"Woaaaaaaaahhhh..." "S-Si Binibining Leya ba iyan?" "Grabe ang ganda ganda niya ngayong naayusan siya!" "Pakiramdam ko ay may Diyosa sa ating bayan ngayon!" "Paniguradong may mas igaganda pa siya sa lagay na iyan!" "Dadami na naman yata ang manliligaw niya!" "Hahaha! Malabo! Dalawang binata ang nakabakod sa kanya ngayon!" "Sabagay..." "Kung sino man ang mapili ng binibini ay masaya ako para sa kanya!" Manghang bulungan ng mga tagabayan na makakasalubong namin. Ramdam ko pa ang paghabol nila ng tingin sa akin habang nilalampasan namin sila. Hindi ko alam kung nanadya ba sina Sir Aziel at Sir Lenox pero talagang sa plaza nila ako dinadala. Nagkaroon kasi kami ng usapan kahapon na sasamahan nila ako sa lungga ng mga mersenaryo para magbigay ng aking ulat tungkol sa nangyaring laban

