Pagkatapos nang nangyari na paligsahan nina Sir Aziel at Sir Lenox sa plaza ay sa wakas naisipan na nila na magtungo kami sa lungga ng mga mersenaryo. Humiwalay naman agad sa amin si Raig dahil na rin hindi pa siya tapos na mamili ng mga pinabibili sa kanya ng kanyang amang count. Pakiramdam ko ay lumapit lang siya sa amin para asarin sina Sir Aziel at Sir Lenox. Nagtagumpay naman siya dahil magmula nang makaalis siya ay hindi na ngumiti ang mga ito. Kulang na lang ay makakita ako ng plaka sa mga noo nila na may nakasulat na salitang 'talunan'. Lihim na napahagikgik naman ako sa naisip na iyon. Hindi nagtagal ay natanaw ko na rin sa wakas ang lungga ng mga mersenaryo. Sinigurado ko muna na walang nagmamasid o hindi kami nakikita ni Prinsesa Aubriella na pumasok doon. Ngunit pagkaapak

