"Ito po ang magiging ang kwarto niyo, Prinsesa Aubriella. Sa mga katabing kwarto naman po magsasama-sama ang mga kasamahan niyo," magalang na pagbibigay alam ni Count Bardoz bago pilit na nginitian si Prinsesa Aubriella pati na rin ang mga kasamahan nitong kawal. Pagkatapos niya naman ipaalam iyon ay inilibot ng mga kawal ang tingin sa buong kwarto at walang kung ano na ininspeksyon ang bawat sulok nito. Talagang siniguro nila na walang kahit anong bagay ang itinago sa kwarto na iyon na maaaring makapanakit o makapahamak sa buhay ng kanilang binabantayang prinsesa. Doon pa lang ay talagang pinapakita nila ang kawalang tiwala nila kay Count Bardoz. Na maaaring gumawa siya ng lihim na hakbang para lang mapabagsak ang pangalawang prinsesa at mailuklok ang unang prinsesa sa trono. Nang mat

