almiro ay hindi niya talaga ako tatantanan. "Hmmm... Hindi na kita mahahatid, Binibini," malungkot na sambit naman ni Sir Lenox at nanlulumo na bumagsak ang kanyang balikat, "Kailangan ko kasi na dumalo sa hapunan na iyon. Lalo pa na ako ang siyang dahilan para magtungo rito ang pangalawang prinsesa." "Nauunawaan ko," sambit ko naman bago nginitian siya, "Tsaka hindi niyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD